First kiss
"Sa pagmamahal na nga lang kumakapit ang bawat tao masasaktan pa hay," mahina kong sambit, himalang gising ang diwa ko kahit naka-inom ako ng kaunti. Sinundo ako ni Felix.
Pagkarating namin sa bahay ay binitbit niya ang bag ko at saka ako inalalayan. "Okay lang ako Vince Felix.."
"May okay bang nagsasalitang mag-isa? Kasama ang masaktan kapag nagmamahal ka Zia, iyan ang tatandaan mo kasi hindi mo malalaman kung gaano mo kamahal ang isang tao kung hindi ka masasaktan," umupo ako sa sofa tapos inabutan niya ako ng tubig saka ko ito inimom.
"Iba naman 'yong sasaktan mo ang taong mismo na nagmamahal."
Tinabihan niya ako saka tiningnan. "Lahat may dahilan kaya wag tayong manghusga, kung ano man ang pinagdadaanan nila sila lamang ang makakasagot nun," inilahad niya ang kaniyang kamay. "Matulog na tayo, ihahatid kita sa silid mo."
Pagtayo ko hinila ko siya saka niyakap alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero marupok na kung marupok pero mahal ko 'tong yakap ko. "Pwede bang ganito na lang? Mamahalin na lang kita habambuhay," naramdaman ko ang pag-ngiti niya at pagtugon sa yakap ko.
Kumalas siya saka niya hinaplos ang dalawa kong pisngi. "Kahit hindi mo sabihin mamahalin kita habambuhay," nagwawala na naman ang puso ko. "Zia.." Sambit niya pero hindi ko na siya pinagsalita.
"Can you be my boyfriend?" Naawang ang bibig niya sa sinabi ko saka natawa ng mahina. Grabe pati pagtawa niya may himig sa pandinig ko. Hinihintay ko siyang sumagot ngunit nagulat ako sa naging tugon niya, napapikit ako. He kissed me. Namalayan ko na lang ang aking sarili na tinutugon ko na ang halik niya. Limang segundong halik na nagpabuhay ng pagkatao ko.
"I love you." Gusto kong umiyak pero napigilan ko, gising na gising ako at siguradong hindi ito panaginip lang. Ang malambot niyang labi na parang hindi nakakasawang halikan, para na akong tanga na pakiramdam ko nararamdaman ko pa rin ang ito.
"I love you too."
Kinabukasan nagising na lang ako na may ngiti sa aking labi. Bumangon na ako para maligo baka kasi makalimutan kong may ko pala ako dahil nalulutang na naman ako.
Pagkabihis at nag-ayos ng kaunti bumababa na ako, naabutan kong nagluluto si manang. "Good morning po."
"Ang ganda naman ng gising mo Zia anak, ano ang balita?"
"Manang talaga oh, tulungan na po kita diyan."
"Iba ang kislap ng mga mata mo, hmm mukhang may dapat ba akong malaman?" Yumuko ako tapos natawa na lang.
"Yes manang, kami na po ni Zia." Biglang sulpot ni Felix.
"V-Vince Felix!" Kinurot ko siya sa tagiliran. "What? Hindi naman iba si manang at saka wala naman tayong balak itago ang relasyon natin," nagulat na lang ako sa biglang pagyakap ni manang Luring sa aming dalawa.
"Alam niyo ba na masaya ako? Sobrang saya ko mga anak, kasalan na ba ang kasunod?" Pang-aasar ni manang.
"Hala manang naman masyado naman po na mabilis, nag-uumpisa pa lang po kami."
"Doon din naman tayo magtatapos 'di ba?" Tugon ni Felix, ay nako kinikilig ako ang aga grr!
"Hay sa buong buhay ko ngayon na lang ako kinilig ng ganito akala ko sa pag-ihi na lang e," saka siya tumawa ng malakas.
"Manang talaga oh, kumain na po tayo?" Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain at nagkuwentuhan.
St. Miles Medical Center
"Good morning Kai." Masaya kong bati, halatang nagulat siya.
"Hulaan ko ah, naka-score kayo kagabi ni berber?" Tumawa siyang parang itik, pinitik ko siya sa ilong.
"Ikaw ang dumi ng isip mo, kami na!" Halos atakihin sa gulat si Kai.
"P-Paano nangyari 'yon? Zia marupok ka talaga? Niligawan ka ba niya?"
"Tangeks! Syempre niligawan niya ako saka ayoko ng patagalin sasagutin ko rin naman siya," mangha pa rin siya.
"Sinagot?" Napalingon kami sa gilid.
"C-Calvin?" Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Sino ang sinagot mo?" Curious niyang tanong.
Umupo muna kami tapos pakiramdam ko nanlalamig ang kamay ko.
"Ano, kasi,""Sila na ni Felix!" Sabat ni Kai, gusto ko siyang sipain!
"Alam mo Kai, nakalimutan mo na ang gamot mo, tse!"
"S-Seryoso? Paano? Wala ka naman nabanggit na nililigawan ka ni Felix?" Parang hindi makapaniwala si Calvin.
"Wow, sana all." Lahat kami napalingon sa nagsalita.
"Kuya Jelo!" Sambit ko.
"Ikaw Zia ang bilis mo ah, ingatan mo 'yang puso mo."
"Oo naman kuya Jelo, sorry ha alam kong hindi ka pa okay."
"Magiging okay din ako, tara na guys magtrabaho na tayo." Tumango ako, ramdam ko ang titig ni Calvin sa akin hindi ko na lang pinansin dumiretso na ako sa ICU sa silid ni Kaycee.
Ala-una na pala ng umaga, nag-overtime ako dahil parang masama ang pakiramdam ni Kaycee kanina, nagsusuka tapos mas nalalagas na ang buhok niya hay. Nalulungkot ako pero dapat maging matatag ako, sa susunod na araw magpapagupit siya kaya magpapa-ikli na rin ako ng buhok para hindi siya malungkot.
Palabas na ako ng hospital nang may sasakyan na huminto sa harap ko kaya tumigil ako. Sasakyan 'to ni Felix pero tumawag na ako sa kaniya na baka umagahin na 'ko.
"Zia.." Bumaba siya para pagbuksan ako ng pintuan.
"Teka maaga ka mamaya 'di ba? Dapat natulog ka na lang saka kaya ko naman maglakad ang lapit lang." umayos ako ng upo. Nakangiti lang siya habang nagmamaneho.
"Hayaan mo na ako saka boyfriend mo na ako, remember?" Ayan na naman sa pagkalabog ang puso ko, ang cheesy kasi nitong si Felix. "Oo nga pala sa susunod na araw gugupitan si Kaycee, pupunta ako para hindi siya malungkot." Nandito na kami sa bahay, bitbit pa rin niya ang bag ko.
"Salamat Vince Felix, mas kailangan ka niya ngayon."
"Vince Felix? Masyadong mahaba dapat baby na lang." Napangiti talaga ako khit pagod, ganito yata talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
"B-Baby? Sige.. Alam kong nag-aalala ka kay Kaycee at nararamdaman ko 'yon kahit hindi mo sabihin. Basta i-cheer lang natin siya ha, wag na lang tayong magpakita na malungkot tayo basta maging masaya lang tayo para hindi niya maisip na mahirap ang pinagdadaanan niya." niyakap niya ako. Medyo nagulat lang ako dahil siguro bago pa lang kami.
"Salamat Zia kasi nariyan ka, alam mo bang hindi lang si Kayce chini-cheer mo? Pati na rin ako. Mahirap pero alam ko lalabanan niya ito, lahat ng pag-aaral tungkol sa sakit niya ay ginagawa ko, kasi malay natin may mas mabisang paraan para gumaling siya. Salamat ulit, I love you." niyakap ko siya ng mahigpit ay iyon ang tanging naging tugon ko.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...