"What?!" pinanlakihan ng mata ang kaibigan sa narinig na sinabi niya.
"Ssh.." mahinang saway niya dito, bahagyang tiningan ang ibang kaklase kung may nakapansin sa eksaheradong reaksyon ng kaibigan. Bukod kasi sa napalakas ang boses nito, napatayo pa mula sa kinauupuan.
"Hinalikan ka niya?" pabulong na tanong nito.
She softly nodded, biting her lower lip.
"So ano na? kayo na? may boyfriend ka na?" kilig na tanong nito, ang ngiti ay tila nakaplaster na sa mga labi.
"e-ewan ko..."
"Ayy!!! may boyfriend na ang bestfriend ko!" bulalas nito sa pinipigil na tili.
"Tsk! wag ka sabing maingay! Baka may makarinig sayo," mabuti na lamang at abala ang iba nilang kaklase sa sari-sariling chismisan at asaran ng mga ito. Huling subject na nila para sa araw na iyon at hindi pa dumarating ang prof nila.
"Eh ano kung marinig nila? Inggit lang ng mga iyan! You got the hottest guy in campus bes! dapat nga proud ka!" may katotohanan naman ang sinabi nito.
Eversince Gael transferred to SMU, mahigit ata kalahati ng campus from High School to College department ay may crush dito. He's got that certain charm. Hindi ito yung tipong gwapo na parang makikita mo sa mga Korean actors na kinahuhumalingan ng mga kababaihan ngayon. He is the opposite. Gael is very manly - moreno, matangkad and he has that hint of danger na hindi niya maipaliwanag na lalo lamang nakadagdag sa appeal nito.
"Naguguluhan kasi ako bes. I just met him the other day, literally," nagbuntong hininga siya.
"Now is your chance to get to know him,"Cindy softly smiled at her, "I can feel that he's a good guy. Hindi dahil gwapo siya, pero basta! Parang feel ko you're meant for each other."
Hindi siya sumagot. Ang totoo, gulo pa rin ang isip niya. She just met the guy for crying out loud! Hindi naman siya easy to get na babae, sa katunayan ay marami na ang sumubok na manligaw sa kanya na puro rin naman may mga istura at sinabi sa buhay pero wala siyang binigyang interes ni isa sa mga ito. But with Gael, ewan ba niya pero whenever he's around, all her good reasoning seem to go up in the clouds.
Natapos ang maghapon na iyon na pakiramdam ni Louise ay tila pa rin sya nanaginip lamang. Kainis pa dahil tinawag siya ni Mr. Gonzales kanina at hindi siya nakasagot sa tanong nito ukol sa kanilang topic. Nakakahiya! She is one of the top students in her class. Marami nga ang nag a-anticipate na siya ang magiging valedictorian sa nalalpit na graduation. She needs to re-focus kung gusto niyang gumraduate with honors.
Eto kasing Gael na to eh! mahinang paninisi ng isip niya.
She gave a sigh nang marinig ang ring ng bell, hudyat na tapos na ang klase. It's been a long day, she feels emotionally tired. Ang gusto niya ngayon ay makauwi na ng bahay at makapag babad sa bath tub. Isa isa niyang sinamsam ang mga gamit at isinilid sa bag. No need to rush, hinihintay pa naman niya si Cindy na nagpaalam munang magbabanyo. Muli muna siyang umupo at wala sa loob na binuklat buklat ang libro niyang nakalapag sa kanyang
mesa."Eherm.." isang tikhim ang nagpaangat ng kanyang ulo.
Her jaw almost dropped nang makita ang lalaking laman maghapon ng kanyang utak na naroroon sa pintuan ng kanilang silid, ang likod nito ay nakasandal sa hamba habang ang mga braso ay ipinagkrus sa dibdib. Tila itong isang modelong naghihintay kuhanan ng litratista para sa isang photo shoot.
Damn! He really is hot! sa tuwing makikita niya ito ay hindi niya mapigilan ang lalong humanga.
"Tara na?" nakangiting tanong nito.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso
RomantizmRank #1 in #highschoolsweethearts - March 18,2020/ March 22,2020 ***This book will soon be edited*** Louise was 16 when she met Gael - ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepa...