Chapter Twenty Six

681 20 1
                                    

Matuling lumipas ang mga araw at mabilis na naihanda ang lahat ng kailangan para sa kanilang kasal. Laking pasasalamat ni Louise na mabilis ang naging recovery ng ama mula sa karamdaman nito, at least ay hindi siya masyadong mag-aalala kapag muli na siyang umalis, this time to fulfill her side of the deal - ang makisama kay Gael bilang asawa nito sa loob ng isang taon. Nang gabing iyon ay kinausap niya ang ama at nagpaliwanag na parte ng deal niya sa AG ay ang 'magtrabaho' sa mga ito sa loob ng isang taon.

Kung may mga tanong man ang ama kung paano niya nagawang bawiin ang hacienda ay hindi na nito isinatinig. Maganda na rin iyon, dahil hindi lamang naman niya kayang sabihin ang katotohanan dito. Ipinangako niya sa amang hindi niya pababayaan ang pamamalakad sa hacienda kahit pa malayo siya and that she would come home weekly.

She sighed and continued packing her things in her suitcase. 3 days from now, she will be Mrs. Gael Aragon. How did it end up like this? How did she get entangled into this mess? Ang buong akala niya ay natakasan na niya ang nakaraan.

Tila isang tuksong biglang sumagi ang isang ala-ala sa kanyang isip: I want to start forever with you as soon as I can...ayokong magsayang ng panahon...

Mapait siyang ngumiti at hinugot ang maliit na jewellery box mula sa drawer ng kanyang night table. She slowly opened it at kinuha ang laman niyon. It was a gold necklace with a heart shaped pendant. Nakaukit doon ang mga letrang G & L. Marahan niyang kinapa ng daliri ang engraving niyon. Six years ago, all she ever wanted was to be with him. Ironic na ngayon ay matutupad na ang isang bagay na pinakamimithi niya noon, ngunit hindi saya kundi pagkabahala ang kanyang nadarama.

Hindi pa rin malinaw sa kanya ang motibo nito sa pag aalok na pakasalan siya ngunit isa lamang ang alam niya: hindi na siya muli pang magpapalinlang dito. Muli niyang ibinalik ang kuwintas sa lalagyan, hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay itinago pa niya iyon. She never once opened this box mula ng hubarin niya ang kuwintas na iyon matapos ang aksidente, it was too painful for her to see it but somehow ay hindi pa rin niya nagawang itapon.

It will serve as a reminder to me of how much you have hurt me, Gael. A reminder to never be fooled by you again.







"You may kiss the bride," nakaingiting wika ng judge.

Tila lumulutang lamang ang huwisyo niya. Nagpatiubaya siya ng marahan siyang kabigin ni Gael palapit dito upang dampian ng halik sa labi. Nagpalakpakan ang dalawang witness sa kanilang kasal na naroroon - ang sekretarya ni Gael at ang sekretarya ng judge. She wore a simple sleeveless lace dress in cream color, ang haba nito ay umabot sa ibabaw ng kanyang tuhod. Gael on the other hand, looked so dashing in his 3 piece smart casual outfit. Hindi maikakaila ang paninging iniukol ng mga kababaihan dito pagpasok pa lamang kanina sa opisina ng hukom. She can't blame them really because he could easily pass for a celebrity.

Matapos ang pirmahan sa opisina ng judge ay nagpilit si Gael na mananghalian sila sa isang high end restaurant sa BGC bago sila magtuloy umuwi sa San Nicolas. She was actually surprised ng sabihin nitong hindi sila sa Maynila mamamalagi kundi sa San Nicolas. Gusto niyang tanungin dito kung paano ang mga negosyo nito sa siyudad ngunit hindi niya isinatinig dahil ayaw niyang mamisinterpret nito ang tanong niya into concern. She told herself she will be as lifeless and as uncaring as possible towards him, part of her resolve to make him regret marrying her.

"What did you tell your dad?" he said in between eating, na ang tinutukoy ay ang ipinaalam niya sa ama kung bakit kailangan niyang umalis sa hacienda.

"That part of the deal with AG was to work for the company," aniya na hindi man lamang tinignan ang kausap. She ate ngunit hindi naman talaga siya nagugutom.

"So you really have no intention of telling your father about this marriage?"

"This so-called marriage will be over before you even know it," inilapag niya ang kubyertos at nagpunas ng napkin sa bibig. "I'm ready to go when you are," pormal niyang saad.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon