Mahinang tapik sa kanyang balikat ang gumising kay Louise. Nakangiting mukha ng flight stewardess ang kanyang namulatan. "Please fasten your seatbelt, we'll be touching down in Manila shortly."
Umayos ng pagkakaupo si Louise at ikinabit ang seatbelt sa kanyang bewang. She opened the window to look outside and gave out a sigh. 6 years. It's been 6 years since she decided to leave the Philippines. Kung hindi lamang dahil sa ama ay hindi niya maiisip na bumalik ng Pilipinas lalo na ng Santa Martha.
2 araw na ang nakalilipas ng matanggap niya ang tawag ng kanyang yaya Adela. Her dad had suffered a heart attack at kritikal ang kalagayan nito. She shivered a bit just thinking about that night. For the first time in her life, she was so scared that she was mentally blocked. For a few minutes she couldn't even respond sa kausap sa telepono.
"Hello? hija, nandiyan ka pa ba? hello?" humihikbi pa din ang yaya Adela niya sa kabilang linya.
Ang yaya Adela niya ang mayordoma sa mansyon at para na rin niyang pangalawang ina. Her mom, Eloisa, passed away when Louise was only 5 years old. Plane crash. Her mother was a doctor and she was attending a conference in Japan. Hindi na ito nakabalik pa ng buhay sa kanila nang mag crash ang eroplanong sinasakyan nito pabalik ng Pilipinas. She couldn't really remember a lot of things about her mom, all she ever had growing up were pictures of them together.
Mas natatandaan niya how devastated her dad was. For a few months, halos hindi man lamang niya ito malapitan. When he finally passed the mourning stage, ibinuhos naman nito ang buong atensyon sa mga negosyo nila, perhaps to distract himself. While she was growing up, she remembered that it was her yaya Adela who has always been there for her, hindi na ito nakapag asawa at sa halip ay iniukol na ang buhay sa kanilang mag-ama. Hindi naman niya masasabing naging
masamang ama si Enrique sa kaniya, hindi naman siya nito pinabayaan. Lahat ng kanyang pangangailangan o gusto ay ibinigay lahat nito. Oras nga lamang siguro ang naging pagkukulang nito sa kanya. Despite her father's shortcomings, mahal niya ito, afterall, ito na lamang ang nag-iisang kadugo niya. She couldn't bear the thought of losing another parent."ye..yes yaya... I'm here," pinahid niya ang mga luha. "Magpapa book po ako ng flight right away yaya. I will be home the soonest I can."
Ibinaba niya ang receiver ng telepono at umiyak. She feels guilty. For the last year or so ay hindi sila nagkita ng ama. Enrique always makes it a point na puntahan siya nito sa San Francisco at least twice a year, dahil na rin sa palagian niyang pagtangging umuwi. Last year ay nakiusap ang amang siya naman ang umuwi, wala daw sa kundisyon ang katawan nitong magbyahe lalo pa at nagkakaedad na ito.
Kahit ano pang pakiusap ng ama ay nanatiling
matigas si Louise sa desisyong huwag nang bumalik sa Santa Martha. Alam ng ama ang dahilan kung bakit hindi niya gustong bumalik ng bayan nila pero ganoon pa man ay umaasa itong naghilom na sa anim na taon ang anumang sugat na mayroon siya.Kinabukasan ay walang inaksayang oras si Louise at inasikaso ang lahat ng mga bagay na maiiwan niya sa San Francisco. She asked her good friend and colleague Rhea, na siya na munang tumingin tingin sa kanyang apartment habang wala siya. She filed for an indefinite leave of absence sa pinapasukang publishing house. She actually wanted to resign pero mahigpit itong tinanggihan ni Lloyd. Lloyd is the CEO and owner of the small publishing house she's been working for since she moved to LA 6 years ago.
She considers herself really lucky dahil kahit fresh from college at walang experience ay binigyan siya ni Lloyd ng opportunity. She started off as a copy writer and after 2 years, Lloyd decided to give her a try and write on her own little column on the SF Herald. Mainit ang naging pagtanggap ng mga mambabasa sa kanyang column which was about fashion and lifestyle, kaya naman napagpasiyahan ng management na gawing regular ang column niya. Although she respects Lloyd, alam din niyang matagal na itong may gusto sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso
RomanceRank #1 in #highschoolsweethearts - March 18,2020/ March 22,2020 ***This book will soon be edited*** Louise was 16 when she met Gael - ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepa...