Chapter Thirty Eight

599 17 1
                                    

"Dahil mahal pa rin kita, Louise... I never stopped loving you..." he slowly moved closer to her, looking straight into her eyes, his gaze piercing through her very soul.

Hinawakan nito ang kanyang baba at itinaas bahagya ang kanyang mukha, his other hand gently wiped the tears off her face. "Noong una hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang pakawalan ang bahay na ito, Louise,"  nilinga nito ang kabahayan.  "Ang akala ko noon, dahil lang gusto kong ipamukha sa iyo balang araw na nagtagumpay ako kahit wala ka...pero ngayon nasisiguro ko na sa sarili ko kung bakit sa kabila ng lahat ng sakit, sweetheart, I could not let go of this place...and you know why?"  masuyong tanong nito, hinalikan ang tungkil ng kanyang ilong , "it's because in this house, you are still mine... sa bahay na ito, buhay ang lahat ng pangako at pagmamahal natin."

Lalong dumaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Nag uumapaw ang puso niya sa galak at pag ibig sa mga naririnig na sinasabi nito.

"Sa loob ng anim na taon, wala akong ibang babaeng minahal, ikaw lang... ikaw lang ang tanging laman nito," itinuro nito ang sariling dibdib, "ikaw pa rin ang bulong ng puso ko..." he emotionally stated. Kinuha nito ang kamay niya at dinala ang mga iyon sa labi nito. Matamis itong nakangiti sa kanya ngunit nakita niya ang pamamasa ng mga mata nito.

"Mahal mo pa rin ba ako?" Mahinang tanong nito, his hand softly brushed her cheek.

Yes, Gael! Mahal na mahal pa rin kita... sigaw ng isip niya. Gustong gusto niyang ipagsigawan sa lahat kung gaano niya ito kamahal, ngunit sa halip ay nag-iwas at nagbaba siya ng tingin.

Just thinking about what she's about to do is already tearing her apart, pero ano ba ang magagawa niya? Tanggapin ang pagmamahal nito at aminin din dito na sa loob ng anim na taon, wala ni sinoman ang pumalit sa kanyang puso? Ano mangyayari pagkatapos? He will suffer again because of her? No! she cannot let that happen again! Once is enough! She loves him so much that she's willing to take the pain, to suffer in his place.

"I...I'm sorry Gael...hin...hindi na kita mahal," halos pabulong ang kanyang naging tugon. Ang akala niya ay wala ng lalabas na tinig mula sa kanyang lalamunan. In fact, naidasal niyang sana ay walang lumabas na tinig para hindi marinig ng binata ang mapait na tinuran niya.

"Sweetheart..." hinaplos nito ang mga balikat niya, halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya, "you're lying...I know you love me. I can feel it..." muli nitong hinawakan ang kanyang baba upang maingat na iangat ang kanyang mukha, "look at me," he commanded.

Halos hindi magawang tignan ni Louise ang mga mata nito. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at pakiramdam niya ay ta-traidurin siya ng sarili ano mang oras, na baka masabi niya ang tunay na nararamdaman para rito. Na baka bigla na lamang niyang yakapin ito, and beg him to stay with her forever.

"I'm telling you na mahal na mahal pa rin kita Louise. Let's start over. This time, for real. Ituloy natin ang mga pangako natin noon na naudlot."

Oh Gael! her heart is overflowing both with happiness and sorrow at the same time. I love you more than you'll know, Gael. Which is why I need to do this...

Pinuno niya ng hanging ang dibdib bago lakas loob na sinalubong ang tingin nito, "hindi na kita mahal, Gael," matigas na wika niya. "Hindi na natin pwedeng dugtungan ang nakaraan dahil matagal na tayong tapos, at kahit kailan hindi na natin maibabalik pa ang mga nawala sa atin."

Oh God please help! piping dalangin niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning magpanggap. Hindi niya alam kung gaano katibay ang puso niya para sa sakit na nararamdaman ngayon.

Halos madurog ang puso niya sa nakitang sakit na bumalatay sa mukha ng binata. Binitawan nito ang pagkakahawak sa baba niya and took a step back. For the first time, she saw the mighty and arrogant Gael Aragon, out of words. Kung hindi niya pinigilan ang sarili ay gusto niyang bawiin ang mga sinabi. To embrace him and tell him she loves him, over and over again.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon