Isang suntok ang dumapo sa mukha ni Gael. Bahagyang napabiling ang kanyang mukha ngunit tila hindi ininda iyon.
"Is there anything else you need from me, Don Manuel?" He calmly asked the old man.
"You son of a bitch!" Galit na bulyaw nito sa kanya, "how could you do this to me?! To Patty?! Ipinahiya mo kami sa lahat! Ano pang mukha ang ihaharap namin sa mga tao? Sa mga business partners natin?!"
"I didn't agree to any of your plans, Don Manuel. Wala akong alam sa mga pinlano ninyo para sa gabing iyon." And I wouldn't have agreed to it anyway, gusto niyang idugtong ngunit pinigil ang bibig.
"Hindi ba at doon din naman kayo papunta ni Patty? Wala ka bang balak pakasalan ang anak ko?!" Nanlalaki ang mga mata ni Manuel sa kanya sa galit.
He sighed at isinuklay ang dalawang kamay sa ulo, "we are not in a relationship! We're just friends and business partners! And frankly, sa ginawang ito ni Patty, hindi ko alam kung magiging magkaibigan pa kami!"
"Wala kang utang na loob! Nakalimutan mo na ba ang lahat ng itinulong ng anak ko sayo?! Ang lahat ng itinulong ng pamilya namin? Basura ka lang kung hindi dahil sa amin!"
"Don Manuel... hindi ho ako nakakalimot sa lahat ng mga kabutihan at naitulong niyo sa akin... pero hindi ko ho maaaring pakasalan ang anak ninyo..."
"At bakit hindi?" Napatayo ito sa kinauupuan, ipinukpok nito ang dalawang kamay sa lamesa, "bakit hindi Gael? Ginamit mo lang ba ang anak ko all these years? Alam mo ang pagtingin sa iyo ni Patty dise-sais anyos pa lang kayo!"
"May iba ho akong mahal... patawarin ninyo ako pero hindi ko maaaring suklian ang pagtingin niya sa akin... hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya..." kalmadong sagot niya.
"Hah! Pagmamahal! Kaya mo bang itapon ang lahat ng ito para sa lintik na pag ibig na sinasabi mo?!" Galit na hamon nito, nilinga ang kabuuan ng kanyang opisina.
Gael paused bago direktang sinalubong ang naghahamong mga mata ni Manuel, "I can throw away everything for that woman," walang gatol na sagot niya.
"Kung ganoon... ihanda mo na ang sarili mo!" tinalikuran na siya nito at tinungo ang pintuan. The old man stopped to glance at him bago tuluyang umalis ng silid, "I hope kayang dalhin ng kunsensya mo kung bumalik din ang sakit ni Patty. It will all be on you Gael. Dalangin kong sana ay hindi ka patahimikin ng kunsensya mo kapag nagkagayon."
Tumayo siya sa kinauupuan at tinungo ang malaking bintana ng opisina, hinawi niya ang nakaharang na kurtina doon at tumanaw sa labas. All he could see outside were huge buildings, at isa na ang building ng AG sa pinaka matayog na gusaling naroroon. Yes, he managed to achieve this success and power, pero aanhin niya ang lahat ng ito kung mawawala naman sa kanya ang kaisa-isang babaeng gusto niyang pag alayan ng lahat ng tagumpay na mayroon siya? Gumuhit sa kanyang balintataw ang mukha ni Louise. God! how he missed her already!
Halos gumuho ang mundo niya nang unang sabihin sa kanya ng dalaga na wala itong pagmamahal sa kanya, sa kabila ng pagtatapat niya rito ng lahat ng nararamdaman sa nakalipas na mga taon. Nagalit siya at hindi gustong paniwalaan ang sinabi nito, but Louise left right after she acquired the title deed of the hacienda, at mas lalo siyang nasaktan sa kaisipang pera lamang talaga ang ginusto nito sa kanya. Akala niya ay sapat na ang sakit na iyon upang piliting kalimutan ito, pero parang pati sakit ay hindi sapat upang turuan ng leksyon ang puso niyang tila hindi marunong madala.
But then the other night, what they shared again was something special, she even told him she missed him. Taliwas sa sinasabi nitong wala itong pag ibig sa kanya, her kisses and actions told him otherwise. Tinanggap man nito ang hacienda bilang kabayaran sa pagpapakasal sa kanya, he doesn't mind. She can have everything he has, kaya niyang ibigay ang lahat sa dalaga, manatili lamang ito sa piling niya.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso
RomansRank #1 in #highschoolsweethearts - March 18,2020/ March 22,2020 ***This book will soon be edited*** Louise was 16 when she met Gael - ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepa...