Chapter Thirty

660 20 1
                                    

"W-what do you mean na na...nakulong si- si Gael?" Pag uulit niya sa tinuran ng babae. Ang kanyang mga paa at kamay ay nanlalamig.

"Hindi ka ba talaga nakabalita kahit kaunti magbuhat ng umalis ka?"

Isang iling ang kanyang naging tugon.

"Gael was sent to prison by Cindy's parents, because of what happened... because of what he did to Cindy. Pero gaano ko man isipin, hindi ko maintindihan kung paanong nagawa ni Gael iyon? Everyone in the campus knew he only had eyes for you, kaya naman ng pagsamantalahan niya si Cin-"

"Pagsamantalahan?!" Gilalas na ulit niya sa sinabi nito, her eyes almost popped out of their sockets.

"Iyon ang sinabi ng mga magulang ni Cindy sa awtoridad."

What? Paano iyong mangyayari? Lalo lamang lumalabo ang pangyayari sa kanyang isip. Gael may be many things pero hindi nito magagawang pagsamantalahan ang isang babae. Gaano man ang pagkasuklam niya rito sa pagta-traidor at pananakit nito sa kanya, this is one thing she won't ever believe!

The memories flashed in her mind: Si Gael at si Cindy, nakatakip ng kumot sa kama ng kaibigan. By the looks of it, walang pamimilit na naganap, malinaw niyang nakita ang mga itong magkayakap, na sa paniniwala niya ay ilang ulit na sigurong ginawa ng mga ito, behind her back while they were both laughing at how blind and stupid she was for not seeing. Isang pamilyar na masigid na sakit ang gumuhit sa kanyang dibdib. Almost instantly ay nag aambang pumatak ang isang luha mula sa kanyang mga mata.

Bumuntong hininga si Marcie. "I'm sorry Louise. All these years, dala ko sa kunsensya ko ang nangyari. Matagal ko nang gustong humingi ng tawad sa'yo. Alam kong mabigat ang nagawa kong pagkakamali, pero umaasa akong mapapatawad mo ako somehow..."

"One thing just doesn't make any sense to me, Marcie..." kunot noong tiningnan niya ito, maagap na pinahid ng daliri ang isang luhang pinipigil, "if... if my dad knew... how come he didn't do anything?" Umiling siya. Something's not adding up, something's not right. "May nabanggit ba siya sa iyo noong sinabi mo sa kanya?"

"Ang natatandaan ko lang he was so grateful to me that he...he gave me a substantial amount for the info," nagyuko ito ng ulo, embarassed. "He also told me not to tell anyone that he knew...Louise... I can't say sorry enough. Pwede kong ibalik ang pera - "

"I don't care about the money!"

Hindi niya napansin ang paglapit ni Kurt sa kanyang likuran.

"Is everything alright?" Si Kurt.

Nilingon niya ito, she forced a smile, "yes."

Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagdating ni Gael kasama si Patty, ang babae ay malambing na naka angkla sa braso nito. Isang ismid ang kanyang ginawa at muling binalingan si Marcie. "Thank you for telling me the truth, Marcie..."






Pagpasok pa lamang ni Gael sa bulwagang iyon ay agad hinanap ng kanyang mga mata si Louise. Damn it! How he wanted to protest nang umalis ito kanina ng bahay kasama si Kurt. He saw how Kurt looked at his wife, but he could not really blame him. Kahit naman sinong lalaki ay hindi maiiwasang tapunan ito ng tingin. She was wearing a dark green cocktail dress, cowl neck iyon and hugged her curves perfectly. Sa tagiliran niyon ay may slit na umabot hanggang sa kalahati ng hita nito, subtly exposing her smooth, perfectly shaped thigh.

Nagtagis ang kanyang mga bagang nang matanawan ang asawa kasama si Kurt, who was standing right behind her, too close for what he would like. Akma niyang lalapitan ito nang pigilan siya ni Patty, isang banayad na iling ang ibinigay nito sa kanya. He gritted his teeth and sighed.

"I swear to God I will kill him if he tries something funny with my wife!" he said to her quietly.

"Relax, will you?" Sagot ni Patty sa kanya.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon