Gael looked at the ring he was holding in his hand, kumislap ang brilyanteng nakapatong doon, a solitaire heart shaped diamond. Muli niya iyong inabot sa sales associate "I'll take it." Kinuha niya ang cheque book mula sa panloob na bulsa ng amerikanang suot at nagsimulang sumulat doon pagkatapos ay iniabot sa babae. Maya maya ay lumabas ang manager ng jewellery store upang personal siyang pasalamatan, ipinaliwanag din sa kanya ang mga benefits and perks he'll be getting from the purchase, na hindi naman talaga niya pinakinggan dahil hindi siya interesado.
Ipinatong niya sa passenger seat ng kotse ang maliit na paper bag na naglalaman ng kahita. Pinaandar niya ang sasakyan at nagsimulang tahakin ang daan patungong Sta. Martha.
Kalalabas lamang ng shower ni Louise nang tumunog ang kanyang cellphone. Rumehistro ang pangalan: Gael Aragon. Isang ingos ang kanyang ginawa at muling itong ibinaba.
Manigas ka diyan sa kakatawag! hmp!
Nagtuloy siya sa walk-in closet upang maghanap ng maisusuot. Narinig niyang muli itong nag ring, mukhang walang balak tumigil ito hanggang hindi niya sinasagot. Iritado niyang dinampot iyon, "what do you need?" she snapped.
She heard him chuckle at the other end. "Is that how you greet you fiancée, sweetheart?"
Here goes her stupid heart again! Awtomatikong bumibilis ang tibok niyon kapag naririnig ang partikular na baritonong tinig na ito.
"Ano ba ang kailangan mo ha? Busy ako!" pagtataray niya dito.
"Meet me at Del Torro's in an hour," isang iyong utos, hindi tanong.
"Wala akong panahon. As I've said, busy ako."
"Well, if you don't meet me there then I guess ako na lamang ang pupunta sa bahay niyo?" he paused, "kaya lang...nakauwi na nga pala si Don Enrique? tsk tsk...paano na lang kung makita niya ako -"
"Oo na! oo na!" gigil niyang sagot dito.
Tumawa ito, enjoying her annoyance, "see you love."
Ibinato ni Louise ang telepono sa kama in frustration. That devil is grabbing every chance he gets to blackmail me! Bastard!
Tinignan niya ang nakasabit na wall clock: 6:15. Well, she can certainly get ready in less than an hour pero she will take her sweet time and make him wait there. Napangiti siya na naisip. Manigas ka sa paghihintay!"Aalis lang ho ako sandali, yaya. Tulog ho ang papa kaya hindi na ako makakapag paalam," she glanced at her watch, she's already 30 mins late. Naka ilang missed call na rin ito na sadyang hindi niya sinasagot. Serves you right!
Sinipat siya ng matandang babae mula ulo hanggang paa. "Aba, may date ka siguro hano? bihis na bihis ka eh."
"H-ho?" pinamulahan siya ng mukha sabay tingin sa sariling niyang suot. Did she overdress? Nahirapan nga siya sa pagpili ng damit dahil hindi niya gustong isipin ng binata na pinagbuhusan niya ng panahon ang mag ayos para i-meet ito. In the end, she settled for red knee-length lace dress na humakab sa magandang hubog ng kanyang katawan, tinernuhan niya iyon ng silver strappy sandals na may 3 pulgada ang takong.
Tumawa ang yaya niya, "bagay na bagay naman sa iyo, hija, lalo kang gumanda. Pihadong kung sino man ang ka date mo eh lalo nang iibig sayo," tukso nito.
"Yaya! wala ho akong ka date! kayo talaga!" naiiling na lang niyang sagot.
Nang marating niya ang restaurant ay minabuti muna niyang pumunta ng banyo. She's feeling nervous sa muli nilang paghaharap ni Gael. You better get used to it Louise, remember, you agreed to marry him ,bulong ng tinig sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso
RomanceRank #1 in #highschoolsweethearts - March 18,2020/ March 22,2020 ***This book will soon be edited*** Louise was 16 when she met Gael - ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepa...