Kabanata 7

380 11 1
                                    

Selos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Selos

"Mga apo mag-iingat kayo sa biyahe ninyo ha." Niyakap kaming lahat ni lola Linda at gano'n din si lola Agnes.

"Maraming salamat po mga lola's," nagmano kami sa ibang madre saka ako lumapit kay mama Ruby. "Anak, laging magdarasal ah. Mag-iingat ka palagi, tingnan mong mabuti ang mga kinakain mo at ikaw 'tong allergy sa hipon."

"Mama may gamot po ako, at kung lumala nasa hospital na po ako kaagad," natawa ako ng mahina kaya kinurot niya ang dalawa kong pisngi.

"Huwag mong gawing biro 'yan, naalala mo dati nang nakakain ka ng hipon halos hindi ka na makahinga?" Hinawakan ko ang dalawang kamay ni mama.

"Opo mama Ruby, mag-iingat po ako. I love you." Niyakap niya ako ng mahigpit at gano'n din ako. Pagharap ko ay nahuli kong nakatingin si Felix sa 'kin pero hindi ko na lang pinansin 'yon.

Lahat kami ay handa na at sinakay na namin ang mga gamit sa sasakyan.

"Thank you po sa inyong lahat," wika ni Kaycee na maganda ang ngiti.

"Kaycee, magpagaling ka anak." Sabi ng mga madre's.

Bago kami sumakay ay may dumating na itim na kotse at tumapat ito sa dadaanan ng sasakyan ni Felix. Lahat kami ay nakatingin kung sino ang may ari nun.

Biglang bumaba ang isang babae na halos kasing tangkad ko lang. Maputi at talaga namang maganda siyang babae pero parang kilala ko siya, hindi ko lang maalala kung saan kami nagkita.

"Z-Zia?" Bigla itong yumakap sa 'kin lahat kami ay nagulat. "Ako 'to si Janice, nakalimutan mo na ba ako?" Naawang ang bibig ko ng malaman ko kung sino siya dahil ang laki ng pinagbago niya mas gumanda siya ngayon. Mayaman din kasi ang umampon sa kaniya.

"J-Janice? I-Ikaw ba 'yan?" Halos hindi ako makapaniwala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"J-Janice? I-Ikaw ba 'yan?" Halos hindi ako makapaniwala. Masayang-masaya siya at bumaling sa mga madre's saka nagmano at tuwang-tuwa sila sa kaniya. "Ahm, Janice masaya akong nagkita tayo ulit. Pauwi na kasi kami ng Manila ngayon, kuhanin ko na lang ang number mo," akala ko'y sa akin siya nakatingin pero lumakad siya palapit kay Felix.

"F-Felix Amores?" Niyakap niya ito, halata ang pagkagulat nito dahil sa ginawa ni Janice.

"You look so beautiful Janice." Papuri ni Felix, laglag ang panga ko sa naririnig at nasasaksihan ko.

"Thank you, and you're so handsome parang hindi ka nagbago mas gumwapo ka pa. Ay, pauwi kayo ng Manila? Ako din kasi pwede bang sa inyo na ako sumabay? Pauuwiin ko na ang driver namin."

"S-Sure.." Ani Felix.
Tinulungan niya itong ilagay ang gamit sa sasakyan. Mabuti at van ito kaya kasya kami.

Sumakay na kaming lahat at si Jay na ang nag-drive at sa passenger seat si Kai. Tapos magkatabi sina Felix at Janice, sa likod nila kami ni Kaycee.

"Saan ka sa Manila?" Panimula si Felix na tanong kay Janice.

"Malapit kami sa Miles Medical Center."

"Coincidence ba? Kasi malapit kami doon."

"I know.. Malapit ang company ni daddy doon pero nasa fashion industry ako ngayon."

"Nice, minsan hang out tayo. Oo nga pala before I forgot, kapatid ko si Kaycee tapos si Zia ang private Nurse niya." Bumaling si Janice sa amin.

"Hi Kaycee ang ganda mo naman. Zia marami pa tayong kwentuhan ha at syempre ganyan ka pa rin sobrang ganda pa rin, grabe akalain mo Nurse ka na ngayon ang galing-galing mo." Ngumiti ako sa kaniya.

"Thank you.."

"Akalain mo dati hinihiling mo lang na sana makalaro mo si Felix tapos ngayon magkaibigan na kayo."

"We're not friends." Depensa ko, ayoko naman na manggaling kay Felix kasi mas masakit. Lahat sila ay tumingin sa 'kin pero hindi ko na lang pinansin at humilig sa balikat ko si Kaycee.

"H-Hindi ba? Oh, sorry.." Bumalik siya sa pwesto niya at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Felix.

Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Janice hindi ko maintindihan. Dati magkaibigan talaga kami pero hindi ko na maramdaman 'yon sa kaniya, ewan ko ba pero naiinggit ako dahil nakakausap niya ng ganyan si Felix at talagang parang close sila.

Nagsuot ako ng headset at nakinig ng music para hindi ko sila marinig. Ibinaling ko rin ang tuon sa bintana para tingnan ang daan.


Ilang oras din ang lumipas at nandito na kami sa bahay daw nila Janice, ang ganda at sobrang laki talaga. Hindi na kami bumaba si Felix na lang, hindi ko rin marinig ang pinag-uusapan nila. Natameme na lang ako sa ginawa ni Janice, hinalikan niya si Felix sa pisngi.

"Zia, talandi naman pala 'yang childhood friend mo. Naku mag-ingat ka dahil mukhang may gustong palabasin." Mabuti na lang at natutulog si Kaycee.

"Ang laki ng pinagbago niya," bumuntong-hininga na lang ako. Sumakay na si Felix at nakapagpalit siya kay Jay at siya na ang nag-drive.

Naihatid na namin silang lahat at finally nandito na kami sa bahay nila Felix. Bukas ay dadalhin na namin ulit si Kaycee sa hospital. Ilang buwan din at ngayon na lang ulit siya makakatulog dito sa bahay nila.

Pagpasok namin ay bumungad sa amin sila manang Luring at iba pang kasambahay saka si manong Ted ang hardinero nila. "K-Kaycee? Kaycee.." Niyakap nila ito at kita ko ang saya nilang lahat maski si Kaycee ay kulang na lang lumundag na kung hindi lang siya nakasakay sa wheelchair.

"Namiss ko po kayong lahat." Masayang wika ni Kaycee.

"Manang Luring paluto na lang po ng dinner basta wag lang po hipon," lumingon ako kay Felix. "Hindi ka pwedeng magkasakit kawawa kami ni Kaycee." Diretsong wika niya.

"A-Akala ko ba paborito mo ang hipon Felix?" Halatang nagtataka si manang.

"Kapag kasabay ko po si Zia wag po kayong magluluto nun dahil allergy po siya doon at hindi makakahinga." Paliwanag pa ni Felix.

"Naku kawawa naman pala ang Zia namin."

"Ayos lang po ako manang may gamot po ako."

"Ay, hindi.. Basta aalagaan ka rin namin, kayong tatlo. Oh sige na umakyat muna kayo para makapag-pahinga at tatawagin na lang namin kayo kapag handa na ang dinner."


Umakyat kami at pumasok sa silid ni Kaycee, malinis na ito at maaliwalas. Katabi ko lang ang silid niya. "Namiss mo ba ang silid mo?"

"Opo ate, sana gumaling na po ako para makabalik na ako sa dati kong buhay at gano'n din sa school," napansin kong malungkot siya kaya nilapitan ko siya.

"Ngayong gabi dito ako matutulog sa tabi mo ha, sabay tayong magdadasal kay God okay? Huwag ka ng malungkot kasi nandito kami para pasiyahin ka. Teka, ano'ng gusto mong laruin natin bago matulog?"

"Pwede niyo po ba akong kantahan mamayang gabi bago matulog?" Hinaplos ko siya sa buhok.

"Sige, kakantahan kita mamaya promise." Hinalikan ko siya sa noo, hinayaan ko na muna siyang umidlip tapos gigisingin ko na lang siya kapag handa na ang dinner.

Pinagmamasdan ko siya habang nakapikit, ang ganda niyang bata. Nakakalungkot na hindi maibalik sa dati ang buhay niya dahil sa kaniyang sakit. Pero patuloy akong magtitiwala kay God dahil alam ko na powerful ang mga dasal namin at pinakikinggan niya kami. Gagaling si Kaycee, kahit ano gagawin ko madugtungan lang ang buhay niya.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon