Kabanata 32

313 10 8
                                    

Forgiveness

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Forgiveness

___________

1 year ago..

Nag-resign na si Felix sa trabaho niya at tinutukan ang aming farm at ibang negosyo, at ako ay nurse pa rin kami nila kuya Jelo, Kai, at Calvin. Masaya ako dahil nandito lahat nang ala-ala ni Kaycee.

Bumalik ako sa pagtulog dahil maaga pa naman.

Ilang sandali pa at may maingay sa labas kaya bahagya akong dumilat.
Sunod-sunod ang katok na aking nadinig, hindi ako makatayo dahil sobrang inaantok pa ako. Pumikit ako ulit at hindi pinansin ang katok na iyon hanggang sa tuluyan na itong pumasok sa aking silid. Naramdaman ko ang paglundo ng aking kama.

"Baby ko, gumising ka na." Sunod-sunod na halik ang aking natanggap mula kay Felix, napangiti ako habang nakapikit.

"Maaga pa po.." Tanging sambit ko.

Naramdaman ko na tumabi siya sa akin at tumagilid para humarap sa akin. Hinahaplos niya ang pisngi ko, pagdilat ko malamlam niya akong tinititigan. Inilapit ko pa ang aking mukha sa kaniya.

"Nagpapa-kiss ka?" Pilyo nitong wika kaya ngumiti ako. Hindi na ako sumagot at hinalikan ko siya ng mabilis lang tapos kinuha niya ang kumot saka itinalukbong sa aming dalawa saka niya ako pinaghahalikan.

"V-Vince Felix! S-Stop na po.." Tapos tawa lang kami ng tawa kasi bukod sa paghalik niya kinikiliti rin ako. "S-Stop, sige na po babangon na ako!" Humuhingal akong tinanggal ang kumot, bumangon na ako tapos siya naman ang nakahiga. Bigla niya akong hinila kaya nakapatong ako sa kaniya ngayon, namula ang aking mga pisngi. "B-Baby, ahm.."

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. "Ms. Zia Quiros palitan na natin ang surname mo?" Ngumiti ako ng maluwang.

"Proposal ba 'yan?" Gano'n pa rin ang posisyon naming dalawa.

Napangiti siya ng matamis. "Will you be my Zia Quiros Amores?"

"Yes!" Walang ano-ano ay sumagot ako kaya hinalikan niya ako ng mariin at isinuot niya sa daliri ko ang singsing, hindi ko napansin na may dala siyang maliit na box.

"I love you mrs. ko.."

"I love you too mr. ko.."

Tumayo na kaming dalawa at sabay na bumaba sa kitchen.

"Okay na ba ang damit mo para bukas sa kasal nila Kai at Jay?" Nakayakap pa rin siya hanggang sa makarating kami sa kitchen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay na ba ang damit mo para bukas sa kasal nila Kai at Jay?" Nakayakap pa rin siya hanggang sa makarating kami sa kitchen.

"Yes mrs. ko." I rolled my eyes tapos kinurot niya ang dalawa kong pisngi. "Baby ko, hmm.." he's kissing me again.

"V-Vince Felix baka may makakita sa 'tin!" Patuloy pa rin siya sa paghalik.

"Hmm.. I can't help it.. I love you."

Bukas na ang kasal ni Kai at Jay at ako ang pinakamasayang tao para sa kanilang dalawa. Si kuya Jelo naman ay binalikan siya ni ate Mara at nanganak na rin ito tulad ni mama Ruby. Si Calvin mukhang may second chance sa kanila ni Janice. Sino nga ba ang makakapagsabi na may tamang panahon para sa pag-ibig? Masasaktan ka pero magmamahal ka pa rin dahil iyon lang ang tunay na sagot sa lahat nang mga pusong nasasawi sa pag-ibig ang muling magmahal.



Flashback

Palabas na ako ng simbahan at naunang lumabas si Felix para hindi na raw ako maglakad kukuhanin na lang niya 'yong sasakyan.

Habang busy ako sa kung ano ang hinahanap ko sa aking bag ay nakasalubong ko sina Janice at Calvin.

"Zia, sino ang kasama mo?" Tanong ni Calvin.

"Si Felix kinuha lang 'yong sasakyan namin, mabuti at magkasama kayong dalawa?"

Lumapit si Janice sa akin. "Zia, can we talk? Kahit sandali lang?" Tumango ako at umupo muna. Lumabas muna si Calvin at doon na lang daw siya naghihintay.

Halatang kinakabahan si Janice tila humuhugot nang lakas ng loob.

"I-I'm sorry Zia sa lahat nang ginawa ko sa inyo ni Felix lalo na sa 'yo," dama ko ang sincerety nito. "Naalala mo noong fashion show? Sobra ang naging galit ni daddy sa akin na halos palayasin na niya ako tapos si mommy Ruby hindi niya ako kinakausap. Ang tanging pumasok sa isip ko na ikaw na naman ang bida kaya gusto kitang gantihan at kuhanin ang lahat sa 'yo! Pero mali ako Zia kasi bumalik lang ang lahat nang sakit sa akin, ang totoo niyan hindi ako kailanman kayang mahalin ni Felix dahil para sa kaniya ikaw lang ang babaeng mamahalin niya habambuhay. Pakiramdam ko kasi no'n kinuha mo sa akin lahat pero ang totoo niyan inggit na inggit ako sa iyo dahil mahal ka nang lahat maski si Calvin ay gano'n din. Mahal na mahal ko si Calvin noon Zia pero dahil sa namuong galit sa puso ko itinapon ko kung ano ang mayroon kami at ngayon na bumalik siya hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon na mahalin siya ng lubos. Ayokong masayang ang panahon na kasama ko siya. Kung kailangan namin bumalik sa umpisa ay ayos lang dahil ang importante ngayon ay pinagtagpo kaming muli. Zia alam kong hindi mo ako mapapatawad ng basta na lang pero maghihintay ako." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Janice napatawad na kita, bawat sugat ay naghihilom sa tamang panahon. Mas naintindihan na kita ngayon, sana lang matuto ka na sa mga nangyari noon at mahalin mo kung ano ang mayroon ka ngayon."

"Oo Zia, pamilya pa rin naman tayo 'di ba? Si mommy Ruby ay mananatiling mama mo pati si daddy at ang kapatid natin." Ngumiti ako sa kaniya at pinisil ang kamay nito.

"Oo pamilya na tayo, kumusta na ang baby ni mama Ruby? Sa susunod na ako dadalaw ha."

"Zia.." Sabay kaming napalingon ni Janice, nakita namin si Felix na palapit sa amin.

"Sige ha mauna na kami, ingat kayo ni Calvin."

"Salamat Zia.."

End of flashback

Maluwag sa puso ko ang bawat pagpapatawad dahil alam ko sa sarili ko na ito lang ang daan upang magkaroon ako ng katahimikan sa aking puso. Lahat nang masasakit na nakaraan maaaring ibaon na si limot. Bawat tao nagkakamali at walang kahit na sino ang perpekto.

Itong kasiyahan na nararamdaman ko ngayon ay masasabi kong kuntento na ako dahil ibinigay ito sa akin ni God. Lahat nang kalungkutan noon ay parte na nang ating buhay, ang kailangan lang ay matuto tayong kumapit sa itaas dahil bawat sugat at marka ay maghihilom sa tamang panahon.

Ngayon bawat pag-asang dumarating sa 'kin ay iniipon ko, alam niyo kung bakit? Kasi ito ang magiging sandata ko sa bawat pagsubok na darating pa sa 'king buhay, at maging sa amin ni Felix.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon