Kabanata 23

314 11 7
                                    

That should be me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

That should be me..

Pinagmamasdan ko si Kaycee habang natutulog, itong nakaraang araw malaki talaga ang ipinayat niya at mas nalalagas na ang kaniyang buhok.

Hinawakan ko ang kamay niya at inihaplos sa aking pisngi. "Kaycee magpagaling ka na please." Sandali akong nagdasal at inayos ang kumot niya sabay halik sa kaniyang pisngi. "Good night Kaycee.."

Paglabas ko ng silid niya ay nabungaran ko si Calvin at mukhang patapos na ang duty. Lumapit ako sa kaniya at pinigilan siya dahil mukhang balak na naman niya akong iwasan.

"Maaari ba tayong mag-usap?" Matamlay siyang tumango at sa labas kami nag-usap.

Hindi ko alam kung paano uumpisahan pero kung ano na lang ang importanteng naiisip kong sabihin.

"C-Calvin salamat nga pala kasi iniligtas mo ako, sorry kung may mga bagay akong hindi sinasabi sa iyo," tumingin siya sa akin at ngumiti ng malungkot.

"Wala 'yon Zia, alam mong mahalaga ka para sa 'kin. Naalala mo noong nawala ako? Pagbalik ko dito ikaw agad ang naisip ko, gusto kitang ligawan dahil alam kong ikaw lang 'yong taong makakaintindi sa akin at higit sa lahat kaya mo akong mahalin at gano'n din ako," natigilan siya at bumuntong-hininga. "Pero nagkamali ako."

"Calvin.." Malungkot kong sambit.

Hinawakan niya ang kamay ko at humarap sa 'kin. "Dapat ako 'yon. Ako dapat ang mahal mo ngayon pero hindi ko pwedeng sabihin ito sa iyo nang ganito na lang dahil wala akong karapatan sa 'yo Zia. Gusto kitang sigawan nang mga oras na malaman kong kayo na ni Felix pero hindi ko gagawin dahil ako mismo ang nagsabi sa iyo na ayos lang basta masaya ka."

"Calvin.." Niyakap ko siya.

"Gusto kitang makita na masaya pero pasensya ka na kung bakit ganito ako sa iyo, iniiwasan ka  baka kasi sakaling mabawasan itong sakit na nararamdaman ko. Hindi ko sinasadyang mahalin ka ng higit pa sa kaibigan, patawarin ko ako," naiyak ako sa mga sinabi niya at niyakap siya ng mas mahigpit.

 Hindi ko sinasadyang mahalin ka ng higit pa sa kaibigan, patawarin ko ako," naiyak ako sa mga sinabi niya at niyakap siya ng mas mahigpit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Please Calvin wag ko naman sabihin 'yan. Mahal kita pero sa ibang paraan, ako dapat ang humingi ng tawad sa iyo dahil hindi ko napansin o naramdaman na masasaktan kita, tulad mo nagmamahal lang din ako. I'm sorry." Kumalas siya at tinitigan ako sabay pahid sa mga luha ko.

"Zia.. Wala kang kasalanan, ako na 'to. Sa una lang siguro mahirap dahil noon nakaya ko naman pero mas doble lang itong sakit na nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa iyo na sa kabila nang sakit na nararamdaman ko magiging masaya ako para sa 'yo. May isang hiling lang ako Zia," napatingin ako sa kaniya at tiningnan siya ng patanong. "Pwede ba kitang mahalin palihim? Baka sa paraan na 'to mas madali kitang makalimutan."

"Calvin naman, ayokong mawala ka sa 'kin dito ka lang please.. Hindi ko man alam kung paano maiibsan 'yong sakit na nararamdaman mo ngayon pero wag mo naman akong iwanan pakiusap. Ayokong mawala ka sa akin kasi parte ka nang buhay ko at hindi ako mabubuo kung wala ka."

"Zia, unfair naman sa akin iyon 'di ba? Hindi kita iiwanan, gusto ko lang ng oras. Huwag kang mag-alala magiging maayos din ako, maging masaya ka sa pinili mong mahalin at ayokong makikita kang iiyak dahil ako mismo ang babawi sa 'yo kahit ayaw mo," natawa siya ng mahina kaya ngumiti ako. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Calvin Cruz, mahalaga ka sa akin sana wag mong kalimutan 'yan. Mamahalin kita sa paraang alam ko, nandito pa rin ako bilang kaibigan mo."

"Dapat hindi ako umasa na umpisa pa lang ay alam kong si Felix ang gusto mo, akala ko kaya kitang suportahan pero bibitaw at bibitaw ako dahil hindi ko na kaya.
Salamat Zia, sorry kung iniiwasan kita pero itong oras na hinihingi ko sa 'yo ay kailangan ko para sa susunod na haharap ako sa iyo kaya ko ng sabihin na masaya ako para sa 'yo," dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Naiwanan akong mag-isa sa labas, paulit-ulit kong pinapahiran ang luha ko na tila ayaw tumigil. Bakit ganito? Bakit nasasaktan ako? "Calvin.." Tanging sambit ko.

Ilang sandali pa at may lumapit sa akin, naramdaman ko siya. Inaabutan niya ako ng panyo, nakayuko ako pero hindi ko 'yon kinuha. Hanggang sa tumabi siya sa 'kin.

"K-Kuya Jelo?"

"Alam mo naiintindihan kita at gano'n din si Calvin. Alam kong mahal mo si Felix at walang masama doon kaya wag kang malungkot o makonsensya dahil wala kang kasalanan," inabot niya ulit 'yong panyo kaya kinuha ko na.

"Ano bang pwede kong gawin para hindi ko na masaktan si Calvin?"

"Wala kang magagawa sa isang taong nakakaramdam ng sakit dahil tulad ko kami lang ang makakapagsabi kung hanggang saan 'yong sakit. Gano'n yata talaga ang buhay hindi lahat nang taong nagmamahal kayang suklian. Dapat iyon ang matanggap namin ni Calvin, tulad nang nangyari sa akin akala ko siya na talaga pero hindi pala. Minsan talaga dapat hindi na umaasa dahil ang sakit ng bagsak nun kasi nakikita mo na sa future na kayo na talaga pero hindi pala magkatugma, sabi nga nila pinagtagpo pero hindi itinadhana."

"Kuya Jelo, gano'n pala 'no?" Nilingon niya ako. "Hindi mo mapipilit ang puso mo na magmahal ng basta kasi ito mismo ang titibok para sa taong mamahalin mo."

"Hindi kailanman napipilit ang puso Zia, pero kung minsan kapag suwerte talaga may natutunan mahalin pero madalang 'yon."

Bumuntong-hininga ako. "Ayokong nakikitang nasasaktan si Calvin."

"Kaya ka niya iniiwasan dahil ayaw niyang makita o maramdaman mong nasasaktan siya, gano'n ka niya kamahal. Pero alam kong mahal mo rin si Calvin bilang kaibigan. Ako bilang isang kuya sa barkada natin hanggat maaari ayokong may nasasaktan sa inyo pero hindi ko iyon mapipigilan dahil iba ang bugso ng pag-ibig. Wala e lahat tayo nagiging mahina sa pag-ibig at kahit ako'y hindi ko itatanggi 'yan. Sa kaso naman namin ay karapatan naming dumaan sa proseso kung saan kailangan namnamin ang sakit para kapag naghilom ay wala kaming pagsisisihan."

"Ngayon mas naintindihan ko na kuya ang lahat, ibibigay ko ang hinihingi ni Calvin para makalimutan niya 'yong sakit, naniniwala pa rin akong pagkatapos nun ay magiging magkaibigan pa rin kami." Bahagyang ginulo ni kuya Jelo ang buhok ko at tumawa ng mahina, pinahiran ko ang luha ko at ngumiti.

Minsan sumusugal tayo sa isang pag-ibig na wala tayong kasiguruhan, gano'n din naman ako umasa lang na baka mahalin ni Felix siguro suwerte lang ako dahil mahal niya rin ako.

May mga maling panahon pagdating sa pag-ibig pero alam kong mahahanap ni Calvin ang taong mamahalin niya at susuklian siya tulad ng kaya niyang ibigay na pagmamahal. Ipagdadasal ko na sana'y mangyari 'yon balang araw. At isa ako sa magpapatunay na masuwerte ang babaeng mamahalin ni Calvin pagdating ng tamang panahon.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon