Habambuhay
Doctors University
Isu-surprise ko si Felix ngayon kaya dumiretso ako dito, ang alam ko isang subject lang ang itinuturo niya rito at kapag katapos ay todo research siya tungkol sa sakit ni Kaycee.
Pinapasok ako ng guard, nakasuot kasi ako ng uniform ng hospital. Bigla akong nahiya kasi naman bakit sila nakatingin sa 'kin?
Ilang minuto pa ay lumapit ako kay Felix na mag-isang naglalakad sa pathway. "Vince Felix.." Yumakap ako sa kaniya, nagulat siya.
"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" Gulat na gulat siya. "Kaya pala may mga lalaking pinag-uusapan ka, akala ko kung sino lang. Sa susunod magsasabi ka para pupuntahan kita, mga lokong 'yon nagagandahan sa iyo hindi nila alam akin ka!" Natawa talaga ako, hay cheesy.
"Edi kapag sinabi ko sa iyo hindi na surprise, may dinaanan kasi ako malapit dito tapos naisip ko na pumunta rito. Nakakamiss maging estudyante." Inakbayan niya ako at binitbit ang bag ko.
"Halika na baka mamaya matusok ko pa 'yong mga mata ng estudyante dito kakatingin sa iyo!"
"Hanggang tingin na lang sila kasi sa 'yo lang ako!"
"Sino mas cheesy sa atin?" Nagkilitian kami sa daan kaya pinagtitinginan kami hanggang sa marating namin ang parking lot.
Nagpunta kami sa isang park tahimik at ang lamig ng simoy nang hangin. May dala na rin kaming pagkain at pinagsaluhan namin 'yon at masayang nag-kuwentuhan.
"Madalas ka ba rito?"
"Hmm? Minsan lang kapag nag-iisip."
"Ang saya siguro kung nandito si Kaycee 'no?" Nilingon niya ako at humilig sa kaniyang balikat.
"Sa susunod makakasama na natin siya Zia, sana maging maayos na ang pakiramdam niya. Ang tagal na din niyang hindi nauuwi sa bahay kahit man lang makatulog siya ulit sa silid niya na kasama tayo," matamlay akong ngumiti at hinawakan ang labi niya.
"Ngumiti ka na, mangyayari 'yon." Hinalikan niya ako sa buhok ko.
"Zia.. Gusto ko palagi kang nasa tabi ko, mamahalin at aalagaan kita habambuhay," gusto kong maiyak pero niyakap ko na lang siya ng sobrang higpit.
"I love you Vince Felix.." Hinalikan niya ako sa labi pero mabilis lang at ngumiti ito.
Hindi namin namalayan na nag-uumpisa ng pumatak ang ulan, tatakbo na sana ako nang pigilan niya ako.
"Zia.." Bumagsak ang malakas na ulan, binuhat niya ako at inikot-ikot.
"Vince Felix..." Tawa lang kami ng tawa, ibinaba niya ako saka ako pumasan sa likuran nito.
Si Vince Felix ang bumuo ulit sa akin, hindi ko kailanman ipagpapalit ang mga oras, araw, buwan o taon na nakasama ko siya dahil ituturing kong habambuhay ang bawat panahon na kapiling ko siya. Mamahalin ko siya hanggang dulo at hindi bibitaw sa mga kamay niya hanggang alam kong nakakapit siya sa akin.
Iingatan ko siya. Ako ang magiging sandalan niya sa mga oras na kinailangan niya ng isang taong mahihingahan ng problema. Kapag masaya siya mas magiging masaya ako para sa kaniya. Lahat nang mga bagay na pagsasaluhan namin pag-ibig, kasiyahan, kalungkutan o pagsubok ay alam kong kaya naming lagpasan dahil ang pagmamahalan namin ang aming magiging sandata.
Pag-uwi namin basang-basa kaming dalawa, tapos kumuha siya ng tuwalya at pinupunasan ako. Kasabay nun ang paghawak niya sa mukha ko at hinalikan niya ako. "V-Vince Felix baka makita tayo nila manang," pabulong kong suway sa kaniya pero natatawa lang siya. Ang gwapo niya talaga, ngiti pa lang wala na lumalambot na ako. Siya ang lakas at kahinaan ko, hindi ko alam kung bakit ganito ko siya kamahal.
"Sorry na, sige na magbihis ka na baka magkasakit ka pa."
"Opo.. Ikaw din magbihis na." Bumitaw ako sa kamay niya pero nakangiti pa rin siya.
Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo ako ng buhok, ang sarap lang i-treasure nang mga memories naming dalawa.
Ilang katok pa ang aking narinig, hindi ko talaga binuksan dahil alam kong si Felix lang 'yon. "Busy ka ba?" Isinara niya ang pinto.
"Oh, bakit hindi ka pa natutulog?"
"Hindi ako makatulog, pwede bang pumasok?" Masaya akong tumango.
"Kailangan may distance ah, alam mo na mag-ingat tayo sa virus." Pero lumapit pa rin siya sa 'kin. "Ang kulit naman.."
"Bakit kanina okay naman? Wala naman akong virus baby ko, ang hirap naman nakikita kita tapos di-distansya ako? Ayoko nga!" Ayan ang cheesy na naman.
"Vince Felix!"
"Yes, baby kong mahal?" Hay Lord, ang puso ko po oh malalaglag na sa tuwa.
"Maaga po ang duty ko bukas mr. Amores hmm," he's hugging me while holding my hand.
"Gigisingin kita bukas, ganito muna tayo please."
"Vince Felix, bakit ba palagi mo akong nire-reject noon?" Bahagya siyang natawa.
"Bata pa kasi tayo noon saka natutuwa ako kapag inaasar ka. Obviously, I care for you pero ikaw 'tong nagsusungit. Dumating na sa punto na natakot ako baka mahulog ka kay Calvin kaya gumawa na ako ng paraan. Naniniwala kasi akong tayo para sa isa't isa," humawak ako sa kamay niya at nilingon siya.
"Alam ko kung sino ang mahal ko Vince Felix at ikaw 'yon. Pero hindi ko kayang itapon kung ano man ang mayroon kami ni Calvin bilang magkaibigan. Alam mong mahal na mahal kita bata pa lang tayo."
"Hindi ko kayang alisin sa sarili ko ang magselos pero magsisikap ako Zia," humigpit ang yakap niya sa 'kin. "Kapag magaling na si Kaycee pakakasalan na kita para wala ka ng kawala." Napabitaw ako sa kaniya.
Humarap ako at hinawakan ang mukha niya. "Mr. Amores, hindi ako kakawala sa iyo okay? Mag-focus muna tayo para sa paggaling ni Kaycee. Kung dumating man ang araw na iyon gusto ko siya ang flower girl, pangarap ko din 'yon," muli niya akong niyakap. Pinaglalaruan niya ang kamay ko saka hinahalik-halikan.
"Masyado lang akong excited para sa future nating dalawa, tama ka kailangan natin muna mag-focus sa paggaling ni Kaycee at alam kong malapit na 'yon, tulad nga ng sabi mo may awa ang Diyos."
"Basta kumapit lang tayo kay God at siguradong hindi niya tayo bibitawan o pababayaan. Ipagdarasal natin ang mabilis na paggaling ni Kaycee para maranasan niya ang totoong buhay at syempre tayo ang magsisilbing gabay niya."
Hinalikan niya ako sa pisngi. "I love you so much Zia, tama ka kumapit lang tayo kay God."
"I love you too so much Vince Felix."
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...