Chapter Thirty One

690 18 4
                                    

"Louise!" hiyaw sa kanya ni Kurt, "come and join us! It's fun!" malapad ang ngiti nito habang kinakawayan siya upang makilaro ng volleyball sa mga ito.

The four of them – she, Gael, Patty and Kurt have been at the beach now for a couple of hours. Kanina kasing umaga ay nagpilit si Patty na magkaroon daw ng mini beach party sa private beach na pag-aari ni Gael, and yes, it was literally at the backyard of their house. Gustong umikot ng mga mata niya ng makitang kuntodo postura ang babae, na para bang kung saang beach ang pupuntahan nila.

"Kayo na lang. Ok  lang ako dito," she replied and took a sip of her mango shake. Kanina pa siya naroon lamang na nakaupo sa cabana, pinanonood ang tatlong naglalaro ng volleyball. Kanina pa niya hindi maialis ang tingin sa asawa, paano ba naman ay naka shorts lang ito at walang damit pang itaas! Maski yata si machete ay mahihiya sa abs at biceps nito! Kanina pa rin siya naiinis kay Patty dahil halatang halata naman ang palagiang pagdikit nito sa lalaki on purpose, kulang na lang ay sadyain nitong idikit ang dibdib kay Gael. Hmp! Palibhasa ang laki ng hinaharap!

"Hello manang," tukso ni Patty sa kanya ng bumalik ito sa cabana, the woman grabbed a glass of water at naupo.

"Manang?" pag uulit niya sa sinabi nito, one of her eyebrows raised.

Patty laughed tauntingly, "tignan mo, nasa beach tayo pero you don't even want to be in your bathing suit. Marami ka bang peklat?" pang iinis pa nito.

C'mon Louise, don't let her get into your nerves! She reminded herself.

"I don't care what you think, Patty. Call me old fashioned pero unlike other women, I don't get flattered when men stare at me like they want to eat me alive. At hindi ko rin gustong nakaluwa ang dibdib ko," marahan niya itong sinipat ng tingin, purposely lingering on her chest.

Patuya siyang nginitian nito, "don't worry dear, mukhang wala namang luluwa sa'yo eh."

Naningkit ang mga mata ni Louise. Maldita talagang babae ito!

Bago siya nakasagot ay dumating ang dalawang lalaki sa cabana. Mabilis na naupo sa kanyang tabi si Kurt, si Gael ay walang ibang choice kundi maupo sa tabi ni Patty.

"Aren't you going to swim?" tanong ni Kurt sa kanya.

"Oh, let's just leave Louise alone guys. May phobia ata sa bathing suit eh," malditang sabat pa rin ni Patty.

"Actually..." she rose and started unbuttoning her blouse, " I can go for a swim," she charmingly smiled at tinapunan ng matalas na tingin ang babae. Hinubad niya ang blusa at shorts na suot; she was wearing a 2-piece bathing suit underneath. It may sound so silly because she lived in the States for 6 years pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na magsuot ng bathing suit. Call her conservative pero hindi lang talaga siya kumportable. Today will be an exception dahil talagang nabu-buwisit na siya sa kamalditahan ng babaeng ito!

Nakita niya ang paghagod ng tingin ng asawa sa kanya, who was seating across from her in the cabana. Dinampot niya ang sheer cover up na dala niya at isinuot iyon. She's feeling so conscious dahil alam niyang hindi humihiwalay ang mga mata ni Gael sa kanya, gayun pa man, she pretended not to notice.

"What are we waiting for then?" si Kurt ulit. "Let's go for a swim!" mabilis nitong inabot ang kamay niya at hinila siya patungong dagat.









Gael clenched his fist. Sinundan ng tingin ang asawa kasama si Kurt. Lalaki din siya, at hindi kaila sa kanya ang tingin at atensyon ni Kurt kay Louise. Akma siyang tatayo upang sumunod sa mga ito sa tubig ngunit mabilis na pinigilan ni Patty ang braso niya.

"Let them be," anito.

He glared at her, "let them be?" hindi makapaniwalang sagot niya, "that's my wife there!" kung minsan ay naiinis din siya sa kaibigan. Yes, he asked for her help upang pagselosin si Louise, but she is overdoing it sometimes na maski siya ay naiirita na.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon