Hindi makapaniwalang tinignan ni Gael si Louise. Her eyes look puffy, na tila ba galing ito sa pag iyak. She was looking at him with those eyes that were both dreamy and determined. Muntik na niyang ipilig ang ulo to make sure he's not dreaming.
"What do you mean, sweetheart?" Sa wakas ay naiusal niya.
Bahagya muna itong nagbaba ng tingin na para bang nahihiya sa sasabihin. "I...I mean... I want our relationship to be...real," she looked up at him again, biting her lower lip.
What's going on Louise? Bakit biglang bigla ang pagbabago ng dadmdamin mo? Could it be that she found out about?... he gently shook his head. He already decided that he would keep the truth from her, hindi bale nang siya ang masama at kontrabida para sa dalaga, kaysa naman mas masaktan ito sa katotohanan.
"Gael..." untag nito sa kanya, ang boses ay nagsusumamo.
He gently cupped her face with his hands at inilapit ang mukha dito, "hindi mo na kailangang hilingin iyan sweetheart, because you, and only you are my wife... " Whom I love, gusto niyang idugtong. He gently kissed the tip of her nose.
Nang gabing iyon ay nakatulog silang magkayakap, in the same bed. Bagaman nasa isip ni Gael hanggang sa pagpikit ang mga katanungan, he couldn't complain that Louise is finally taking him as her husband.
"Good morning!" masiglang bati ni Louise.
Gael slowly opened his eyes at nagisnan ang nakangiting mukha ng dalaga. God! how wonderful it is to wake up to that beautiful face na ni minsan ay hindi nawala sa kanyang ala-ala.
"Bangon na, I made breakfast," naupo ito sa gilid ng kama, "I mean, I tried...I am not a very skilled cook but-" hindi nito natapos ang sinasabi dahil hinila niya ito payakap sa kanya, napahiga ito sa kama and landed almost on top of him.
Gael wrapped his arms around her at muling pumikit, inhaling the scent of her hair. Kung nanaginip man siya, he wanted to stay trapped in this dream forever.
"Uhmm... lalamig ang niluto ko... saka amoy bawang pa yata ako oh," bulong nito.
He groaned, "can't we just stay here the whole day? I have a different 'breakfast' in mind," tukso niya rito.
Agad na inilayo nito ang katawan sa kanya at nagpilit muling umupo, "hoy, Mr. Aragon! ang bilis mo naman yata! ano'ng feeling mo sakin? easy to get na basta basta na lang?" sinimangutan siya nito.
"What?" painosente niyang sagot, "hindi ko alam kung ano'ng iniisip mo, but I was only thinking of cuddling," aniyang kibit balikat.
"Hmp! yeah right!" inirapan siya nito at tumayo ,"kapag hindi ka pa bumangon ay ililigpit ko na ang ihinain ko."
"Eto na po!" natatawa niyang sagot at bumangon sa kinahihigaan. Nagtungo siya sa banyo upang maghilamos at sipilyo, pag balik niya sa kuwarto ay inabutan niya si Louise na inaayos ang kamang kanilang hinigaan. She looks like the perfect, pretty little wife. What sparked these changes in her? Overnight ay tila ito naging ibang tao. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at humalukipkip, giliw na pinagmasdan ang ginagawa nito.
Napatingin ito sa gawi niya at hindi niya inaasahan ang ngiting ibinigay nito sa kanya. For a moment ay tila tumigil sa pag ikot ang mundo niya, muli niyang nakita ang dise-sais anyos na dalagitang minahal niya. That smile that he had last seen 6 years ago, when they were madly in love, noong mga panahong inakala nilang walang kahit sino o ano mang bagay ang makakahadlang sa kanila.
"Hija, natutuwa akong makita na mukhang maligaya kayo ng pamangkin ko," ani Tiyang Amelia, nakangiti ito sa kanya at bahagyang hinaplos ang kanyang braso. Abala siya sa pagtulong sa matanda at kasambahay sa pagliligpit sa hapag.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso
RomanceRank #1 in #highschoolsweethearts - March 18,2020/ March 22,2020 ***This book will soon be edited*** Louise was 16 when she met Gael - ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepa...