Pangarap kong pamilya.
St. Miles Medical Center
Kumuha ako ng mga gamot para sa mga kailangan ni Kaycee, napadaan ako sa mga nagpapa-check up na buntis. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ko sila.
"Zia.." Napalingon ako sa likuran ko.
"Doctor Carlo Cruz?"
"Kumusta? Ano sinagot mo na ba ang anak kong si Calvin?" Natatawa niyang tanong.
"Doc. talaga oh, magkaibigan po kami." he chuckles.
"Boto kasi ako sa iyo noon pa e, pero kung ano man ang mayroon kayo ingatan niyo ha."
"Opo.. Ahm.. Tito Carlo kumusta po ang lagay ni Kaycee may improvement na po ba?"
"Zia, siguro pag-usapan natin 'yan mamaya dahil medyo confidential," pinat niya ako sa balikat, napangiti ako nang may pag-aalala dahil palagi akong kinakabahan sa results.
Chineck ko ulit 'yong mga gamot parang may kulang kaya bumalik ako. Napalingon ulit ako sa mga nakaupo na buntis, isang babae na umagaw ng pansin ko. Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Nakangiti siya habang kausap ang isang lalaki na naka-alalay sa kaniya. Iiwas sana ako nang mapatingin siya sa akin.
"Z-Zia? Nanlaki ang mga mata niya, medyo malaki na nga ang tiyan niya. Napaluha ako pero pinahiran ko ito agad. "Zia.." Marahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"M-Mama Ruby.." Napahikbi ako at napayakap sa kaniya. "Mama.." Napaiyak ako. "Mama.." Paulit-ulit kong sambit.
"A-Anak ko.."
"Bakit niyo ako iniwan?" Pinahiran niya ang luha ko at niyayang umupo.
"Patawarin mo ako kung bakit kailangan kong umalis, wag mo sanang isipin na iniwanan kita. Mahal na mahal kita anak."
"Mahal na mahal din po kita pero bubuo na po kayo ng pamilya at kasama si Janice do'n. Ang suwerte niya po sa inyo." Sandaling natahimik si mama Ruby.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...