Louise tried to hide the slight panic she was feeling dahil patuloy ito sa paglapit sa kanya
"Sorry!" naibulalas niya sa pagkapahiya. "Ah ano kase.. uhmm..." C'mon Louise think of something to say! giit ng isip niya
"Well?" untag ni Gael nang wala pa siyang maidugtong sa sentence niya.
"Ah ano kase..nakita ko yung gitara. Tama! yung..yung gitara na yun oh!", itinuro niya ang gitarang nakasabit sa dingding.
Phew! buti may naisip siyang palusot because she'd rather die than tell him she was curious as hell about him.
Tumango tango si Gael but he looked unconvinced sa palusot niya. May isang dipa na lamang ang layo nito sa kanya. Pinag ekis nito ang braso sa harap ng dibdib, and looked at her from head to foot, admiration evident in his eyes.
"I never knew an old dress can look so pretty. Then again, kahit yata basahan ang isuot mo, sweetheart, you will still look lovely," he complimented.
"S-salamat," she replied trying to ignore his gaze.
"Sorry ulit, mauuna na ako," she tried to pass through and head for the door pero mabilis na ihinarang nito ang kanang braso sa kanyang dadaanan.
"Not so fast miss curiosity," Gael said in a low voice.
Louise's heart started beating more erratic, heto at kaylapit na naman ng lalaking ito sa kanya.
Gael slowly walked towards her, closing the small distance between them. Hindi malaman ni Louise ang gagawin kundi umurong upang makaiwas sa paglapit pa nito sa kanya. Sa kakaiwas ay hindi niya napansing nasa likuran na niya ang kama. Isang mahinang tili ang kumawala mula sa kanyang lalamunan nang mapaupo siya sa kama.
Before she knew it, naroon na si Gael sa kanyang harapan, both his hands were on her sides, trapping her again. He was atop of her, staring at her face so intently that she thought she would melt.
Awtomatikong naiharang ni Louise ang dalawang kamaya sa pagitan nila, pushing them against his chest. He could feel his heart beating beneath her palm. Napatingin siya sa mukha nito nang maramdaman ang puso nitong tila nagwawala sa pagtibok, nasa mga mata ni Louise ang pagkalito at tanong. Gael was staring at her face intently yet with such tenderness na lalo lamang dumagdag sa pagkalito niya.
He surveyed her face, his eyes landed on her lips. "You're gonna drive me mad sweetheart," he said, his breathing was heavy.
Napasinghap si Louise sa sinabi nito and unkowingly parted her lips. He let out a groan at muling ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata, their eyes met, sa mga mata ni Louise ang pinaghalong pagkalito, excitement at takot habang ang kay Gael ay... hindi niya maipaliwanag. Nakatingin ito sa kanya na tila galit.
"Be careful, Louise," babala nito, "Hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang sarili ko if you do that again," he inhaled deeply before moving his body away from her.
Damang dama ni Louise ang pag-iinit ng mga pisngi. She gently got up from the bed and sat there silently habang si Gael ay tinungo ang pintuan ng silid upang lumabas.
"I'll wait for you outside to take you home. Huminto na ang ulan," he said without even looking at her.
It took a few minutes bago siya tumayo mula sa pagkakaupo. May nagawa ba siya para magalit ito sa kanya? His words still echoed in her head - be careful, Louise... it gave her goosebumps.
Ipinilig niya ang ulo, huminga ng malalim at nilisan ang silid na iyon.
Narating nila ang hacienda nang wala silang imikan habang daan. Galit nga ito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan.
She gently removed her helmet and handed it back to him.
"Salamat..." Halos hindi lumabas ang kanyang tinig. Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa mga mata nito at sa halip ay itinuon ang panignin sa kanyang mga paa."You can keep it with you," tugon nito.
"H-ha? bakit?" gulat niyang tanong, lifting her head up to look at him.
He smiled and gently pinched her cheek sa kanyang pagkabigla. "You have no idea how pretty you are, don't you?"
Louise bit her lower lip sa tindi ng kabog ng kanyang puso. She's almost surprised kung bakit hindi pa ito lumabas mula sa kanyang dibdib.
"I'm saying keep it with you for next time."
"Next time?" her voice went up an octave. Napatawa si Gael ng malakas.
"Niloloko mo ba ako?" nakasimangot niyang tanong, her voice now a little irritated.
Sumeryoso ito and reached out for her chin and gently lifted her face up to meet his gaze. "Hindi po, senyorita. Hinding hindi kita lolokohin. You have my word. Now go, nag aalala na siguro ang papa mo."He glanced at the mansion at muling binuhay ang makina ng motorsiklo.
"See you tomorrow, love. Dream of me." pinaharurot na nito paalis ang motorsiklo.
Naiwan si Louise na nakatingin pa rin sa daan kahit hindi na niya ito matanaw.
"Louise! naku itong batang ito!" boses ni yaya Adela ang pumukaw sa atensyon ni Louise. Papalapit ito sa kanya dala ang malaking payong.
"Ano ba ang ginagawa mong bata ka? aba eh nagsisimula na ulit umulan!" naroon ang pag aalala sa tinig nito. Dali dali siya nitong pinayungan at iginiya papasok sa malaking gate.
Kinuha nito mula sa kanya ang plastic bag niyang dala na kinalalagyan ng unipormeng basa. "Saan ka ba nanggaling na bata ka? Malapit nang mag hurumentado sa galit ang papa mo!" sinipat nito ang kanyang suot.
"Saan mo nakuha ang damit na yan?"
"Hi-hinatid po ako ng kaibigan ko yaya. Wala na po kasing tricycle sa paradahan.." paliwanag niya. Yeah, she lied a little bit. Ang totoo ay hindi pa naman niya alam kung mayroon pa bang masasakyan pauwi o wala. Napapayag lang talaga siya ng binatang ihatid.
Hmp! kunwari ka pa, eh gusto mo naman! usig ng kunsensya niya.
"Ku...eh siguraduhin mong magpalit muna ng damit bago ka humarap sa papa mo," paalala nito.
Hindi birong sermon ang inabot ni Louise mula sa ama, galit na galit din ito kay mang Erning at muntik itong sisantehin. Si mang Erning ay hindi magkamayaw sa paghingi ng paumanhin, na aksidente pala ang anak nito sa kabilang bayan kaya't imbes na sunduin siya ay dumertso ito papunta sa San Martin dala ang sasakyan. Malamang, sa kalituhan nito ay hindi na naisip pang tumawag. Siya na mismo ang nakiusap sa ama na huwag sisantehin ang driver, sa kabutihang palad ay naging resonable pa rin naman ito sa kabila ng galit.
Pinindot ni Louise ang orasan sa kanyang night table, it illuminated, displaying the time 12:45. Inis niyang binuksan ang night lamp at padabog na umupo sa kama, yakap pa din ang kanyang teddy bear. Kanina pa siya biling baliktad sa higaan pero hindi siya dalawin ng antok. Kahit anong gawin niya ay mukha ni Gael ang nakikita niya.
She turned her bear to face her at kinausap ito na tila ba ito si Gael. "What was that about earlier huh?" she let out a sigh at mahina itong sinuntok. "Nakakainis ka!" matapos ay niyakap itong muli.
You have no idea how pretty you are, do you? a smile slowly crossed her lips pagkaalala sa tinuran nito.
Hindi na namalayan ni Louise kung anong oras siya iginupo ng antok. Ang tanging sigurado niya ay ang binata pa rin ang laman ng kanyang isip hanggang sa pagpikit ng kanyang mga mata ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso
RomanceRank #1 in #highschoolsweethearts - March 18,2020/ March 22,2020 ***This book will soon be edited*** Louise was 16 when she met Gael - ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepa...