Angel
St. Miles Medical Center
Pagpasok ko ay hindi mapatid ang ngiti ko sa aking labi.
"Naks, ang saya ah." Napalingon ako sa aking gilid.
"Kai? Good morning." Lumapit ito sa akin.
"Hoy babae, ano ba ang nangyari sa 'yo kahapon? Hinintay ka namin ah, ang sabi mo sasamahan mo si Calvin maghanap ng regalo?" Napapikit ako nang maalala ko.
"Nasa'n si Calvin? Sorry kasi sinamahan kong magsimba si Vince Felix kahapon," nanlaki ang mga mata ni Kai. Kulang na lang ay mabatukan niya ako.
"Pinagmukha mo kaming tanga kahapon girl lalo na si Calvin parang namatayan ang itsura, good luck sa 'yo kung pansinin ka niya ngayon."
"Kakausapin ko na lang siya mamaya, samahan mo ako ah."
"Ay nako labas ako diyan bahala kang mag-isa tse!" Sabay irap.
"Alam mo ikaw Kai gusto ko ang pagiging supportive mo e grabe hooh!" Saka ko siya inirapan pabalik. Dumiretso na lang ako sa silid ni Kaycee.
Pagpasok ko wala siya rito, mayamaya pa ay biglang nag-alarm. Kinabahan ako dahil kapag tumunog ito hindi maganda ang lagay ni Kaycee kaya walang ano-ano ay tumakbo na ako papunta sa Emergency Room.
Ayaw bumukas ng elavator kaya naman nag-hagdan na ako, humahangos ako nang makarating ako. Pumasok ako sa loob, humihingal sa pagod, nag-ipon ako sandali ng kaunting hangin para maayos akong makahinga.
"Zia, pakikabit ang dextrose." Nanginginig akong lumapit kay Kaycee, hinahabol niya ang kaniyang paghinga. Nilakasan ko ang aking loob para makabit ang dextrose. Lahat ay kalmado pero ako gusto ko ng umiyak ng malakas.
Diyos ko iligtas niyo po si Kaycee. Tahimik akong nagdasal. Nagulat ako dahil dumating sina Doctor Cruz at kasama nito si Calvin.
"A-Ano po ang nangyayari kay Kaycee?" Nanginginig kong tanong.
"Maaaring nagkaroon ng komplikasyon at hindi kinakaya ng katawan nito ang chemo."
Ako ang naka-alalay kay Doctor Cruz, kahit hindi ko kaya pinilit ko pa rin ang sarili ko. Hindi ko matingnan si Kaycee ng maayos, hirap na hirap siyang huminga ako na rin ang naghawak ng oxygen niya. Gusto ko siyang yakapin, nararamdaman kong tumutulo na ang luha ko, nababasa na ang mask ko pero kailangan niya ako ngayon.
Halos ilang minuto ang tinagal bago nag normal ang vitals niya, humihinga na siya ng maayos. Lumabas na ang mga Doctor pero nag-stay ako sa tabi niya bago siya ilipat sa ICU. Tahimik akong lumuluha habang hinahaplos ang pisngi nito.
Dahan-dahan niyang idinidilat ang mga mata niya saka tumingin sa akin. "A-Ate.." Halos mayakap ko siya. "N-Nakita ko ang angel ko." Mahina niyang wika.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...