Kabanata 24

311 11 9
                                    

Old friend

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Old friend

Pauwi na kami nila kuya Jelo tapos si Kai kasama si Jay. Oo wala si Calvin naninibago ako dahil madalas after ng duty namin kumakain pa kami sa labas.

"Treat ko guys, tara.." Masaya si Jay kita talaga na mahal na mahal niya si Kai.

"Wow.. Ano ang meron?"

"Wala naman miss ko kayo e lalo na ang pinakamaganda kong girlfriend," sabay halik nito sa pisngi ni ate Kai.

"Hoy kayo nga 'no doon kayo maglandian, bawal 'yan dahil sa mga kumakalat na virus. Pero kahit naman may kumakalat na gano'n alam kong may forever virus si Kai," natawa ako ng malakas tapos si kuya Jelo nawawala ang mata sa sobrang tuwa.

"Ang kapal mo naman kuya Jelo, bakit kasi hindi mo aminin na barkada mo rin si Bitter Ocampo? Sorry ka may jowa ako!" Tapos tumawa siya na parang baliw.

"Oo na ako na! Ako na ang walang jowa! Mga kupal na 'to. Ikaw Zia wag mong tatawagan si Felix ngayon!" Hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa. "Ay, iba din oh parang gusto ng mag-asawa ni Zia masyado ang tuwa e."

"Grabe ka kuya Jelo, na-miss ko kasi 'to. Mas masaya sana kung nandito si Calvin."

"Huwag mo muna hanapin ang pangit na 'yon, nakakatuwa dahil ako lang ang pogi na kasama niyo," taas noo niyang wika. Si ate Kai naman ang humagalpak ng tawa.

"Ikaw pala ang mayro'ng virus kuya Jelo e," tumatawa siya. "Virus ng kakapalan ng mukha, aguy nahiya naman ako kay Calvin."

"Ikaw epal ka Kai 'no, pasalamat ka nakulam mo 'tong si Jay e." Umirap si Kai.

"Oh tama na 'yan gutom na ako, order na tayo?" Pumagitna ako.

"Bakit Zia kailan ka ba hindi nagutom?" Kinurot ko sa tagiliran niya si Kai.

Habang namimili pa sila sa menu, umupo na kami ni Kai. Barbecue stake restaurant, sosyal ang lugar at mukhang medyo mahal dito.

Kuwento lang ng kuwento si Kai hanggang sa may lumapit sa amin, agad ko siyang nakilala.

"Hi Zia, nandito pala kayo."

"J-Janice?" Umupo ito sa tabi namin, inirapan siya ni Kai.

"Zia puntahan ko lang sila do'n ah amoy ginisang isda kasi ang lansa!" Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Janice.

Humarap siya sa 'kin. "Alam mo sobrang saya ko ngayon kasi may buo na akong pamilya."

"I'm happy for you Janice.." Nakangiti kong wika.

Ilang sandali pa at dumating si Felix, teka bakit 'andito siya? Dumiretso siya sa tabi ko at humalik sa pisngi ko. "Sorry baby hindi ko matiis na hindi sumunod."

"B-Baby?" Gulat na gulat si Janice.

"Yea.. We're now in a relationship." Masayang wika ni Felix kaya siniko ko siya.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon