Epilogue

400 13 11
                                    

Epilogue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Epilogue

_________

Europe

Maputi at kumikislap na yelo sa paligid, mga pulang rosas na nagbigay kulay sa mga ito. Simpleng mga disenyo na nagpapa-alalang may kasiyahang magaganap. Isang pari at apat na ninang at ninong ang nandirito.

Ang makakapal na kasuotan ang aming panlaban para sa malamig na panahon pero hindi ito hadlang upang hindi ako magsuot ng puting gown.

Maraming pagsubok ang dumating sa buhay namin na nagpatibay nang pagmamahalan namin ni Felix. Bawat luha ay may katumbas na kahalagahan. Mga ngiting inalay sa isa't isa upang maibsan ang sakit. Mga ala-ala na nagpapatunay na hindi kailanman mapapantayan kung ano ang ngayon.

Panahon ang magsasabi kung kailan ka maghihilom mula sa mga sugat nang nakaraan. Panahon din ang magsasabi kung kailan ka makaka-ahon mula sa pagsubok nang tadhana. Bawat pangyayari sa ating buhay ay panahon lamang ang makakapagsabi dahil kung alam natin ang mangyayari ngayon, bukas, at sa susunod hindi na tayo maaaring magkamali, masaktan, at maging masaya. Walang kahit na sino sa mundong ito ang nakakaalam nun.

Sa pagiging panatag ay may halong pag-aalala ngunit patuloy tayong maniniwala dahil iyon ang ibinigay ng Diyos at dapat paniwalaan. Nasa puso mo at naka-ukit ang bawat pag-asa na nagsasabing wag kang matakot.

Ngayon na ikakasal na ako sa taong aking mamahalin habambuhay ay higit pa sa aking kahilingan na mahalin din niya ako pabalik.

Ngayon na ikakasal na ako sa taong aking mamahalin habambuhay ay higit pa sa aking kahilingan na mahalin din niya ako pabalik

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Marahang inangat ni Felix ang aking belo at dahan-dahan na hinalikan ang aking labi. Parang may magic ang bawat dampi ng labi nito, nag-uumapaw ang puso ko sa kagalakan na parang kailanman hindi na mauubos.

Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa tuwa halos walang paglagyan dahil napupuno ng pagmamahal ang aking puso. Bawat daan na akala ko'y patuloy akong maliligaw pero palaging itinuturo ng aking puso papunta kung saan ako dadalhin ng pagmamahal na ito.

Yumakap ako sa kaniya. "Mahal na mahal na mahal kita Vince Felix Amores," sunod-sunod ang bagsak ng aking luha.

Pinahiran niya iyon. "Mahal na mahal na mahal din kita Zia Quiros Amores," saka niya ako hinalikan at biglang binuhat. Nagsipalakpakan ang iilan naming mga bisita.

"Congratulations!" Masayang bati nilang lahat sa amin ni Felix.

"Grabe 'no? Parang fairytale lang ang lahat, hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko, sobrang thankful ako Vince Felix."

"Zia.. Mrs. ko, ang sarap sambitin at hindi nakakasawa. Salamat sa pagmamahal mo, ako din hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon pero isa lang ang sigurado ako, iyon ay ang mamahalin kita habambuhay," Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi nito.




Kinagabihan ay hindi pa rin ako makapaniwala na iisa na kami. Humarap ako sa salamin at sandaling pumikit at kinakaban dahil ito ang first time namin. Paglabas ko nakangiti siya at marahang lumapit sa akin, hinapit niya ako sa aking baywang at tumitig sa akin. Hinaplos ko ang dalawa nitong pisngi at ginawaran ng halik sa labi nito.

"I love you.." Bulong niya kaya ngumiti ako at nagpa-anod.

Nararamdaman ko ang paghubad niya sa aking pantulog, tinitigan ko lang siya ng malamlam. Ipinapaubaya ko kay Felix ang lahat. Itong pag-iisa namin ang magpapatunay kung gaano kalalim ang aming pagmamahalan.

Muli niya akong hinalikan at nararamdaman kong lumalalim 'yon at iniyakap ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok. Hinubad nito ang kaniyang pantulog at muling inangkin ang aking labi. Bawat halik ay tumatagos sa aking buong kaluluwa, bawat haplos na may pag-iingat.

Marahan niya akong inihiga sa kama. Nasa ibabaw ko siya at patuloy siya sa paghalik kahit saan parte ng aking katawan. We both naked.

Bawat diin ng aking mga kamay sa kaniyang likod ay siyang hapdi ng una naming pag-iisa, pero madali lang naibsan 'yon.

Paggising ko ay nakaramdam ako ng kirot pero ang makitang katabi ko ang aking asawa ay nawawala ang lahat nang hapdi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paggising ko ay nakaramdam ako ng kirot pero ang makitang katabi ko ang aking asawa ay nawawala ang lahat nang hapdi. Asawa ko? Ang sarap isipin lalo na't totoo. Humarap ako sa kaniya at pinagmasdan lang siya habang natutulog. Bahagya pa akong nagulat dahil nagising na siya at nakangiti hay ang gwapo ng nilalang na 'to pero hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ko siya mahal mas marami pang dahilan na hindi ko maipapaliwanag. Uulitin ko, kapag mahal mo ang isang tao walang dahilan o makakapag-describe nun kun'di ang puso mo lamang.

"Good morning mrs. kong mahal," he said softly at ang sarap pakinggan lalo na mula sa kaniya.

"Good morning mr. ko, I love you." Ginawaran ko siya ng halik.

"Ako na ang pinakamasayang lalaki sa lahat ng planeta," natawa ako ng mahina.

"Lahat ng planeta talaga? So kasama ang mga aliens na lalaki?" Napahagikhik ako.

"Alam mo bang pangarap kita?" Seryoso niyang wika. "Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sobra-sobra ang saya sa puso ko Zia, hindi pa rin ang makapaniwala na nandito ka at pinakasalan mo ako. Mahal na mahal kita," mas lumapit pa siya sa akin kaya magkadikit na kami ng sobra.

"Ako yata ang dapat magsabi niyan. Mr. ko mamahalin kita habambuhay at kahit ano pang pagsubok ang kahaharapin natin ay kapit kamay lang tayo. Mahal na maha din kita."

"Breakfast?" Pilyo nitong tanong.

"Oh, no!" Tumili ako dahil itinalukbong niya ang kumot sa aming dalawa at naganap ang second love making.



Si Kaycee ang nagturo sa amin ng unconditional love at siya rin ang nagpatibay sa lahat nang pagsubok na kinaharap namin. Alam kong masaya na siya ngayon sa piling ni God. Habambuhay kong itatago ang lahat nang mga ala-ala niya sa aking puso.

Minsan sa bawat hakbang na ating tatahakin ay walang kasiguraduhan, ang tanging magagawa lang natin ay manalig sa itaas upang tayo ay gabayan at kaniyang proteksyunan.

Pag-ibig niya ang pupukaw sa ating mga puso katulad na lang kung ano ang mayroon kami ni Felix ngayon. Ibinigay namin ang lahat kay God para maibsan ang lahat nang sakit mula sa nakaraan at ngayon ay walang hanggan ang ini-regalo niya sa amin. Isang walang hanggang pag-ibig na aming pakaka-ingatan habambuhay.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon