Kabanata 27

283 12 8
                                    

Ordinary song by Marc VelascoLyrics by POLARIS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ordinary song by Marc Velasco
Lyrics by POLARIS

___________

Ordinary song

"Manang Luring sigurado po ba kayo na hindi na kayo magpapahatid sa amin ni Vince Felix?"

"Nako anak wag na malapit lang ang sakayan," uuwi kasi si manang sa probinsya nila dahil bibisitahin niya ang kaniyang kapatid mga dalawang linggo siya doon. "Felix alagaan mo sina Zia at Kaycee, matanda na kayo alam niyo na ang tama at mali." Yumakap si Felix kay manang.

"Mag-ingat po kayo doon, tawagan niyo po ako kapag pauwi na kayo susunduin ko po kayo sa bus station," niyakap kaming dalawa ni manang at parang maiiyak na siya.

"Sige na mga anak nariyan na ang tricycle sa labas, wag kayong mag-aaway ha," ngumiti kami sa kaniya at inihatid siya sa labas.

Hinintay namin makaalis ang tricycle bago pumasok sa loob ng bahay.

"Okay ka lang ba Vince Felix?" Umakbay siya sa akin.

"Oo naman baby, first time kasi umalis ni manang Luring na gano'n katagal hindi lang siguro ako sanay," humarap ako sa kaniya at pinisil ng mahina ang pisngi nito.

"Babalik si manang wag ka ng malungkot, ipagluluto kita lagi sa umaga tapos ako na mag-aasikaso ng mga kailangan mo," hinawakan niya ako sa mukha.

"Baby ko, ayokong mapagod ka saka nandiyan naman ang ibang katulong natin sa bahay. At isa pa pagod ka sa hospital palagi lalo na ngayon dumadalas ang overtime mo sa trabaho."

"Basta gusto ko ipagluluto kita wag ka ng kumontra Mr. Amores."

"May laban ba ako sa aking soon to be my wife?" he laughs softly.

"Sira ka talaga, maligo ka na nga at ako din sabay na tayong pumasok sa work hmm," nakayakap siya sa akin at ayaw bumitaw. "Vince Felix gusto mo bang mahuli tayo sa trabaho? Manunuod pa kami ng sunrise ni Kaycee oh."

"Sasama 'ko, ilang araw din akong hindi nakakasama manuod ng sunrise sa inyo ni Kaycee."

"Okay bitawan mo muna ako pwede?" Natatawa kong wika, pero mas hinigpitan lang niya ang yakap sa akin. "Ah gano'n ayaw mong bumitaw, lagot ka.." Kiniliti ko siya ng kiniliti hanggang sa bumitaw siya saka ako tumakbo sa taas papunta sa silid ko pero naabutan niya ako.

"Huli ka!"

"Vince Felix! Sige na maligo ka na."

"Kiss muna.." Pumikit pa siya.

"Ayoko nga 'no nakakarami ka na next week na lang," nakangisi kong wika.

*Mwah* "Gotcha!" Saka siya mabilis na nagtungo sa silid niya, napailing na lang ako at natawa.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon