Kabanata 13

389 9 4
                                    

Chemotherapy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chemotherapy

Nang matapos ay inilipat na sa silid niya si Kaycee. Dalawang oras din ang tinagal, paglabas ko nakasandal si Felix sa hallway nilapitan ko siya. "Vince Felix.."

"S-Si Kaycee?"

"She will be fine, pero gusto kong malaman mo na may mga pagbabago na mangyayari kay Kaycee. Maaring malagas ang buhok niya, manghina at magsuka pero mas kailangan mas matatag ka." Bahagya kong hinaplos ang balikat niya. Huminga siya ng malalim at ngumiti ng matamlay saka nagpasyang pumasok sa silid ni Kaycee. Susunod sana ako nang biglang dumating sina kuya Jelo.

"Zia okay ka lang? Magiging okay din si Kaycee at sigurado akong gagaling siya," pinat ako ni kuya Jelo sa balikat kaya ngumiti ako.

"Thank you kuya Jelo, teka kakain na ba kayo? Lunch na oh."

"Oo sana kaso baka kasabay mo si Felix?" Tumabi si Calvin saka umakbay sa 'kin.

"Nako, diyan nag-uumpisa 'yan e sa akbayan talaga." Biglang dating ni Kai.

"Ikaw talaga Kai gutom ka na 'no? Tara na kaya sa canteen? Bibigyan ko muna ng time 'yung magkapatid saka moment nila 'to."

Dumiretso kaming apat sa canteen saka umorder ng pagkain.

"Hoy mangkukulam kakain tayo hindi 'yang nakikipag-video call ka pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoy mangkukulam kakain tayo hindi 'yang nakikipag-video call ka pa."

"Alam mo kuya Jelo nabubusog ako kapag kausap ko ang aking jowa," sabay hawi ng buhok sa harap ni kuya Jelo.

"Ano ba 'yan lasang bagoong, wala bang shampoo sa bahay ninyo?" Natatawa akong sumubo ng kanin, ganyan talaga kapag nagkasama na sila.

"Ang kapal mo kuya Jelo, kailan ka ba magiging gwapo?" Inikutan ni kuya Jelo si Kai at tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Okay naman kaso ang laki talaga ng kulang, gusto mo ba samahan kita kay dra. Belo? Iyang bibig mo ipatahi natin tapos ang mga mata mo idamay na rin natin? Libre ko.." Taas noo pa si kuya Jelo habang inaasar si Kai. Halos maubo na kami ni Calvin kakatawa.

"Ah gano'n? Bakit kaya hindi mo papalitan 'yang mukha mo? Nakakasawa kasi e! Boom!" Inirapan siya ni kuya Jelo tapos 'yong tawa ni Kai putol-putol.

"Hindi ka ba nahihiya sa akin Kai? Nakakasabay mo ang pinakagwapo na nurse dito sa buong hospital?"

"Actually nahihiya nga ako e, lalo na kapag magkasama tayo kasi kahit man lang sa pagkain may dyosa kang makakasabay, siguro epekto ko 'yan kasi feeling mo gwapo ka kapag kasama mo ang katulad kong sapak ng ganda!"

"Sapak lang pero walang ganda yo! Boom!" Inaksyon pa ni kuya ang pagsayaw ng boom kaloka ang mga 'to.

"Hoy nasa hapag kainan po tayo.." Paalala ko kahit natatawa pa rin ako tapos si Calvin tumatango na tumatawa pa rin.

"Pasensya ka na Zia, mamaya pupunta ako ng OR para tanggalin 'tong kagwapuhan ko at ng kapag sinasabayan ko si Kai e pantay na kami!" *evil laughed* Tapos dumila si Kai sa kaniya. "Oh, ano wala ka ng masabi? Mangkukulam na 'to." Tatawa-tawang wika ni kuya Jelo.

"Kapri!"

"Ang pogi ko, kumain ka na mauubos na ang isang oras hindi mo pa rin ako naaasar kulamers!"

"Grrr!" Tinapik ko si Kai.

"Tama na 'yan kumain ka na.."

"Ay Zia pwede ba akong magpasama sa 'yo sa Sunday?" Tanong ni Calvin.

"Saan kayo pupunta?" Sabat ni Kai kaya pinitik ko siya sa noo. "Aray!"

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Birthday kasi ni mommy sa susunod na buwan e hindi ko alam kung ano ba ang dapat ibigay o regalo."

"Talaga? Birthday pala niya.." Para sa 'kin ang pamilya ni Calvin ang isa sa mga hinahangaan ko. Happy family sila at puno nang pagmamahal. "Sige sasamahan kita."

"Paaano naman kami?" Ngumuso si Kai.

"Alright sumama ka na po kayo ni kuya Jelo," natatawang pag sang-ayon ni Calvin. Tapos si kuya Jelo sandaling napatigil sa pagkain.

"Huwag na baka kasi mapahiya ako sa daan, alam mo na kapag may hindi kagandahan na nilalang kang kasama 'no? Mahirap 'yon." Tumatawa lang si Kai saka kumuha ng ulam ni kuya Jelo. "Hoy mangkukulam! Pulubi ka ba at nangunguha ka ng ulam? Pumunta ka do'n at bumili bibigyan kita ng pera, tsk. Ang sama ng mundo pagdating sa 'yo parang sinalo mo na ang lahat nang kamalasan!"

"Nye! Nye! Nye! Wala akong naririnig!" Nagtakip ng tainga niya si Kai.

Habang nag-aasaran sila ay natapos na akong kumain. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko, nagtext si Felix at pinapaakyat ako sa silid ni Kaycee. Tumayo na ako at iniligpit ang pinagkainan ko.

"Guys kailangan ko ng bumalik, mamaya na lang ah." Hindi ko na sila nilingon pa at dumiretso na ako sa silid ni Kaycee.

Ilang sandali pa at nakarating na ako, marahan kong binuksan ang pintuan. Natutulog na si Kaycee tapos si Felix malungkot na pinagmamasdan ang kapatid niya.
"Vince Felix.." Tawag ko dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Kumain ka na ba?" Tinabihan ko siya sa upuan, tila lutang siya at malungkot.

"Oo tapos na, ikaw?" Umiling ito.

"Wala akong gana kumain," ngumiti siya ng matamlay.

"Vince Felix, naiintindihan kita." Hinawakan ko ang kamay niya tapos gano'n din siya. Bukod sa pag-aalala may halong tuwa ang aking nararamdaman. Felix, wag kang ganito marupok ako! Nasabi ko na lang sa 'king sarili.

"Alam mo 'yong pakiramdam na kinakailangan mong maging matatag dahil kailangan! But the truth is, it hurts! Nasasaktan akong makita siyang ganito, hindi ko akalain na dahil kay daddy siya ang nagka-secondhand smoke. Dahil sa broken si daddy noon sa pagkawala ni mommy, halos araw-araw lasing at walang tigil sa sigarilyo hanggang sa nalalanghap na ito ni Kaycee. Sana ako na lang Zia, ang hirap lang kasi na ganito at siya ang mas nahihirapan."

"Vince Felix, naiintindihan ko kung gaano kahirap at kasakit pero kailangan pa rin natin maging matatag at magdasal. Mahal natin si Kaycee kaya natin 'to ginagawa, sana wag kang mawalan ng lakas," humilig siya sa balikat ko, nagulat ako pero marahan kong hinaplos ang buhok niya. Hindi ko alam pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko. "Magiging maayos at gagaling si Kaycee, gusto mo bang magsimba sa Sunday?" Naramdaman ko ang pagtango niya kaya ngumiti ako.

Ay! Nangako nga pala ako kay Calvin na sasamahan ko siya sa Sunday! Nako, Zia! Dahil diyan sa karupukan mo, magtatampo na naman sa 'yo si Calvin! Hay self..

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon