Day 2
San Loreto, ProvinceUmaga na at medyo madilim pa sa labas, maginaw din kaya kinumutan ko si Kaycee. Babangon na sana ako ng biglang pumasok si Felix dito sa silid na tinutulugan namin. Humiga na lang siya bigla sa gilid ko, hindi ko alam kung nanaginip ba 'to o ano.
"Gising ako Zia, malamok sa silid ko kaya dito na ako muna matutulog kahit dalawang oras pa," hinugot ko ang unan niya saka ko siya pinandilatan,
"Ginagago ko ba ako ha? Mayro'ng aircon do'n ah!"
"Alam mo kapag nag-asawa ka dapat kapag gising sweet ka hindi 'yang pandidilatan mo!"
"B-Bakit asawa ba kita ha?"
"You, wish!" Lumipat siya sa tabi ni Kaycee, dati hindi naman siya ganito as in tahimik tapos nirerespeto ko pa siya kasi gusto ko ang attitude niya pero ngayon parang maaga akong tatanda dahil sa kaniya!
Hindi na ako makatulog kaya tumayo na ako, pumunta ko sa banyo para maghilamos na at toothbrush. Paglabas ko gising din siya, hindi ko na lang siya pinansin.
"Hindi ka na ba makatulog? Ang totoo niyan nakakita ako ng daga sa silid na tinutulugan ko," tiningnan ko lang siya saka ko isinampay ang tuwalya. "Hindi ka ba tatawa?"
"Bakit naman ako matatawa? May magagawa ba ako kung takot ka sa daga? Nagulat lang ako kanina, sorry ha. Magluluto lang ako sa kitchen," bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan para mapalapit ako sa kaniya.
"Masyado pang maaga, o kaya sige sasamahan kita sa kitchen."
"Ano? Ahm, k-kamay ko Felix." Agad niya itong binitawan. "Bahala ka, pero maghilamos ka muna saka toothbrush."
"Grabe ka sa 'kin mabango pa hininga ko 'no, sige hintayin mo ako. Huwag kang bababa na hindi ako kasama!" Tumango na lang ako, ang totoo niyan lumulundag ang puso ko sa pagkakalapit naming dalawa. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang lumalala ang kabaliwan ko!
Ilang sandali pa at bumalik na siya, sabay nga kaming bumaba papunta sa kitchen. Nasa likuran ko siya na para bang may hinahanap. "Ay daga!" Sigaw ko.
"Argh!" Sigaw niya, halos himatayin ako kakatawa. Ang sakit na ng tiyan ko pero hindi ko pa rin mapigilan, tinitingnan niya ako ng masama na kulang na lang ay igisa niya ako sa kawali para makaganti.
"I'm sorry, kasi naman wala naman daga rito. Sige na, ano'ng gusto mong breakfast para makabawi ako sa 'yo?"
"Sunny side up at sinangag na kanin!" Pagalit niyang wika, tapos nagpatiuna siyang maglakad. Dumiretso na ako sa ref. para kumuha ng mga lulutuin. Hay, parang bata sa itlog lang pala magiging masaya.
Pinainitan ko na ang kawali at nilagyan ng mantika, umupo siya sa gilid ng lamesa habang umiinom ng fresh milk. Isinangag ko rin ang kanin na natira kagabi masyado nga palang madami. Nang matapos akong magluto ay naghanda na ako ng mga plato, dinamihan ko na ang itlog pati spam saka ako gumawa ng salad. Naglagay siya ng mga kutsara at tinidor sa tabi ng mga plato.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...