Kabanata 12

388 10 3
                                    

Ointment

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ointment

"Hinatid ka ni Calvin?" Bungad ni Felix, nakapantulog na siya.

"Oo.." Tugon ko.

"Kumain ka na ba?"

"Oo kanina bago umuwi," sa totoo lang ang sakit ng paa ko kagabi pa 'to e tinitiis ko lang sa hospital. Papunta sana ako sa silid ni manang Luring pero humarang siya.

"Manang is fine now, pinakain ko na siya at pinainom ng gamot. Na-check ko na rin ang blood pressure niya."

"Mabuti naman, aakyat na ako." Pagod kong wika.

"Sandali lang.." Pumikit ako ng mariin dahil ang sama yata ng pakiramdam ko, baka sa alak kagabi? Imposible! Baka sobrang pagod, hindi ako pwedeng umabsent bukas dahil first chemo ni Kaycee. "Okay ka lang ba?" May pag-aalala sa tono niya.

Napaupo ako sa hagdan dahil ang sakit ng paa ko at parang nanghina ako bigla.

"Zia?" Nagulat ako dahil binuhat niya ako.

"Vince Felix! Ano'ng ginagawa mo?"

"You're not okay, baka napagod ka sa maghapon." Pakiramdam ko nag-slow motion ang paglakad niya habang buhat ako. Ang sarap niyang titigan parang anghel.

"Sorry.. Ang sakit lang talaga ng paa ko." Binuksan niya ang silid ko saka niya ako binaba sa kama. Hinubad niya ang sapatos ko pati medyas. "S-Sandali, okay lang ako." Hinawakan niya pa rin ang paa ko saka kumuha ng ointment at hinilot ito. Ang sarap sa pakiramdam.

"Sa susunod na may nararamdaman ka magsabi ka. Kasama mo si Calvin kanina hindi man lang niya 'to napansin?" Bahagyang tumaas ang tono niya.

"Ayoko siyang mag-alala sa akin lalo na alam kong hindi rin siya okay dahil nagkita sila ni Janice kagabi."

"Si Janice?" Tumango ako.

"Ex niya si Janice, hindi ko akalain naging heartless siya. Nakakalungkot dahil noong mga bata pa kami hindi naman siya ganoon."

"Lahat ng tao nagbabago, hindi natin mapipilit na mag-stay sila dahil lang iyon ang gusto natin," namangha naman ako sa sinabi niya, patuloy pa rin siya sa paghilot ng paa ko.

"Vince Felix, gusto mo ba si Janice?" Pasensya na talaga self sa matapil mong dila tsk!

"Hindi naman malabong mangyari 'yon, sa ganda niya ba naman 'di ba? Bakit hindi?" Parang lalong sumama ang pakiramdam ko.

"Matulog ka na, kaya ko na ang sarili ko."

"Nagseselos ka ba?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.

"I'm just asking!" Narinig ko ang pagtawa niya.

"Masyado kang seryoso, don't worry I know my type. Hindi mo ba ako tatanongin kung gusto kitang maging kaibigan?" Tiningnan ko siya ng patanong. "Still, no.." Napangiwi na lang ako, ano bang bago?

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon