Chapter Fourteen

641 26 1
                                    

"Sige naman na bes oh... please," she pleaded her bestfriend Cindy. "I really need your help. You're one of the persons dad trusts, so please..."

"Hindi ko talaga alam bes. I mean you know I support you pero hindi biro biro ang iniisip mo," bumuntong hininga ito, "have you really thought about this?"

"Alam mo namang wala akong choice!" She exclaimed exasperated.

Kanina pa niya pinipilit kumbinishin ang kaibigan upang tulungan siya sa balak na pakikipag tanan kay Gael. Ito lang kase ang isa sa pinagkakatiwalaan ng ama. If Cindy were to ask permission for her, tiyak na papayag ang amang umalis siya ng bahay unchaperoned and that would be her way of escaping. Hindi nila ito magagawa ni Gael right after class dahil palabas pa lamang siya sa hapon ay naroon na agad at nakabantay sa gate si Mang Erning. Kahit magpaalam siyang mag shopping sa bayan or sa Manila ay tiyak na pasasamahan siya sa kanyang yaya Adela. Cindy is her only hope right now. Her dad trusts her bestfriend more than her. Marahil ay dahil maliliit pa lamang silang paslit ay kilala na ito ni Don Enrique, ganoon din ang mga magulang nitong noon ay naging katiwala ng Don sa hacienda at one point, bago nagtayo ng sariling maliit na negosyo ang mga ito sa bayan.

"Louise, ang babata pa natin! Alam kong mahal mo si pogi pero hindi ko alam kung tama ang ginagawa mong desisyon!"

"Oh so ano ang tama? Yung para kong baboy na ibebenta na lang sa kung kaninong pamilya?!" Hindi niya maitago ang pait sa salita. Totoo naman, pakiramdam niya ay para siyang isang hayop na ibenenta ng ama sa isang parokyanong magandang pumresyo.

"Syempre hindi, pero baka naman nag b-bluff lang ang papa mo," ipinagpatuloy nito ang pag b-browse sa helera ng mga blusa sa department store. Sabado ngayon at naipagpaalam siya nitong mag mall at manood ng sine. Kapag ganitong girls date nila ay hindi nila isinasama ang mga nobyo sa lakad.

She rolled her eyes at her friend, "kilala mo si Don Enrique Saavedra!" Hinawakan niya ang mga kamay ng kaibigan, "please bes. Tatanawin kong utang na loob habang buhay," she said seriously.

Tinitigan siya nito, tila winawari kung gaano siya kadesidido. "Okay." Cindy said looking defeated, "kung sigurado kang yan ang gusto mo. I will help you and Gael elope."

Tuwang tuwa niyang niyapos ang kaibigan "Thank you so much bes! Ikaw na talaga!"

Nang makaalis na ang magkaibigan sa department store na iyon ay hindi nila nakita ang paglabas ng isang babae mula sa likod ng isang kalapit na clothes rack. Pinagsalikop nito ang mga braso sa dibdib. Isang malditang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Oh Louise, Louise, Louise..."


Hapon, nasa cafeteria sila ni Cindy habang hinihintay ang bell para sa susunod na klase. These days, halos wala naman na silang ginagawa sa eskuwela dahil tapos na ang final grading at malapit na ang graduation. Lumapit sa kanila si Marcie at naupo sa silyang katabi niya, a smug look on her face.

Ano na naman kaya ang kailangan ng bruhildang ito sa kanya?

"I bet you are happy these days, Louise. Pero kung ako sayo, nanamnamin ko na yang mabuti...while it lasts," makahulugang sabi nito sa kanya.

She looked at her with her brows curled into a frown. "What do you mean?"

Tumayo ito sa kinauupuan. "Oh you will see," a wicked smile was on Marcie's lips. Yuon lamang at umalis na ito ng cafeteria.

" 'Wag mo nang pansinin 'yung bruha. Nababaliw na naman siguro," balewalang sabi ni Cindy.

Siguro nga baliw lang talaga ang babaeng yon. Nabaliw na siguro dahil sa inggit. Oh well. Hindi na siya nag abala pang kunsumihin ang sarili at pag aksayahan ng oras ang sinabi nito.

Ilang linggo ang matuling lumipas at sumapit na ang araw na kanilang pinagplanuhan. Ipinagpaalam na siya ni Cindy sa ama last week na mag si-sleep over sa bahay nito nang araw na iyon.

Katulad ng inaasahan niya ay pumayag naman ang kanyang Papa. Doon sila magkikita ni Gael kina Cindy at pagkatapos ay luluwas pa-Maynila. Sa tiyuhin muna ng binata sa Maynila sila maninirahan. She knew she can't get married at her age kaya naman tinulungan siya ng kaibigang si Cindy na makapag pagawa ng palsipikadong birth certificate sa Recto upang palabasing dise-otso na siya. Buti na lamang ay may kaibigang judge ang tiyuhin ni Gael sa Maynila na willing magkasal sa kanila kaya hindi na ito magiging mabusisi sa pag inspeksyon ng mga papeles nila. Pagkatapos nilang makasal ay magpapalipas pa sila ng ilang buwan bago bumalik ng Sta. Martha upang pormal na makaharap sila sa ama at ganoon din sa tiyahin ni Gael.



Malungkot niyang iginala ang mga mata sa kanyang silid, her life will drastically change after this day. What will the future look like for her? for them? Hindi niya alam, pero alam niyang magiging maayos ang lahat basta magkasama sila ni Gael.

Nagtungo siya sa walk-in closet upang kuhanin ang maliit na bag na kanyang dadalhin. Dahil sleep-over ang paalam ni Cindy ay hindi magtataka ang ama na may dala siyang gamit. At one corner of the room ay napansin niya ang mannequin na may suot ng damit na dapat sana ay isusuot niya sa birthday party niya next week. She walked towards it at marahang hinaplos iyon.

I'm sorry, papa... sana ay mapatawad mo ako someday...





Pumarada ang Mercedes-Benz na kanyang sinasakyan sa harap ng bahay ng kaibigan. She stepped out of the car and filled her lungs with air.

This is it. There's no turning back!

"Bes?" she let herself in the house dahil walang sumagot nang kumatok siya kanina. Natigilan siya nang matapat sa bintana at matanawan ang isang pamilyar na motorsiklong patagong naka parada sa isang gilid ng bakuran.

Nauna pa pala sa akin si Gael na dumating, she said to herself.

"Gael? Bes? Tita Clara?" tawag niya habang lumakad patungo sa kwarto ni Cindy.

Tahimik ang kabahayan, maging ang ina ng kaibigang si tita Clara ay tila wala, pero saan naman kaya magpupunta ang mga ito? Siguro ay nasa kwarto ang kaibigan? She took out her phone and dialled Gael's number. It was ringing but there was no answer.

She opened the door to Cindy's room at tila isang bomba ang sumabog sa kanyang harapan!

Nabitawan niya ang hawak na telepono, it fell on the floor and was broken into pieces, just like her at this moment. Tears instantly fell from her eyes. Mainit ang mga iyon, tila nagbabaga. Her whole body trembled.

No!!! This isn't true! She vehemently shook her head in denial, patuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha.

Why? !Why?! Gusto niyang isigaw ngunit walang tinig na lumabas mula sa kanyang lalamunan. Mas mamatamisin pa niya sigurong bumuka ang lupa at lamunin siya kaysa sa maramdaman ang sakit na ito!

My bestfriend... and my...my... gusto niyang masuka sa nakikita!

Gael and Cindy were in bed together! Natatakpan ang kalahating katawan ng mga ito ng manipis na kumot.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon