Kabanata 28

313 10 6
                                    

Evil plan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Evil plan..


Bumaba ako kaagad dahil may naghahanap raw sa akin, sino naman kaya?
Pagpunta ko sa gate ay sandali akong huminto. "J-Janice?"

Lumapit ito sa akin. "Zia.." Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong malaki ang kasalanan ko sa 'yo, humihingi ako ng tawad sana bigyan mo pa ako ng chance pra i-prove sa iyo na nagbago na ako." she cried.

"J-Janice? Hindi kita maintindihan."

"Alam ko.. Alam kong nagulat ka pero para kay mommy Ruby na lang sana maging okay na tayo," huminga ako ng malalim at sandaling pumikit.

"Sige Janice tinatanggap ko ang sorry mo, sana hindi na maulit ang mga nangyari," niyakap niya ako ng mahigpit.

"May ibibigay sana ako sa iyo, invitation 'yan bilang isang special guest sa isang fashion show mamayang gabi, kailangan kita doon. Isusuot mo lang ang isa sa mga designs ko. Hindi na lang kasi ako model ngayon, sumubok akong magkaroon ng sarili kong clothing line sana pumayag ka."

"Pero Janice hindi naman ako marunong rumampa," hinawakan niyang muli ang kamay ko.

"Kasama mo naman ako saka manunuod sina mommy Ruby at daddy, bilang isang pamilya naman tayo Zia. Please?"

"Hay, sige pumapayag ako pero ayoko ng mga revealing na damit kung pwede lang." Ngumiti ako sa kaniya, niyakap niya ako ulit.

"Salamat Zia, mabuting tao ka talaga. Sige mauuna na rin ako marami pa akong aayusin mamaya. Hihintayin kita ha." Masaya siyang umalis, pero hindi ko magawang maniwala ng husto pero sige bibigyan ko siya ng chance ngayon.



Sinabi ko na ang lahat kay Felix pero parang hindi daw niya makuhang maniwala. "Vince Felix, para 'to kay mama Ruby saka sasamahan mo naman ako 'di ba?"

"Ofcourse sasamahan kita dahil nag-aalala ako isasama ko din sina Jay at Kai kung gusto mo naman pati sila Calvin at kuya Jelo din."

"Vince Felix nasabi ko na sa kanila at si Calvin invited talaga siya," humarap siya sa akin at hinawakan ako sa dalawang balikat.

"Basta mag-ingat ka.. Nasa likod mo lang ako, sige patatawarin ko si Janice sa ginawa niya sa iyo pero kapag naulit 'yon pasensyahan na lang dahil ayokong nasasaktan ka."

"Opo.. Thank you baby ko, kasi palagi kang nandyan para sa 'kin."

"Wala akong balak umalis sa tabi mo okay? Mahal kita."

"Mahal din kita."







Janice Fashion Designs 2020

"Mama Ruby.." Sinalubong niya ako ng yakap pati si papa Miko. Niyakap ni mama si Felix. "Ah, papa Miko si Vince Felix Amores po boyfriend ko po pala." Nagkamayan sila.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon