Blanko by Janella Salvador
(c) ABS-CBN Star MusicSimbahan
Hawak ni Felix ang isang kamay ko saka pumikit.
Ama namin
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
[Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang kaharian,
ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpasawalang hanggan.]
AmenPagkatapos ng misa ay sandali pa akong nagdasal.
Papalabas na kami ng simbahan, hindi ko makalimutan ang paghalik niya sa aking noo nang nag-peace be with you. Pangalawang beses na 'to. Hindi ko mapigilan matuwa kahit na simple gestures napapatalbog talaga ang aking puso.
"Happy Valentine's Day.." Sabay abot ng isang pulang rosas na hindi ko napansin kung saan niya iyon nabili. Natigilan ako, hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak pero galing ito kay Vince Felix Amores! Gusto ko siyang talonin ng yakap pero kailangan kong kumalma. Self, kalma lang hinga kang malalim ha..
"H-Happy Valentine's Day.. Salamat dito Vince Felix." Hindi ko alam kung ano ang itsura ko habang sinasabi 'yon.
"Tara?" Inilahad niya ang kaniyang kamay pero hindi ko alam ang gagawin kaya bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko. Lumalakad kami na hawak kamay, hindi ko maintindihan pero umaasa na kasi ako e.
"S-Saan tayo pupunta?"
"Kakain tayo, tanghali na saka nagpa-reserve na ako sa isang restaurant." Nasa parking lot na kami at narating ang sasakyan niya, pinagbuksan niya ako ng pinto.
"T-Thank you." Pagkasakay niya ay siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko, pakiramdam ko pinagpawisan ako kahit malamig naman. Pero pwede ko bang isigaw? An bango niya talaga..
"The whole day ka na lang ba mauutal diyan Zia? Nasa'n na ang madaldal at sweet nurse na kilala ko?"
"H-Hindi lang ako sanay. I mean, pwede bang magtanong?"
"Huwag mo na munang itanong enjoyin na lang natin ang araw na 'to." Bumuntong-hininga ako saka tumingin sa bintana.
Dati ang kausapin niya lang ako ay ayos na pero ang hawakan ang aking kamay at paghalik niya sa aking noo ay sobra-sobra pa sa hiniling ko.
30 minutes at nandito na kami sa sinasabi niyang restaurant. Hindi ko alam kung malabo lang ang mata ko o ano,.
Tapsilog
"Hanggang dito itlog?" He chuckles, saka kami bumaba, ang daming tao dito at ang sarap ng hangin.
Umorder na kami, ang daming dishes na nagagawa ng itlog kahit sa pasta ay pwede.
"Kain ka na, alam kong gutom ka na." Inirapan ko siya, lokong 'to!
"Madalas ka ba dito?" Bago niya ako sinagot biglang sinerve 'yong pizza egg flavor, na-amaze ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito. "Wow!" Agad ko 'tong natikman at halos mapikit ako dahil ang sarap ng lasa samahan pa na maraming cheese on top.
"Ang sarap 'no? Oo madalas ako dito kami nila daddy at mommy. Nadala ko na rin si Kaycee dito, ganyan katulad mo ang reaksyon na sabi niya hanggang dito itlog pa rin," tumatawa siyang sumubo ng kanin. Natulala ako ng ilang segundo, nagugunaw na ba ang mundo? Parang sumasakit na hindi ang tiyan ko, basta ang hirap ipaliwanag nang makita ko ang tawa niya parang ang gaan na naman ng lahat. "Zia, matutunaw na naman ako." Agad kong kinagat ang pizza at lumingon sa kawalan, panira talaga 'tong si Felix! Kinikilig 'yung tao e!
Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad muna kami, ang hangin at ang lamig. Ang sarap naman ng ganito.
"Zia.."
"Hmm?"
"Saan ang paborito mong lugar na puntahan?" Seryosong tanong ni Felix.
"Ako? Basta kung saan may dagat." Tugon ko.
"Dagat? Bakit?"
"Kapag palubog na ang araw ang sarap lang pagmasdan tapos nararamdaman ko ang pagdampi ng hangin sa aking balat na para kang niyayakap. Ang alon ng tubig na nagpapakalma ng kalooban ko, pakiramdam ko kasi wala ako sa mundo kung saan marami akong katanungan na hindi ko masagot."
"Tulad ng?" Umupo kami sa isang bench.
"Sino ba ako talaga? Sino ang mga magulang ko? Bakit kaya nila ako iniwanan? Hindi kaya nila ako mahal? Bakit hindi na nila ako binalikan? Marami pa e pero sila lang ang maaaring sumagot," napabuntong-hininga na lang ako. Nagulat ako dahil biglang kinuha ni Felix ang isang kamay ko. "A-Ano'ng ginagawa mo Vince Felix?" Minamasahe niya kasi ito.
"Noong bata pa ako kapag nakakaramdam ako ng lungkot bigla na lang imamasahe ni mommy ang mga kamay ko. Ang sabi niya nakakagaan daw ng kalooban 'yon, pero alam mo totoo nga." Kahit ako ay nararamdaman ko din, gumagaan nga.
"Miss mo na ba sila?" Umupo siya ng maayos at ibinaba na ang kamay ko.
"I missed them everyday pero kailangan kong maging matatag araw-araw para kay Kaycee, kasi siya na lang ang natira sa akin. She's my life now at lahat ay gagawin ko madugtungan lang ang buhay niya. Lahat naman tayo maraming katanungan sa buhay pero minsan ibinibigay lang ni God ang sagot sa paraang mahirap maintindihan pero darating ang panahon na masasabi mo na lang sa iyong sarili na, ah ito pala 'yon na kaya pala ganito at ganyan."
"Vince Felix.." Sambit ko tapos ngumiti siya ng maganda. "Sana kaya kong tingnan sa paraan na ganyan ang mga katanungan ko. Tama ka ibibigay ni God 'yon. Salamat." Tapos ngumiti ulit siya para na naman akong mahihimatay sa tuwing binibigay niya sa akin ang ngiting 'yon.
"Wala naman akong naitulong pero sa 'yo ko kasi natutunan na kapag mabigat na ang lahat at hindi na makayanan, tumawag lang kay God. Salamat Zia." Gusto ko siyang yakapin sa mga sinabi niya. "Gusto ko lang na malaman mong hindi rin kita pababayaan at alam kong masaya sina mommy at daddy sa itaas na nakikita tayong ganito. Salamat kasi dumating ka sa buhay namin ni Kaycee nilagyan mo ng kulay ang bawat araw na kasama ka namin. Sana kung ano man ang mga bumabagabag sa iyo ay maibsan na. Nandito lang kami pati si mama Ruby na tumatayo bilang isang ina para sa 'yo. Ang nga kaibigan mo na palagi mong masasandalan." Hindi ko namalayan ang aking sarili at bigla ko siyang nayakap, naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Dama ko ang pagyakap niya sa akin pabalik, sana bumagal ang oras o kaya hindi na ito matapos pa. Ang saya-saya ng puso ko ngayon na parang biyaya mula sa itaas ay ibinuhos sa akin. Thank you God, promise maghihintay ako kung ano man ang tamang panahon na kaya niyong ibigay para sa amin ni Felix.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...