PS: Iyong ibang information about Lung cancer ay kinuha ko sa Wikipedia.
St. Miles Medical Center
Nasa hospital na ulit si Kaycee, maaga din pumasok sa trabaho si Felix kaya back to normal ang lahat. Ngayon ay darating si Doctor Carlo Cruz para tingnan kung may improvement na ba ang paggaling ni Kaycee.
Lung cancer, may tubig din siya sa baga kaya mas hirap si Kaycee sa karamdaman niya. Minsan nakikita kong tinitiis niya pero nahihirapan talaga siya.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Doc. Carlo Cruz. "Good morning po Doc."
"Good morning Zia." Ngumiti ito ay dumiretso kay Kaycee na nakahiga ngayon.
Ilang minuto rin niyang chineck up si Kaycee saka ako kinausap. Lumapit ako at nagtanong.
"Doc. Ano'ng type po ng lung cancer mayroon si Kaycee?""Lung cancer also known as lung carcinoma. May two types ito, ang kay Kaycee ay small-cell lung carcinoma (SCLC) is a type of highly malignant cancer," napatigil ako at hindi ko maiwasang maguluhan pero malignant?
"Ano po ang pwede nating gawin para mapatay ang mga cancer cells?"
"Radiation theraphy. Chest radiation helps SCLC patients live longer by killing cancer cells and helping prevention of cancer recurrence."
"Doc. Gawin po natin ang lahat."
"Pero sa case niya dahil bumalik ito, 6 months from initial therapy should be retreated with the original chemotherapy regimen."
"May pag-asa naman tayo Doc. Carlo 'di ba? Bigyan niyo po ako ng assurance," sabay bagsak ng luha ko.
"Zia, nurse ka hindi ka dapat panghinaan ng loob. Gagawin natin ang lahat para madugtungan ang buhay niya, okay?"
"Yes Doc."
"Sandali, nagkita na ba kayo ni Calvin? Babalik siya ngayon dito."
"Nandito na po siya?"
"Yes, bagay kayo ng anak ko." Sasagot pa sana 'ko tapos pinat niya ako sa balikat at ngumiti saka umalis na.
"Psst.." Paglingon ko si Kai lang pala. "Oy, te disappointed? Ano'ng sabi ni Doc. pogi? Tama ba ang dinig ko na babalik na dito si Calvin?" Kulang na lang kumislap ang mga mata niya sa kaniyang tanong.
"Nadinig mo naman pala e, para saan 'yang tanong mo?" Hinila niya ang buhok ko ng mahina. "Aray naman, bumalik ka na nga sa trabaho mo."
"Ang sungit mo 'no? Na-reject ka ba ulit ni berber Felix?"
"Berber? Saan mo naman nakuha 'yon aber?" Pumamewang ako sa harap niya.
"Wala kasi ikaw si bibi. Bagay ba? Berber and Bibi?"
"Alam mo Kai malapit na ang lunch sabay tayo ah nasa 'kin nga pala ang gamot mo," sabay irap.
"Mamaya darating na ang pampakalma mo Zia, si berber." She smirked.
"Ewan ko sa 'yo Kai."
"Hi, kumusta?" Sabay pa kaming lumingon ni Kai para tingnan kung sino 'yon.
"C-Calvin?" Sambit ni Kai.
"Yes, oh bakit parang nagulat kayo?" Sinuklay niya ng kamay ang kaniyang buhok na mas nagpalutang ng kagwapuhan niya.
"Oh my, Calvin.." Yumakap si Kai sa kaniya habang tumatalon. "We missed you, wag ka ng aalis at sa susunod magpaalam ka naman hmp."
"I missed you too guys, opo magpapaalam na pero hindi na ako aalis. Nagulat ko ba kayo?"
"H-Hindi naman, kasi galing rito 'yung daddy mo chineck lang si Kaycee tapos nabanggit niya na babalik ka na raw dito." Casual kong wika pero miss ko na rin siya.
"Oo nga pala pwede ko bang makita si Kaycee? Ilang buwan din akong walang update hindi ko rin nakaka-usap si daddy dahil sobrang busy niya."
"Sige, tara sa silid niya?" Masaya siyang tumango. Tapos kinurot ako ni Kai sa tagiliran ko, iniwanan namin siya at inambaan ko siya.
Pagpasok namin gising si Kaycee. "Kuya crush.." Masiglang wika nito.
"Kaycee.." Niyakap niya ito at hinalikan sa buhok. "Namiss kita, mukhang malapit ka ng gumaling kasi masigla ka na. Pwede na ba tayong mag-date niyan?" Pabiro ni Calvin. Ang sarap nilang pagmasdan, madalang ko lang makitang ganyan si Kaycee na sobrang alive na parang napakasaya.
"Ofcourse, maghintay ka lang at mag di-date na tayo pero sa ngayon dito na lang muna sa hospital," humagikhik siya, grabe ang priceless nun.
"Calvin, thank you." Bumaling siya ng tingin sa 'kin.
"Zia.." Bahagya niyang pinisil ang kamay ko na parang sinasabing wag ng mangamba.
"Kuya crush sana hindi ka na ulit aalis po," umayos ng upo si Kaycee na hindi humihingi ng tulong kaya nagulat ako.
"Kaycee, be careful please." Pag-aalala ko.
"Ate Zia, I'm fine. Huwag kang matakot lalabanan ko nga 'tong sakit ko po." Tumawa siya ng mahina.
"Mahal ka ni ate Zia mo kaya palagi siyang natatakot, lahat kami ay mahal ka. Dapat lagi mo siyang susundin pati ang sinasabi ng Doctor mo ha." Hawak ni Calvin ang kamay ni Kaycee, hindi mapalis ang saya sa mga mata niya.
Hinayaan ko lang sila na magkuwentuhan hanggang sa makatulog na si Kaycee pero pinakain muna siya ni Calvin bago matulog.
Lumabas muna ako at umupo sa may hallway.
"Zia.." Tumabi si Calvin sa 'kin na hindi ko namalayan.
"Oh, kumusta ka? Kumusta ang Europe?"
"Okay na 'ko, salamat nga pala. I'm sorry, kasi ayoko lang na madamay kayo sa problema ko kaya hindi ako nagsabi," sincere niyang wika. Ngumiti siya sabay hawi ng buhok niya.
"Break up ba? Oo nga e bigla ka na lang umalis kaya nalungkot si Kaycee."
"Yea, pero okay na ako. Naisip ko na hindi naman dahil do'n matatapos ang lahat."
"Pero gusto kong malaman mo na nandito lang kaming mga kaibigan mo," inihilig niya ako sa kaniyang balikat.
"Salamat Zia, iku-kuwento ko minsan kapag nasa labas na tayo. sobrang namiss ko kayo ni Kai. Ay teka, si kuya Jelo?" Magbabarkada kasi kaming apat, halos ngayon na lang ulit kami nagkita.
"Bakasyon si kuya Jelo ngayon, mga dalawang linggo kasama ang girlfriend niya."
"Naks naman, siya na ang may love life." Nagkatitigan kami sa sinabi niyang 'yon.
"Hindi seryoso, salamat at bumalik ka. Kailangan ka namin ni Kaycee, gusto ko palagi siyang masaya."
"Zia, hindi na ako aalis. Ikaw lang e, twice mo akong binasted dati tsk." Tinakpan ko ang bibig niya.
"Hoy! Stop nga.. Magkaibigan tayo 'di ba? Tayo nila Kai at kuya Jelo, ayokong mawala kayo sa 'kin kasi pamilya ko na rin kayo bukod kay mama Ruby at Kaycee."
"Pamilya tayo, ang sarap naman pakinggan nun. Nandito lang ako palagi promise," nakipag-pinky swear pa ako sa kaniya kaya nagtawanan kami.
"Promise? Oh sige mamaya na lang ulit lunch ha, baka kasi magising si Kaycee tapos wala ako. Mamaya sabay-sabay din tayo mag-dinner," sinasabi ko 'yon habang naglalakad ako at kumakaway. Nakangiti naman siya ng maganda.
Kahit paano natanggal ang lungkot dito sa Hospital dahil kay Calvin at parang gumaan na ang lahat.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...