Walang bibitaw
"Ate Zia.." Dali akong yumakap kay Kaycee.
"Kumusta naman ang ang baby Kaycee ko? I miss you and I love you," hinalikan ko siya ng paulit-ulit kaya napahagikhik siya.
"Look ate oh lumalakas na po ako." Ipinakita niya ang braso nito.
"Wow, ang galing talaga dapat araw-araw kakain ng healthy foods at ang mga gamot hindi pwedeng hindi iinumin," tumabi ako sa kaniya at niyakap siya. "Dito ako matutulog ngayon, gusto mo mag-makeup tayo tapos selfie?"
"Yes, ate Zia gusto ko po.." Masayang-masaya siya. Umunan siya sa braso ko at humarap sa akin. " Ate ngayon na po tara na." Sabay kaming tumayo at inilabas ko ang makeup kit ko at salamin.
Pasayaw-sayaw pa siya, hindi na muna ako uuwi ngayon gusto kong makasama si Kaycee ngayon. Kahit tapos na ang duty ko, nagtext na rin ako kay Felix.
"Okay itali muna natin ang buhok mo para hindi sumayad." Tumango-tango siya, grabe ang saya-saya niyang tingnan ang gaan sa pakiramdam.
Nilagyan ko muna ng moisturizer ang buong mukha hanggang leeg niya saka ko inilagay ang foundation pero light lang. Hindi ko na inayos ang kilay niya dahil maganda na ito, nilagyan ko siya ng pink eyeshadow tapos blush on. Super light makeup lang at 'yong lipstick niya ay coral pink. Hay ang ganda niya oh.
"Hoy!" Nagulat kaming dalawa ni Kaycee sa pumasok ng silid sa ICU.
"Hay nako! Kai naman wag kang maingay baka makita kami ng ibang nurse dito."
"Uy sali ako, teka bakit nga pala nandito pa si Kaycee sa ICU? Okay naman na siya 'di ba?" Hindi ko siya sinagot kasi ayokong pag-usapan ang bagay na iyon.
"Umupo ka na rito at kung gusto mo sumali sa selfie namin."
"Hala! Selfie sige ganito ba?" *Posing* "Pak! Pak!" Tawa lang kami ng tawa.
Inayos ko ang maikling buhok ni Kaycee, bumagay talaga sa kaniya kasi ang cute niya sobra.
"Hala naman oh, Kaycee ang ganda mo magkamukha na kayong dalawa ni ate Zia mo. Sana all talaga."
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomansaSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...