Hair cut
"Ready ka na ba Kaycee?" Masaya siyang tumango, sabay kaming ginupitan at magkahawak kamay. Nasa labas si Felix at hindi niya alam na magpapagupit din ako.
Ilang minuto pa at natapos na, gupit lalaki na may bangs pero cute pa rin.
"Ate Zia sigurado po ba kayo na okay lang sa inyo na ganyan ang buhok ninyo? Pero honestly sobrang ganda mo pa rin," ngumiti ako at inayos ang buhok niya.
"Mas sobrang maganda ka Kaycee tandaan mo 'yan, I will do anything basta para sa iyo," niyakap niya ako at nadinig ko ang pag-hikbi niya. "Kaycee don't cry please."
Umiling siya na nakangiti. "I love you ate." Hinalikan ko siya ng marami saka siya tumawa ng malakas na kay sarap pakinggan. Hindi namin namalayan na pumasok na si Felix sa silid.
"Z-Zia? Did you cut your hair too?" Gulat na gulat siya.
"Bagay ba baby?" Napahagikhik ako.
"Uy baby daw kuya oh," natatawang wika ni Kaycee. Lumapit sa amin si Felix saka kami hinalikan sa noo.
"Mahal ko kayo.."
"We love you too," sabay kami ni Kaycee kaya natawa kaming tatlo.
Ilang oras pa at kinailangan ng magpahinga ni Kaycee, lumabas na kami ni Felix. Hindi ako pumasok ngayon dahil uuwi ako ng San Loreto mamaya mga dalawang araw lang.
"Sigurado ka ba na hindi na kita ihahatid do'n?" Nakaakbay si Felix sa 'kin habang palabas kami ng hospital.
"Opo, saka kaya ko naman. Paano si Kaycee kung malayo ka? At least kahit nasa work ka alam kong malapit ka lang sa kaniya. Sandali lang ako okay?" Niyakap ko siya, pagbitaw ko nanlaki ang mga mata ko. "C-Calvin?" Mahina kong sambit at nag-iwas siya ng tingin, bahagyang kumirot ang puso ko dahil hindi ako sana'y na ganito siya, ang sabi niya noon ay tanggap niya na gusto ko si Felix pero iba ang ipinapakita niya hay.
"Okay ka lang ba Zia?"
"Ha? Oo naman, tara na?" Kumain muna kami sa labas pagkatapos ay dumiretso sa bahay para kuhanin ang gamit ko, ang sabi ko umuwi na muna bago kumain para daw matagal niya akong makasama hay ang cheesy.
"Baby.."
"Hmm?" Nilingon ko siya habang inaayos ang bag ko, ihahatid na niya ako sa sakayan papuntang San Loreto.
"I'm gonna miss you."
Ang haba ba ng buhok ko? Kasi ang alam ko maiksi na kanina pa pero itong si Felix pinapahaba ang buhok ko. "I love you, hmm." Humilig ako sa balikat niya habang nag di-drive siya. "Thank you kasi dumating ka sa buhay ko," hinalikan niya ang kamay ko. Mas lalo akong sumiksik sa kaniya.
"Mahal kita baby ko," hay ang sarap naman pakinggan para na akong hinehele oh.
"Mahal din kita."
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...