Chapter Thirty Six

649 15 2
                                    

"Akala ko ba sa Sabado pa ang uwi mo?" bakit hindi ka man lang tumawag na uuwi ka?" Gulat na tanong ni yaya Adela nang makita siya sa hacienda ng hapong iyon.

Hinalikan niya ang pisngi nito, "biglaan lang po, yaya... ang totoo po ay kailangan ko sana kayong makausap".

Bahagyang gumuhit ang pag alala sa mukha ng matanda. "May problema ba hija?"

Umiling siya, "Wala po, yaya. Tara na po muna sa loob. Si papa?"

"Nakaidlip sa kuwarto niya si Enrique. Halika at magpapahanda ako ng meryenda," tinawag nito ang isa sa mga katulong at nag-utos upang magpagawa ng juice at sandwich.

Tumuloy silang dalawa sa terasa. Tumabi siya sa kinauupuan ng kanyang yaya at hindi malaman kung saan sisimulan ang mga tanong. Magbuhat kasi ng makausap niya si Cindy ay hindi siya matahimik sa mga natuklasan.

"Yaya...do you remember G-Gael...Aragon from 6 years ago?" panimula niya, carefully watching her yaya's expression.

"Iyong nobyo mo noon?" it was more of a statement than a question.

Isang banayad na tango ang naging tugon ni Louise. "May...may balita ho ba kayo sa kanya?"

"Ang alam ko lang hija ay napadawit siya sa isang eskandalo noon...balita nga ay naibenta ang mga natitirang ari-arian ng mga Aragon dahil doon."

Lalong tumindi ang pagsakmal ng kaba sa dibdib niya. Ganito ba kabigat ang naging epekto ng kasalanan ng kanyang ama sa mga Aragon?

"A-alam niyo ho ba kung bakit?" usisa niya. Bahagyang naputol ang kanilang pag uusap ng dumating ang katulong upang ilapag ang meriyenda sa lamesitang naroroon.

"Hija... bakit ka ba nag uusisa ngayon ng tungkol sa lalaking iyon? Noon ko pa sinabi sa iyo, kalimutan mo na siya, sinaktan ka at -"

"I need to know the truth, yaya," her voice was full of determination. "6 years ago, I left without knowing the truth, but now... now I need to know," she looked at the old woman, ang mata ay puno ng pakikiusap.

Mahinay na umiling si Yaya Adela, "hija, bubuksan mo lamang ang mga sugat na naghilom na... nakalipas na iyon, hindi na mahala-"

"Hindi pa tuluyang naghilom ang mga sugat na iyon, Yaya..." nangilid ang kanyang mga luha, "please..." pakiusap niya.

Bumuntong hininga ang matanda. "Ang alam ko lang, nakulong si Gael dahil sa pangmomolestya sa kaibigan mo."

Tuluyang tumulo ang mga luhang tinitimpi niya. Kung ganoon ay totoo nga ang mga sinabi ni Cindy sa kanya.

"Matapos niyon, umalis ang mga Aragon sa Sta. Martha... wala nang may alam pa kung ano ang nangyari sa kanila... hija, ano ba ang nangyayari? bakit ba gusto mong malaman ang isang bagay na tapos na?"

She wiped her tears, and needed to breathe for a little bit bago nagpatuloy sa pakikipag usap, "may alam ho ba kayong dahilan kung bakit galit na galit si Papa kay Gael noon?" Until now, it doesn't make sense to her because her father has never been the type who will look down at someone dahil sa estado nito sa buhay.

Naging mailap ang mga mata ng matanda, "mabuti pang ang papa mo ang kausapin mo," she rose from her seat ngunit mabilis na nahawakan ni Louise ang kamay nito, natigilan ito sa paglakad.

"Yaya... from when I was young, you have always been like a mom to me... I need your help now, more than ever," she pleaded.

Bumuntong hininga ito at muling naupo."Tapos na iyon, Louise. Bakit anak tila gusto mo pang muling saktan ang sarili mo?"

"...because Gael Aragon is...." she swallowed, hindi malaman kung paano itutuloy ang sasabihin, "Gael Aragon is... AG Group!"

Nanlaki ang mga mata ng matandang babae sa kanyang tinuran. "A-ano ang ibig sabihin niyon hija?"

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon