I love him everyday..
Ang sakit na ng mata ko kakaiyak, ayoko na muna isipin 'yong nangyari kagabi. Mabuti na lang at palaging nasa tabi ko si Felix dahil hindi ko na alam kung paano. Si Kaycee pinapalakas din niya ang loob ko.
"Zia anak ikaw ba 'yan?" Bumaba kasi ako at hinahanap si Felix, ang sabi niya half day siya sa work ngayon tapos hindi pa gising.
"Opo manang Luring ako 'to hinahanap ko po si Vince Felix."
"Ibinilin nga niya sa akin na gisingin siya, anak pasuyo na lang bago ka pumasok sa hospital."
"Opo manang sige po.." Umakyat ako ulit at nagtungo sa silid ni Felix, bahagyang bukas ang pinto kaya pumasok na ako.
Umupo ako sa gilid ng kama niya, mahimbing pa ang tulog. Hay kawawa naman nang dahil sa akin napuyat siya kasi kagabi iyak ako ng iyak ayaw niya akong iwanan. "Vince Felix gising na.." Kinalabit ko siya. "Gumising ka na po may importante ka daw gagawin sa work mo ngayon. Exam ba ng mga students mo?" Umungol lang siya saka yumakap sa unan nito. "Mr. Amores gising na oh," kiniliti ko siya ng kiniliti hanggang sa magising na talaga siya.
"Baby ko.." Tila inaantok pa niyang sambit.
"Bumangon ka na po," tapos tumihaya siya saka ngumuso.
"Hmm.. Kiss muna baby ko," kinurot ko ang magkabilang pisngi nito. "Aray.. Sige na po please.." Nakanguso pa rin siya, umiling na lang ako at hinalikan siya sa labi pero mabilis lang. "Ang sarap naman gumising kapag ganito lagi."
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...