Chapter Forty

671 20 1
                                    

Malakas ang palakpakan ng mga tao sa paligid kasabay ng maliwanag na ilaw ng spotlight na tumuon sa kanya. Shit! mahinang mura niya, wala man lang siyang kaalam alam sa mga mangyayari ngayong gabi, malinaw na pinlano ito ni Patty at ni Don Manuel, upang hindi siya makatanggi.

Hindi siya tuminag mula sa kinatatayuan, matalim niyang tinignan si Patty na ngayon ay nasa entanlado na kasama ang ama. Patty's eyes were pleading, as if begging him to join her there. Ang mga tao ay nagsimulang magbulungan nang nakalipas ang ilang minuto na hindi siya kumilos.

Manuel Esteves cleared his throat, "everyone, let's all welcome, the future son in law of Esteves Pharmaceuticals, Gael Aragon!" pag uulit ni Don Manuel nang nanatili lamang nakatayo si Gael doon. Muling nagpalakpakan ang mga tao. Ang ama ni Patty ay halatang naging balisa sa hindi niya pagkilos, bahagya itong nagpunas ng pawis sa noo.

Mabibigat ang mga hakbang na lumakad siya patungong entablado. He will deal with Patty, his father and this nonesense later. For now ay pagbibigyan niya ang kalokohan ng mga ito and he will save them from humiliation in front of everyone tonight. Kung hindi lamang malaki ang utang na loob niya sa mag ama ay hindi niya ito ito-tolerate.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan paakyat ng stage nang mapalingon siya at makita ang isang pamilyar na pigurang nagmamadaling tumakbo palabas ng bulwagan. His steps froze, a sudden surge of pain gripped his heart.

Damn it!

Patuloy na maririnig ang palakpakan sa paligid, ang ilaw ng spotlight ay sinusundan ang kanyang pagkilos. Patty was eagerly looking at him, persuading him to climb up the stage and stand next to her. He took another look at the direction of the lady who just bolted out the door, nakita niya ang pagsunod ni Lloyd sa babae.

Damn it sweetheart!

Sa halip na tumuloy sa pagtungo sa entablado ay mabilis siyang pumihit patalikod at patakbong tinahak ang daan palabas ng bulwagan. Hindi itinago ng mga panauhing naroroon ang bulungan at tinginan kasabay ng pagkahawi ng mga ito upang bigyang daan siya.

"Gael!" Narinig niyang tawag ni Patty sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Alam niyang maaari siyang sirain at pabagsakin ni Manuel kung gugustuhin nito, after all, ang matanda ang isa sa pinaka malaking investor ng kanyang kumpanya, but for the life of him! Hindi niya magawang isiping una ang negosyo kapalit ng babaeng hindi magawang kalimutan ng kanyang puso.

Tumaas bumaba ang dibdib ni Gael at habol ang paghinga ng makalabas ng malaking pintuan ng ballroom. His eyes frantically searched left and right para sa asawa, ngunit hindi niya ito nakita. Mabilis siyang naglakad patungong lobby ng hotel, his eyes searched amongst the crowd for her.

There she is! Natanaw niya itong lulan ng isang elevator paakyat sa mga suites...kasama si Lloyd! Nagsalubong ang kanyang mga kilay. What the fuck?!

"Do you have a guest checked in under the name of Louise Saavedra?" Tanong niya sa reception desk.

"Sorry sir, but I cannot answer that question due to our privacy-"

"Just check it!" He insisted.

"Sir sorry po talaga..."

"Do you want to get fired?!" He threatened in a low voice. He is not used to threatening people and he never had threatened anyone until today. Kailangan niyang masundan ang asawa dahil parang mababaliw siya sa kaisipang mayroon itong ibang lalaking kasama sa iisang silid. "Do you know who the fuck I am?" he arrogantly asked, bahagyang lumakas ang kanyang tinig kasabay ng paghampas ng kamay sa desk.

Napaatras ang babae sa galit na nakikitang nakaguhit sa mukha niya. Tahimik itong may itinype sa computer at pagkatapos ay alanganin siyang tinignan, "suite 801 po sir..."

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon