Chapter Forty Two

650 19 1
                                    

Dahan dahang iminulat ni Louise ang mga mata. Napapiksi siya nang kumirot ang kanyang ulo. Panic gripped her when she realized that her hands are tied behind her back. Madilim ang lugar na kinaroroonan niya, hindi niya mapagtanto kung nasaan siya. She wriggled and tried to free her hands, mahigpit ang pagkakatali niyon ng makapal na lubid.

"Help!!!" Paos na sigaw niya. Pinilit niyang ikalma ang sarili at paganahin ang utak. Takot na takot siya, higit lalo para sa dinadala kaysa sa kanyang sarili.

Maaga siyang umalis ng Sta. Martha upang makipagkita kay Kurt, dahil tinawagan siya nito kahapon saying that he's interested in buying the house and lot in San Martin. May isang linggo na niyang ipinalagay sa diyaryo at online ads na ibinibenta niya ang propriedad sa San Martin na iniwan sa kanya ng ama. At ngayon ngang araw na ito napagkasunduan nilang magkita upang matignan nito ang bahay, ngunit sa hindi pa rin niya malamang kadahilanan, hindi sumipot si Kurt at sa halip ay tatlong lalaking hindi niya kilala ang walang paalam na pumasok sa kabahayan. Isa sa mga ito ay tinapalan ng panyo ang kanyang ilong at bibig na naging sanhi ng agad niyang pagkaliyo at pagkawala ng malay. Nang magising siya ay narito na nga siya sa madilim na lugar na sa tantiya niya ay isang kamalig.

Muli niyang sinubukang pakawalan ang mga bisig sa pagkakatali, kasabay ng muling pagsigaw ng tulong. Tumayo siya at lumapit sa isang bintanang naroroon bagaman sinaraduhan rin iyon ng mga tabla. Sa isang maliit na siwang ay pinilit niyang tignan kung nasaan siya.

Walang ibang makita si Louise mula sa maliit na siwang ng bintana kundi mga nagtataasang talahib. Wala siyang ideya kung saang lupalop siya naroroon, ngunit sa kanyang palagay ay isa lamang ito sa mga karatig bayan ng San Martin. Muli ang pagsigaw niya ng tulong kahit pa gusto na niyang mawalan ng pag asa dahil sa palagay niya ay nasa isang ilang na lugar sila kung saan walang makakarinig sa kanya.

Si Kurt ba ang may pakana nito? Pero bakit? Ano ang pakay ng lalaki para gawin ito sa kanya? No, no! Ipinilig niya ang kumikirot na ulo, hindi ito magagawa ni Kurt sa kanya! Malamang ay nagkataon lamang ang pagsulpot ng tatalong lalaki sa bahay kung saan dapat ay magkikita sila ni Kurt. Wala siyang maisip na dahilan para gawan siya nito ng masama!

"Tulong!!!" Sigaw niya ng ubod ng lakas. Ang lalamunan niya ay tila nanuyo na sa kakasigaw.

"Hoy! Tumahamik ka nga riyan!" Bulyaw ng isang lalaki sa kanya, pumasok ito sa kamalig na may dalang gasera. Ibiniling ni Louise ang ulo dala ng pagkasilaw sa liwanag ng dala nitong gasera.

"Si-sino ka? A-anong kailangan mo sakin?!"

"Ako? Kung ako lang wala akong personal na kailangan sa'yo, miss," tumalungko ito sa harap niya, "pero yung perang ibabayad sa akin, yuon! Yoon ang kailangan ko!" nakakaloko itong tumawa.

"Sino ang nag utos sa iyo para gawin ito?" Galit na tanong ni Louise, ang paningin ay itinuon sa lalaking kaharap. Nakatakip ng panyo ang kalahati ng mukha nito kaya't hindi niya lubusang makilala.

Itinaas ng lalaki ang gaserang dala sa tapat ng mukha ni Louise upang mas maigi siyang pagmasdan. Pumalatak ito, "tsk! Sayang ka miss, ang ganda mo pa naman!" Tila demonyong ngumisi ito at napapiksi si Louise nang hawakan ng magaspang na kamay nito ang kanyang baba at pinilit iharap dito.

"Hoy Manding! Ano ba yang pinag gagagawa mo?!" Sigaw ng isa pang lalaki na pumasok din sa loob ng kamalig, "hindi parte ng utos satin yan!"

"Sayang 'to pare! Ang ganda!"

Hindik na pinilit ilayo ni Louise ang mukha sa lalaking tinawag na Manding. Nangalisag ang lahat ng mga balahibo niya sa katawan ng mahinuha ang ipinahihiwatig ng Manding na ito sa malisyosong tingin nito sa kanya.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon