Chapter Four

739 24 1
                                    

Kinabukasan ay may siglang nag ayos siya patungong eskuwela. Unlike other days ay naisipan niyang magpahid ng manipis na pink na lipstick at ilugay ang lagpas balikat na buhok na madalas ay ipinupusod lamang niya.

She's always hated her natural curls. Ilang ulit na niyang pinag isipang ipa-rebond ito kaya nga lamang ay mahigpit ang protesta ng kanyang yaya Adela. Pinaraanan niya ng tingin ang sarili sa salamin at smiled at herself, pleased at the reflection she saw there.

It was Friday - the only day of the school week na maaaring magsuot ang mga estudyante ng "civilian clothing" kung tawagin nila. She had a harder time than usual picking out an outfit today. Jeans at t-shirt lamang ang malimit niyang isuot kapag ganitong Biyernes but she
wanted to look extra pretty today. She chose a light pink fit and flare floral printed dress. Ang laylayan nito ay above the knee pero hindi matatawag na maiksi. She paired it with her white low-cut Chuck Taylor's. Isang ikot pa sa salamin ang kanyang ginawa bago bumaba mula sa kanyang silid.

"Good morning!" masiglang bati ni Louise pag pasok sa dining area, naroon na ang ama at kasalukuyang nagkakape. Umupo na siya sa kanyang pwesto sa kabisera at umabot ng pancake. Agad na lumapit ang katulong sa kanya at sinalinan ng juice ang baso niya.

"Aba, maaga ka yata hija," puna ng ama sa pagitan ng paghigop nito ng kape.

"May practice po kami ngayon sa cheering squad," she answered and took a bite of her pancake.

"Ku... practice nga ba?" makahulugang tingin na may halong panunukso ang ibinigay sa kanya ng yaya Adela niya.

"Yaya!" may pag-aalalang sinulyapan niya ang ama. Laking pasasalamat niya na tila hindi naman nito binigyan ng pansin ang sinabi ng mayordoma. Pinandilatan niya ito ng mata ngunit isang mapanuksong ngiti ang naging tugon nito sa kanya.

"Sino nga pala ang naghatid sa iyo kahapon?" tanong ng ama habang kaswal an binubuklat buklat ang pahayagan, she was glad na hindi ito nakatingin sa kanya dahil pakiramdam ni Louise ay namutla siya sa tanong na iyon.

"Ah...yung..yung..schoolmate ko po Papa," she took a gulp from her juice glass.

Tumango tango lamang si Don Enrique at kapagkuway ibinaba ang diyaryo sa mesa at mapanuri siyang tinignan. "A guy?".

Muntikan nang maibuga ni Louise ang laman ng bibig. She tried her best to act natural, "Yes, Pa," she then glanced at her wristwatch, "Gosh, it's time for me to go!" sinabayan niya iyon ng tayo at hinagkan sa pisngi ang ama. "See you later Pa!"

"Hinatyin mo si Erning mamaya kahit anong mangyari. And make sure your phone is charged!" pahabol na bilin nito.





"Bes!" masiglang kaway ng kaibigang si Cindy ang sumalubong sa kanya sa practice grounds, naroon ito kasama ang ilang mga kasamahan nila sa cheering squad. Agad siyang nilapitan nito and as usual, iniangkla ang braso sa kanya.

"Ano itong nababalitaan kong meron daw magandang dalaga ang inihatid ng isang uber hunk na transferee gamit ang motorbike kahapon?" malapad ang ngiti nito sa kanya.

"Paano mo nalaman?" takang tanong niya.

"Hay naku! Nina Louise Saavedra! meron ba namang nakakalusot sa radar ng mga tsismosa dito sa SMU?" eksaheradong tugon nito.

Kung sabagay, tama naman ang tinuran nito, wala ngang nakakalusot sa mata at tenga ng ilang kaklase nilang tila mga reporter, lalo na kapag involved si Gael o kaya naman ay siya.

"Oh ano?" untag ni Cindy sa kanya, "totoo hano?" kinikilig na tanong nito.

"It's not like what you think bes."

"Not what you think ka diyan! nagtatampo nga ako sa kase hindi mo ako tinawagan para balitaan!"

"May date ka kaya kagabi, remember?"

"Kahit pa!" nakalabing protesta nito. "Things like these are like emergency! hindi dapat ipinagpapabukas at dapat agad na sinasabi sa BEST FRIEND," binigyang diin nito ang word na best friend.

"O sige, next time po promise..."

"Uy, may next time na agad? nanliligaw na ba sayo?"

"Ikaw talaga bes, daig mo pa may bulate jan sa pwet mo kung kiligan ka!" natatawa niyang sagot. "Kahapon ko lang nakilala, nanliligaw na agad?" naiiling na lang siya sa bilis ng imahinasyon ng kaibigan.

"Oh eh bakit? Hindi na uso yung pinatatagal ngayon noh. Kung gusto ka at gusto mo rin, ano'ng problema dun?"

"Nagmagandang loob lang yung tao bes, baka naman mabait lang talaga sya ganun."

"Naku, I doubt it bes! he's totally into you! You'll see!" masiglang sagot nito.

Is he? she can't deny na may galak siyang naramdaman sa dibdib sa kaisipang baka nga gusto siya nito. But then again, hindi naman niya gustong maging assumera.

Mabilis na natapos ang cheer practice nila ng araw na iyon, matulin ding lumipas ang hapon ngunit hindi man lamang niya nakita ni anino ni Gael. She was feeling disappointed at hindi niya naitago ito sa kaibigan na agarang napansin ang pag iiba ng mood niya sa hapon. She went from ecstaticly happy to silent.

"Alam mo bes, yang halo-halo mo, durog na," puna ni Cindy sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa canteen para sa 3 o'clock break nila sa klase. Ni hindi niya
napansin na kanina pa pala niya hinahalo iyon ngunit hindi naman kinakain. Bahagya siyang napahiya sa kaibigan, she really looks like an idiot.

Napansin din niyang nagbubulungang nakatingin sa kanya ang isang grupo ng mga babae sa katapat na mesa, medyo naghahagikgikan ang mga ito. With them of course was Marcie Gonzales, ang babaeng pwedeng maging presidente ng hate club niya sa SMU, if only there was one. She and Marcie had been classmates for as long as she could remember at mga bata pa lamang sila ay malaki na ang disgusto nito sa kaniya, for reasons only Marcie will know.

She tried to be nice to her and even offered friendship, but hate was the only response she got back from her. By the time they reached high school, Marcie was trying to compete with her with everything. Noong bata pa siya ay hindi niya maintindihan ang pag uugali nito sa kanya, as she grew up she slowly realized that it was probably envy.

Sa ganda ay hindi naman magpapahuli ang dalaga ngunit sa estado sa buhay, Marcie was way behind her. Anak ito ng katiwala ng Mayor ng bayan nila. The mayor has really been good with the family, dahilan kung bakit nakapag aral ito sa Saint Martha University.

Hindi nagtagal ay tumayo si Marcie mula sa kinauupuan nito at maarteng naglakad patungo sa mesa nila ni Cindy. Walang paalam itong umupo across from her at the table at nakakalolokong kumalumbaba sa mesa, directly eyeing her. "Well. It looks like her highness is disappointed. Hindi ba nagpakita ang prince charming?" maarteng tanong nito sa kanya, a smirk on her face.

"Hoy Marcie! lumayas layas ka nga dito ha! kung hindi baka sabunutan talaga kita!" gigil na sagot ni Cindy bago pa siya nakatugon.

Marcie chuckled. "Really Louise, hindi ko maintindihan how you became best friends with someone who clearly has no breeding or class," painsulto nitong tiningnan si Cindy mula ulo hanggang paa.

"Look who's talking!" she snapped at Marcie.

Nanlilisik ang mga mata nitong tinitigan siya, "ano'ng sabi mo?!"

Louise stood up and met her gaze, halos magdikit ang mukha nila. Si Marcie ay nagngangalit ang mga bagang sa kanya.

"I said..." sadyang ibinitin niya ang kasunod na salita, "look. who's. talking," she said in the bitchiest tone she could muster.

"Aba't!" bago pa siya nakapag react ay mabilis na naitaas ni Marcie ang kamay at akmang sasampalin siya.

"So unlady like to resort to violence," gulat na napatingin si Louise sa pinanggalingan ng baritonong tinig na iyon.

Her heart skipped a beat. Si Gael,holding Marcie's wrist in the air.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon