Kabanata 3

482 12 1
                                    

Litrato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Litrato

Lumipat na ako sa bahay nila Felix, hindi ako makatulog knowing na isang silid lamang ang pagitan namin. Naka sampong biling na siguro ako. Tumagilid at tumihaya halos hindi ko malaman ang gagawin kung paano matutulog. "Hay.." Umupo ako sa kama saka sabunot ko ang buhok ko. Lumabas na lang ako ng silid ko para kumuha ng tubig.

Nagbuhos ako sa baso saka ito ininom, medyo gumanda ang pakiramdam ko.

"Hindi ka ba makatulog?" Muntikan ko ng mailaglag ang baso sa gulat.

"Vince Felix?" I heard him chuckles.

"Ikaw lang ang tumatawag sa akin ng ganyan bukod kay mommy," kumuha din siya ng tubig sa ref.

"Sorry.. S-Sige, akyat na ako."

"Kumusta pala sila mama Ruby?" Napalingon ako sa kaniya dahil never kong narinig mula sa kaniya 'yon, kalimitan ay tita Ruby ang tawag niya.

Lumakad ako palapit sa kaniya saka umupo. "Ayos naman siya, para lang kaming magkapatid. Sana makabalik tayo doon tapos kasama si Kaycee 'no?" Ngumiti siya ng matamlay. "Sorry.."

"Don't be.. Alam mo pangarap ko nga 'yan na sana isang araw mailabas ko ng hospital si Kaycee para makalanghap siya ng sariwang hangin." Dama ko ang hirap sa loob niya kahit kalmado siyang nakangiti.

"Naalala mo ba noong mga bata pa tayo?" Lumagok muna siya ng tubig, bago tumingin sa 'kin. "Ayaw mo akong maging kaibigan?"

"Yes, until now and maybe forever," ang sakit naman nun, wala man lang preno. Pero ngumiti pa rin ako.

"B-Bakit? Pero, bakit mo ako tinulungan? At ako ang kinuha mong personal nurse ni Kaycee?"

"Gusto ka ni mommy at daddy para sa 'kin," parang gumising ang kaluluwa ko sa narinig.
"Alam kong wala na sila pero gusto kong maging masaya pa rin sila."

"Dahil do'n? G-Gusto nila ako para sa iyo?"

"But still, I don't like you. Hanggang ngayon clumsy ka pa rin," tumayo na siya saka lumakad. "Matulog ka na, good night." Pinanuod ko lang siya habang papalayo sa 'kin ko. Katulad pa rin siya ng dati, diretso kung magsalita, ang aga naman niyang pinutol ang pag-asa ko. "Hay.."

Umakyat na rin ako at mukhang tinamaan na ako kasi ang sakit ng pakiramdam ko. Ano ba talaga ako para sa kaniya?

Pagkapasok ko ng silid ay agad akong humiga saka pumikit, naramdaman kong pumatak ang luha ko. Paulit-ulit na rejections para na akong mababaliw!


Kinabukasan...

Maaga pa rin akong nagising, pagkalipas ng limang minuto ay naligo na ako dahil gusto kong maaga pumunta ng hospital. Hindi na lang ako uuwi mamaya, sasamahan ko si Kaycee magdamag.

Nag-ayos na ako saka nagbihis ng uniform ko. Mabuti na lang at maingat ako kasi dalawang terno lang 'to. Bumaba na ako at nagtungo sa kusina para sana tulungan si Manang Luring pero laking gulat ko at handa na ang almusal.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon