Calvin's Ex
Maya't maya ay tumitungin ako sa labas ng silid ni Kaycee para abangan si Calvin kung dadaan. "Tsk."
"Ate Zia may problema po ba? Kanina pa po kayo hindi mapakali diyan."
"W-Wala Kaycee hinihintay ko lang si Calvin may kasalanan kasi ako e iniwan ko siya kahapon, 'yung kuya mo kasi e."
"Si kuya crush po? Bakit naman po si kuya Felix?" Nagtataka si Kaycee pero hindi ako dapat magkuwento sa kaniya masyado pa siyang bata.
"Wala 'yon, ay iinom ka na pala ng gamot." Lumapit ako sa kaniya. "Handa ka na ba para sa chemo mo para bukas? Kinakabahan ka ba? Basta hindi kita iiwan," natawa si Kaycee. Pagkababa ko ng baso ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Ate naman, ikaw po yata ang kinakabahan. Basta kakayanin ko po kasi nariyan ka pati si kuya Felix. Ang sabi niyo po powerful ang magdasal kay God kaya doon po tayo kakapit kaya hindi po dapat ako matakot dahil alam kong hindi niya ako pababayaan." Nayakap ko talaga siya sa mga sinabi niya. Mag e-emote pa sana ako kaso napatingin ako sa orasan lunch break na pala, napakain ko na rin si Kaycee tapos darating na 'yung kapalit ko sa loob ng isang oras.
"Kaycee basta palagi lang tayo magdadasal kay God okay?" Inayos ko ang unan niya ay kumot sabay halik sa noo nito.
Pagkalabas ko ay nagmadali akong dumiretso sa canteen para hanapin si Calvin.
"Calvin.." Tawag ko, pagharap niya hindi man lang siya ngumiti tapos si kuya Jelo kumindat na lang. Umorder na muna ako ng pagkain tapos tumabi na ako kay Calvin, kaharap namin si kuya Jelo na busy kausap ang girlfriend nito. "Sorry kagabi." Patuloy lang siya sa pagkain. "Sorry po." Humilig ako sa balikat niya saka pumikit-pikit.
"Zia, stop doing that masyado ka ng cute." Napahagikhik na lang ako. "Okay, tinatanggap ko na ang sorry mo."
"Yey!"
"Para kayong mga bata diyan 'no?" Inirapan kami ni kuya Jelo. "Sige na una na ako at may makulit na pasyente saka maiinggit lang ako sa inyo." Tumawa siya ng malakas.
"Parang baliw 'to si kuya Jelo." Natatawa kong wika tapos umalis na siya.
"Bakit mo ba ako hinahanap?" Akmang kakagatin niya 'yong chocolate kinuha ko 'yon. "Hep, may tanong ako!"
Inagaw niya ulit sa akin at kinagat. "Ano 'yon?"
"Si Janice ba ang ex mo na sinaktan ka kaya ka umalis papunta ng Europe?" Lumingon siya sa akin saka niya ako pinitik sa noo.
"Chismosa ka Zia e 'no?" Umayos pa siya ng upo bago ulit nagsalita. "Yea, she is." Tipid niyang tugon. Nagulat talaga ako kasi sa totoo lang naisip ko lang 'yon kanina kung si Janice nga.
"S-Si Janice talaga? Paano kayo nagkakilala? Magkuwento ka naman oh."
"Kulang ang isang oras para diyan."
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
Roman d'amourSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...