San Loreto, Province
Cuego Parish"Wow.." Mangha nilang wika. Ako naman pigil na pigil ang excitement na aking nararamdaman. "Grabe ang ganda dito, walang usok tapos ang daming puno at malinis ang paligid," dagdag pa ni Kai habang tinutulungan niya akong magbaba ng gamit.
"Zia, hindi ka ba excited?" Nagulat ako sa biglang pagbulong ni Felix sa 'kin. Nakuha pa talagang gumanon, hindi na nga ako nagsasalita e.
"Kapag tumalon ako rito baka sabihin mo ang weird ko naman."
"Yes, you are. Always.." Ibig kong ibalibag 'tong bag na hawak ko sa kaniya. Zia, kalma ka lang okay? Sabi ko na lang sa 'king sarili.
Mayroong rest house sila dito na malapit lang sa Cuego Parish kahit lakarin lang, pagbaba ng mga gamit pupunta kami do'n.
"Ate Zia, gusto ko po makilala sila mama Ruby, sister Linda at sister Agnes at marami pa," masayang wika ni Kaycee na hinawakan pa ako sa kamay.
"Oo naman, mamaya ipapakilala kita ha. Magpahinga ka lang muna okay?"
"Yes po ate." Sabay halik niya sa pisngi ko.
Tumingin naman si Felix hindi mo malaman kung gustong ngumiti o ano.Habang nag-aayos ng gamit ay lumapit si Kai sa 'kin. "Alam ko Zia, mahal na mahal ka ni Kaycee 'no? Sana gano'n din 'yung kuya niya," bigla kong tinakpan ang bibig niya.
"Ano ka ba naman Kai, bunganga mo oh! Huwag kang maingay at baka marinig ka mas lalo lang niya akong sungitan hmp."
"Naku, may atraso ka pa rin sa akin. Bakit nga pala hindi mo sinabi na lilipat ka sa bahay nila?"
"Nanay ba kita at kailangan kong sabihin sa 'yo?" Sabay irap.
"Siguro pinilit mo si Felix o kaya nagpaawa effect ka 'no? Lumang style mo bulok girl," pinitik ko siya sa ilong.
"Hindi ko ugali 'yon Kai, at ikaw hindi mo sinabi na si Jay ay kaibigan pala ni Felix?"
"Bakit? Nanay din ba kita para sabihin ko sa 'yo?" Natawa na lang kami pareho, walang matinong tanong at sagot kapag kami ang magkausap.
Mayamaya pa ay may biglang kumatok tapos agad naman pinagbuksan ni Kai.
"Tara na sa Cuego Parish." aya ni Felix, nauna naman lumabas si Kai. Nagpalit ako sandali ng damit at pantalon saka ako lumabas.
"Ang ganda-ganda naman talaga ng friendship ko," hindi ko alam kung pang-aasar ba o papuri ang sinasabi nitong si Kai. Kinurot ko na lang siya sa tagiliran. Mabuti na lang at busy na nag-uusap sina Jay at Felix habang tulak ang wheelchair at sakay nito si Kaycee.
Ilang minuto lang at narating namin ang bahay ampunan. Sa loob ng apat na taon tatlong beses lang yata ako umuwi at ngayon na lang ulit. Ang laki na ng pinagbago mas gumanda ay lumawak ito. Pinagbuksan kami ng gate ni manong Chris.
"Ay si Zia pala 'to, naku matutuwa ang mama Ruby mo," puno ng galak ang tono nito kaya yumakap ako rito.
"Manong Chris, kumusta na po? Oo nga po pala kasama ko ang mga kaibigan ko, siguradong kilala niyo po si Vince Felix."
"Felix? Ikaw na ba 'yan? Aba, e binata ka na talaga," niyakap niya ito. Masayang-masaya si manong na makita kami ulit. "Sige na at pumasok na kayo sa loob."
"Salamat po."
Pagpasok namin sa loob ay napakaliwanag at ang lawak, ang ganda. "Zia? Zia? Ikaw nga!" Biglang yumakap si sister Linda sa akin ang sabi pa niya noon sana lola na lang ang itawag ko sa kanila ni sister Agnes.
"Lola Linda, sobrang miss na miss ko po kayo." Hindi ko napigilan ang maluha. Saka biglang lumabas ang ibang madre at si lola Agnes.
"Ang Zia namin bumalik na, naku apo." Niyakap ako ng mahigpit ni lola Agnes.
"Lola Agnes.." Yakap ng mahigpit. "Oo nga po pala ang mga kaibigan ko sina Jay at Kai. Siguradong kilala niyo po si Felix, at ang kapatid niya po na si Kaycee."
"Si Felix na ba 'to apo? Naku ang gwapo talaga, at ito ang kapatid mo? Ang gandang bata, kumusta ka na hija?" Bati ni lola Linda at lola Agnes.
"Mabuti po ako, kayo po kumusta? Palagi po kayong ikinukwento sa akin ni ate Zia," ngumiti siya at kita sa mga mata niya ang saya.
"Mga lola's maaari po ba tayong magdasal mamaya para sa mabilis na paggaling ni Kaycee?"
"Oo naman, sige at magsasabi kami kay Father Eric."
"S-Si mama Ruby po?" Kanina ko pa siya hinahanap sa paligid pero hindi ko siya makita.
"Baka nasa silid niya, nilagnat kasi ng tatlong araw kaya minabuti namin na magpahinga na muna," hindi ko pa sila pinapatapos magsalita ay binilisan ko ng magpunta sa silid namin dati ni mama Ruby.
"Mama.." Marahan kong binuksan ang pintuan, nabungaran ko siyang nakahiga. Lumapit ako sabay halik sa noo nito.
Dahan-dahan siyang dumilat at bahagyang nagulat. "Z-Zia? Anak ko Zia.." Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit.
"Mama miss na miss po kita. I love you po mama Ruby." Tumulo na naman ang luha ko habang yakap siya.
"Sino ang kasama mo magpunta rito? Mabuti at pinayagan ka?" Tinulungan ko siyang bumangon para umupo.
"Sila Vince Felix po. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo? Ang sabi po nila lola Linda nagkasakit daw po kayo, baka naman po napapabayaan niyo na ang sarili mo po hay.." Hinaplos niya ang pisngi ko.
"Nalamigan lang ako anak, wag ka na masyadong mag-alala."
"Ate Zia.." Sabay kaming lumingon ni mama para tingnan kung sino 'yung tumawag.
"Pasensya ka na, nangulit kasi sa Kaycee gusto daw po kayong makita tita Ruby."
"Felix?" Tumayo si mama at lumapit sa kanila. "Ito ba si Kaycee? Ang ganda mo namang bata, palagi ka bang nagdadasal kay God?"
"Opo, si ate Zia po ang nagtuturo sa akin. Pwede ko po ba kayong mayakap?" Halatang nagulat si mama pero niyakap niya si Kaycee ng mahigpit at hinalikan sa noo nito. "Ang ganda niyo po mama Ruby," natuwa si mama sa tawag sa kaniya ni Kaycee.
"Salamat, parang bigla akong gumaling ng makita ko kayo ngayon. Tara at kumain tayo sa baba?" Parang biglang lumakas si mama Ruby, siya na ang nagtulak ng wheelchair ni Kaycee.
"Thank you Zia." Napalingon ako kay Felix.
"Para saan?"
"Nabanggit mo kagabi na sana makabalik tayo rito at kasama na sana natin si Kaycee, kahit medyo nag-aalinlangan ako dahil nag-aalala ako sa kapatid ko. Pero okay naman siya at parang sumigla lalo," para namang nag one hundred percent ulit 'yong pag-asa ko kay Felix dahil sa mga sinabi niya.
"Mahal na mahal mo talaga si Kaycee 'no? Ako din sobra, gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Siguro mas madali kung magtulungan tayo at mag-umpisa na magkaibigan tayo? Para hindi na ako naiilang kapag nag-uusap tayo."
"No, sorry." Saka siya naglakad palayo sa akin, ang tindi talaga nitong si Felix manakit e.
"Hay.."
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...