Louise stood in front of that house for a few minutes bago nagkaroon ng lakas ng loob na humakbang palapit sa pinto upang kumatok. Tatlong katok ang kanyang ginawa sa pintuang kahoy. Walang sumagot. Baka walang tao?
Akma siyang muling kakatok ng bahagyang bumukas ang pintuan, sumungaw ang isang batang lalaki.
"Sino po kayo?" Wika ng maliit na tinig.
Hindi siya agad nakasagot. Ang bata ay nanatiling nakatingin sa kanya, puno ng kyuryosidad ang mga mata nito.
Lumuhod siya sa tapat ng paslit upang magpantay ang kanilang mukha. She smiled at the child, "dito ba nakatira si Cindy Vergara?"
"Opo," tugon nitong tumatango. The boy is indeed cute with his round eyes, papusong hubog ng mukha at malalantik na pilik mata.
"Nariyan ba siya?" She tried peeking behind the child.
"Enzo, sinabi ko na sa iyong huwag basta magbubukas ng pinto. Baka mamaya kung sinong- " nabitin ang sinasabi ng babae ng makita siya. Shock ang nasa mukha nito. "L- Louise..."
Tumayo siya mula sa pagkakatalungko at inayos ang nagusot na blusa.
"Kumusta ka na, Cindy?"
Louise uncomfortably shifted in her seat. She scanned the interior of the house, luma na iyon at maging ang mga kagamitan ay pawang napag iwanan na rin ng panahon. Ang sofa sa sala ay yari sa kahoy, gayundin ang maliit na lamesitang naroroon.
Inilapag ni Cindy ang isang baso ng juice sa kanyang harapan at tahimik na naupo sa silyang katabi ng kanyang kinauupuan. Halatang alumpihit ang babae sa kanyang presensya.
Ilang sandaling namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Si Cindy ang unang nagsalita.
"P-paano mong nalaman ang address ko?"
"Someone gave it to me. Kung paano rin niya nalaman, wala akong ideya..."
"Sino? I mean sino ang nagbigay sa iyo?"
"Does Patty Esteves ring a bell?" Sagot niya.
Cindy paused, pinipilit alalahanin kung kilala ba ang pangalang binanggit niya. Maya maya ay marahan itong umiling.
Pinakawalan ni Louise ang pinipigil na hininga, somehow ay inaasahan niyang magkakilala ang dalawang babae at parehas itong may kinalaman sa kung ano mang sikreto ng kahapon.
"K-kumusta ka na?" Alanganing tanong ni Cindy makalipas ang ilang sandali.
Nagkibit balikat siya, "ganoon pa rin, I guess."
"Are you back for good?"
"Maybe," inabot niya ang baso ng juice at bahagyang uminom. "To be honest, hindi ko pa alam..."
"A-anong kailangan mo sa akin, Louise?" Anito sa alanganing tinig. She sensed a slight panic in Cindy's voice.
"I think you know what I need from you... gusto kong malaman ang buong katotohanan... everything that really happened 6 years ago," she looked at Cindy straight in the eye.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso
RomanceRank #1 in #highschoolsweethearts - March 18,2020/ March 22,2020 ***This book will soon be edited*** Louise was 16 when she met Gael - ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepa...