Crying alone by Jurrivh
Via YouTubeP.S Habang binabasa ninyo itong chapter na 'to maari bang isabay niyo ang music?
_________________
The pain of being aliveSt. Miles Medical Center
Alas-sais pa lang ng umaga ay nandito na ako sa hospital, emergency call ang natanggap ko kay Doctor Carlo Cruz. Hindi ko na rin ginising si Felix dahil sa pagmamadali ko, kanina pa ako pinagtitinginan malamang kumalat na ang video kagabi pero ayoko nang isipin dahil si Kaycee ang mahalaga.
Nagtungo na ako sa ICU kung saan naroon siya.
"Zia.."
"Doc."
"Hindi na talaga kinakaya ng katawan ni Kaycee ang chemo. Mahina na ang katawan niya hirap na rin siyang i-consume ang mga gamot. Gusto kong makausap si Felix mamaya para dito," hindi ko magawang sumagot dahil nauna na ang luha kong tumulo.
"Tito Carlo please wag natin sukuan si Kaycee, baka may magagawa pa tayo." Malungkot siyang tumango.
Marahan kong nilapitan si Kaycee na natutulog pa ngayon. "Pangako ko na magiging malakas ako sa lahat nang laban mo pero Kaycee parang bibigay na ako kasi ang sakit-sakit para sa akin na makita kang ganito, mahal na mahal kita." Hindi ko mapigilan ang pag-iyak dahil sa bigat nang nararamdaman ko.
Hinayaan ko na munang magpahinga si Kaycee at nagtungo ako sa rooftop para makahinga sandali. Bitbit ko pa rin ang aking bag.
Pagdating ko naabutan ko ang sunrise at tumama ito sa aking balat. Pumikit ako at sandaling nagdasal para sa paggaling ni Kaycee.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para sana picturan ang sunrise at ipakita kay Kaycee pagbaba ko, pagkuha ko ay may nalaglag na lumang sobre. Naalala ko ang sinabi ni mother Ana na kapag handa na ako ay basahin ko iyon.
Halos makalimutan ko na ang tungkol dito. Ibinaba ko ang cellphone ko at kinuha ang lumang sobre at marahang binuksan iyon. Tatlong lupi bago ko ito tuluyang mabasa.
Baby Zia,
Ako si mother Edna Quiros,marahil ay nasa tamang edad ka na habang binabasa mo ito. Huwag ka sanang lumaki na may sama ng loob dahil kami rin ay hindi ginusto na mangyari ito.
Nanganak si Claudine Amores sa Cuego Parish dahil dito siya inabutan pero paglabas ay walang buhay ang bata at kinailangan dalhin si Claudine sa Maynila dahil delikado ang buhay niya, masyadong nasaktan ang pamilya nila nang malamang patay ang bata pero may milagrong naganap ilang minuto pagkaalis ng ambulansya, biglang gumalaw ang sanggol at unti-unting bumalik ang kulay nito. Simula no'n nagpasya akong ampunin ang bata at hindi ko na nasabi sa pamilya Amores na buhay ang sanggol. Isang malaking pagkakamali ang ginawa ko at hindi ko alam kung mapapatawad ako ng Diyos pero napamahal sa amin ang sanggol, ngayon isinulat ko ito dahil karapatan ng batang malaman ang katotohanan bago ako pumanaw sa mundong ito gusto kong itama ang pagkakamaling iyon. Ang sanggol na aking binabanggit ay walang iba kun'di ikaw Zia Quiros. Patawarin mo sana ako. Ang tunay mong mga magulang ay sina Claudine Amores at Ricardo Amores.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
Roman d'amourSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...