Chapter Eighteen

651 27 3
                                    

"G-Gael..." she croaked.

Halos walang umalpas na tinig mula sa kanyang lalamunan. Naikuyom niya ang mga kamao. Is this a dream? a nightmare? ipinikit niya ang mga mata, hoping that he would disappear when she opens them again. Natutulig siya sa kabog ng dibdib, ang buong katawan niya ay nanlamig. What in the world is happening? Paanong nangyaring si Gael ngayon ang nasa kanyang harapan?

Narinig niya ang pagtikhim ng binata upang kunin ang kanyang atensyon.

She opened her eyes, still unable to believe what's right in front of her. She opened her mouth to speak pero walang namutawi ni isang salita mula sa kanyang labi. Gaeld didn't say a word but he started walking towards her.

Oh this is Gael Aragon alright, and this is no dream. Kung panaginip ito ay hindi niya alam kung paanong sobrang buhay na buhay ito sa kanyang mga mata. Still the drop-dead gorgeous man he was 6 years ago, exuding with manliness. Nakapako ang tingin ni Louise dito at nais niyang batukan ang sarili dahil kahit alam niyang hindi dapat ay hindi niya mapigilang suriin ito ng tingin. Yes, he aged but it only added to his sex appeal, and the only adjectives she could think of are sexy and dangerous. Gone was his long hair that was always held back in a man bun, sa halip ay naka clean cut ito, ang ilang hibla ng maalon nitong buhok ay bahagyang bumagsak sa noo nito. Naka suot ito ng 3-piece na amerikana, which made him look sharp. Malayong malayo ito sa Gael na malimit siyang bisitahin sa kanyang mga panaginip at ala-ala.

Huminto ito nang may ilang hakbang na lamang ang layo mula sa kanya. Nagulat pa siya when he snapped his fingers in front of her, looking at her as if she was some kind of an idiot! Bigla ang pagbalik ng isip ni Louise sa kasalukuyan and quickly tried to gain back her composure.

"I must be in the wrong office," nakataas ang kilay niyang nasabi. "I was here to meet the CEO of AG Group. Maling opisina yata ang napasok ko," malamig pa sa yelo ang kanyang tinig.

A mocking smile curved his lips. "Is it so hard to believe that it was me you're meeting with, sweetheart?" he stressed the last word na pinanayuan ng balahibo ang dalaga.

"Is this a joke?! Dahil sinasayang mo lang ang oras ko! There clearly must have been some kind of a mistake here!" wika niya, hindi itinago ang iritasyon at galit sa tinig. Hindi pa rin niya lubos maisip kung paanong si Gael ang taong ka meeting niya ngayon? 6 years ago, ni hindi naman niya nalamang mayaman ito? Did he join a mafia? Sold his soul to the devil?

Malakas itong tumawa at tinungo ang sofang naroon sa opisina nito, pabagsak itong naupo roon, his arms stretched out at both sides of the sofa. "Parang imposible ba?" he asked, sarcasm in his voice, "bakit Louise, ang mga mahihirap ba hindi pwedeng umasenso ng ganito? Ano sa tingin mo ang ginawa ko to get where I am right now?" he asked na tila nahulaan ang laman ng kanyang isip.

"Oh no," she answered back. "Kilala ko ang isang Gael Aragon, at hindi na ako magugulat kung ano ang kaya mong gawin. I've learned that the hard way," huli na bago niya napigilan ang mapapait na salitang nasabi niya.

His expression changed, and for a brief moment ay tila lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. Umayos ito ng pagkakaupo at pinagsalikop ang mga kamay na tila magdarasal, he brought his hands in front of his lips na tila nagaapuhap ng sasabihin. Louise could hear him draw in a breath.

"Listen, Louise... that day - "

"My coming here was surely a mistake," putol niya sa kung ano mang sasabihin nito in a firm voice. Nag init ang mga mata niya and she'd rather die than let him see a tear fall from her eyes. Galit sa sarili ang naramdaman niya sa mga sandaling iyon.

Stupida! Anim na taon! you're done crying! you. are.done.crying! the voice inside her head was nagging at her. Mabilis siyang tumalikod at tinungo ang pintuan, "goodbye. Mr. Aragon," she said without looking back.

Isinubsob ni Louise ang ulo sa manibela ng kanyang sasakyan hustong maisara niya ang pinto niyon. Nag uunahang bumagsak ang kanyang mga luha.

Damn you, Gael! Damn you! ang buong akala niya ay tapos na siyang umiyak. For 6 long years ay dala dala niya sa kanyang dibdib ang kirot na iyon na tila hindi mawala wala, she closed her heart off to anyone, unable to trust or love again. It left such a scar na pakiramdam niya ay hindi na siya buo pagkatapos ng mga pangyayari. But she has come a long way after 6 years, she was able to somehow rebuild her life, make it back on her own, found a job and career that she enjoys doing, build friendships again na akala niya noon ay imposible. And then just like that, like a sick twist of fate, bigla na lamang itong babalik at magpapakita sa kanya in the most unexpected way.

Matapos ang ilang sandali nang pag iyak ay muli niyang iniayos ang sarili at ikinabit ang seatbelt. Hindi rin niya gustong makakuha ng atensyon ng ilang mga taong nagsisimula nang dumating sa parking lot. Kung alam lamang niyang matatapos ng ganito kabilis ang meeting ay hindi na sana siya nagpabook pa ng kuwarto sa Manila Hotel. Nagbalikan na lamang sanang siyang umuwi. She sighed, pero sa isang banda ay maganda na rin sigurong magpalipas siya ng gabi sa hotel, ang isip niya ay tila lumilipad kaya't hindi rin siguro mainam na magmaneho siya pauwi ng Sta. Martha, lalo na at aabutin siya ng dilim.

Matapos makapag check-in ay ibinagsak ni Louise ang pagod na katawan sa kama. She stared at the ceiling ngunit tila isang tuksong nakikita niya ang mukha ni Gael doon. That bastard! Muli niyang naramdaman ang pag iinit ng mga mata. I hate you Gael. I hate you!

Seeing him again inevitably took her back to that painful past... sa pinaka mapait na ala-alang pinilit niyang limutin at takasan...

                                   ********





Pinihit niya ang seradura at itinulak pabukas ang pintuan. Tila bombang sumabog ang tumambad sa kanyang harapan. Naibagsak niya ang hawak na telepono, it shattered into pieces nang mahulog iyon sa sahig. Tears instantly fell from her eyes, mainit ang mga iyon, tila nagbabaga.

No! This isn't true! she vehemently shook her head in denial. Mga hayop!!! gusto niyang isigaw ngunit walang lumabas na tinig mula sa kanyang lalamunan. Gusto niyang masuka sa nakikita! Her bestfriend Cindy and Gael were in bed together, ang kalahati ng katawan ng mga ito ay natatakpan ng manipis na kumot. Her whole being trembled. She stood there paralyzed, not able to move ngunit masaganang mga luha ang dumaloy mula sa kanyang mga mata.

Why?! Why?!

Maya maya ay naalimpungatan ang babae. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya sa may pintuan. Cindy cluthed the blanket to her chest, "B-bes..."

Mabilis na tumalikod si Louise at tumakbo palayo sa lugar na iyon.

"Louise, sandali!" narinig pa niya ang pagtawag ni Cindy. Hindi niya iyon pinansin at mabilis na bumaba ng bahay. She was running aimlessly, hindi niya alam kung ano ang gagawin o kung saan siya pupunta. Ang tanging alam lamang niya ay kailangan niyang makalayo.

She bolted out the gate at nagtatakbo sa kalyeng tila hibang, her right hand was gripping her blouse, sa tapat ng kanyang puso.

Ang sakit! ang sakit, sakit! mga hayop! Halos hindi siya makakita sa ilalim ng mga luha. Naramdaman niyang umikot ang paligid at tila mawawalan siya ng malay but she can't stop running! She needs to get away as far from here as she can!

Isang malakas na busina ng sasakyan ang sumunod niyang namalayan bago nagdilim ang buong paligid.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon