Broken hearted
Naghihikab pa ako ng buksan ko ang pintuan, nagulat ako dahil akala ko kung ano na ang natapakan ko, pagtingin ko ay may sulat at bulaklak sa sahig. Tumingin pa ako sa paligid pero wala naman tao, kinuha ko na lang 'yon at pumasok ulit sa aking silid. Inilapag ko muna ang isang bouquet na bulaklak saka binasa ang sulat.
To my soon to be mrs. Amores,
"Good morning, sana ay maganda ang gising mo. Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa akin, papasok na ako sa trabaho. Mag-ingat ka papuntang hospital, pakisabi kay Kaycee na miss ko na siya pati na rin ang nagbabasa nito."
Love, Vince Felix.
Para akong tanga na ngumingiti rito, kinilig naman ako sa doon sa soon to be mrs. Amores hay, akala ko kasi panaginip lang ang lahat pero heto at totoo. Niyakap ko ang sulat at inamoy ang mga pulang rosas na kaniyang ibinigay.
Wala pa man ay gusto ko na siyang sagutin pero babae ako kaya kailangan konting pakipot hay. Nako, marupok ka self 'no?
Bumaba na ako hindi ko na nakuhang kumain dahil pakiramdam ko busog na busog na ako dahil sa pabulaklak at sulat ni Felix. Kumuha ako ng isang piraso na rosas mula sa ibinigay niya sa akin para ibigay kay Kaycee.
Pagdating ko sa hospital hindi pa man ako nakapasok ay nasa harapan at naghihintay si kuya Jelo.
"Kuya." Tawag ko pero tulala ito, hindi rin siya naka-uniform. "Kuya Jelo," saka lang niya ako tiningnan at mukhang mugto ang mga mata.
"Z-Zia, hiniwalayan niya ako." Naawang ang aking bibig.
"S-Si ate Mara? Bakit?" Biglang tumulo ang luha niya. Mayamaya pa ay dumating na sina Calvin at Kai na hindi rin naka-uniform. "Guys, hindi niyo ba duty ngayon?"
"Kailangan tayo ni kuya Jelo," malungkot na wika ni Kai.
"Nag pa-reserve na ako ng room sa isang bar kumpleto na, may karaoke, alak, pagkain, at disco lights."
"Teka, teka para saan ang mga binanggit mo Calvin?"
"Gano'n ang ginawa ko noong ako ang broken hearted. Ano, sasama ka ba?" Alas-otso ng umaga pupunta sa bar? Mahabagin nako."
"Duty ko ngayon pero sige magpapapalit ako ngayon at tatawag ako kay Felix," tumango sila.
Umakyat muna ako sa silid ni Kaycee sa ICU at para makapag-palit na rin ng damit.
"Good morning Kaycee," sabay abot ng rose sa kaniya. Maluwang ang kaniyang ngiti.
"Thank you po ate, saan po ito galing?" Sasabihin ko ba sa kaniya? Ayoko naman magsinungaling.
Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Ang totoo niyan si kuya Felix mo ang nagbigay sa akin ng isang bouquet na bulaklak," napa-awang ang bibig niya sa gulat.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...