Chapter Twenty Three

703 32 4
                                    

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. She tried to break free from his grasp pero tila bakal ang mga bisig nitong nakapulupot sa kanyang baywang. His other hand reached out for her hair, mula sa kanyang batok, ang gently held it upang tumigil siya sa pagpipiglas. Whenever she tried wriggling away, he would gently pull her hair, causing her to stop.

Nagbago ang paraan ng paghalik nito nang maramdaman nitong tumigil siya sa pag galaw. Mula sa pagiging "rough" ay naging mas malumanay ito, encouraging her to respond. She kept her lips tightly closed but his tongue was persistent, it didn't stop seeking entry hanggang sa nagkamali siyang bahagyang binuksan ang mga labi upang sumagap ng hangin. He took the chance to deepen the kiss, exploring each area of her mouth with his tongue, seeking response.

Pakiramdam ni Louise ay naging jello ang kanyang mga tuhod. Napakapit siya sa mga braso nito, as if to find some strength upang manatiling nakatayo. He was an expert kisser, dahil hindi nagtagal ay parang may sariling isip ang kanyang mga labi na tumugon sa halik nito. The moment she responded was the moment he decided to end the kiss. She was still waiting for some more ngunit lumipas ang ilang sandali na wala ang mga labi nito sa kanya. She slowly opened her eyes only to see him staring at her, desire still evident in his eyes. Tumaas bumaba pa rin ang dibdib nitong kagaya niya.

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "I think my charms still work," his breathing still rugged.

She's not a teenager anymore but she felt blood rushed to her cheeks, pati punong tenga niya ay ramdam niya ang pag iinit. Sobrang pagkapahiya sa binata at sa sarili niya ang kanyang naramdaman! Inilayo niya ang sarili dito, this time, hindi ito tumutol.

"I admit that you're an expert in the kissing department, Mr. Aragon, but I'm sure I would have responded the same way to any guy na hahalik sa akin kagaya ng ginawa mo. It's called instinct," she retorted, trying to hide her embarrassment sa nangyari. Ang tanga mo talaga, Louise! You have let your guard down!

Gael grabbed her arms at muli siyang hinatak palapit dito, "instinct? You really think that was just instinct, Louise? I felt how you wanted me too, there's no sense denying that," nakalulusaw ang tingin nito sa kanya.

Taas noo niyang sinalubong ang tingin nito, "don't flatter yourself Mr. Aragon. Tao lang ako, it's only natural for me to get affected that way. Nasisiguro kong parehas din ang magiging reaksyon ko sa kahit kaninong lalaki!"

Bagahgyang bumaon ang mga daliri nito sa pagkakahawak sa kanyang braso, nagbabadya sa mukha nito ang tinitimping galit. Gusto niyang mapangiwi sa pagdiin ng hawak nito sa kanyang bisig.

"There will be no other man, Louise. Don't even try it. You will be my wife, whether you like it or not."

Marahas niyang binawi ang braso dito, "sino ka sa tingin mo para sabihin yan?"

Dumeretso ito ng pagkakatayo at isinuklay ang kamay sa buhok. " Huwag mo sana akong piliting gawin ang isang bagay na hindi ko gusto, Louise," naroon ang warning sa boses nito.

"Like what?" hamon niya.

"Like telling your dad the truth. Na wala na sa kanya ang lahat ng mga pinaghirapan niya, at ang lalaking matagal na niyang kinasusuklaman ang nag mamay-ari na ngayon ng lahat halos ng mayroon siya," he smiled like the devil.

"This is blackmail! I hate you!" nagpupuyos ang kalooban niya sa galit. Ito na nga ang may atraso sa kanya, ito pa ang may ganang mang blackmail? Kapal din naman talaga minsan!

"2 weeks, sweetheart. You have 2 weeks to decide," tumalikod ito at humakbang palabas ng pamamahay na iyon.





Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon