Chapter Twenty Nine

663 23 1
                                    

"Sino yung...yung kasama mong babae dun sa picture sa kwarto mo?" Medyo nahihiyang tanong niya sa nobyo. Nasa canteen sila ng SMU at nag me-merienda. Itinuon niya ang pansin sa hinihigop na soft drinks, nahihiya siyang tignan sa mukha and binata. Hindi niya alam kung paano tatanungin dito ang tungkol sa larawang nakita niya sa silid nito nang minsan siyang mapunta doon.

"Aling picture?" Kaswal na sagot nito, kinagat nito ang hawak na sandwich.

"Yung, larawan mo na nasa frame sa may kwarto mo... yung may inaakbayan kang babae," nilaro niya ang straw ng iniinom.

"Bakit? Nagseselos ka ba?" Nakangising tanong nito sa kanya.

"Hindi ah! Curious lang!" Pagsisinungaling niya. Ang totoo ay medyo nagselos siya nang makita iyon.

He chuckled, "hayaan mo at aalisin ko na iyon sweetheart. Papalitan ko ng picture natin." Inilabas nito ang cellphone at lumapit sa kanya, bigla siyang inakbayan nito at inilapit ang mukha sa kanya "cheese!"

"There!" Ipinakita nito sa kanya ang larawan sa cellphone. Sa kanyang pagkabigla sa ginawa nito ay hindi man lamang siya nakangiti.

"Ang panget ko diyan, burahin mo please."

"Ayoko nga, maganda naman ah!"

"Hmp! Iniiba mo lang ang usapan eh! Kase ayaw mong sagutin ang tanong ko," nakasimangot niyang wika. Gael went back to his seat opposite her at pasimpleng inabot ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

"She was an ex-girlfriend."

"Matagal kayo?" Sinulyapan niya ito.

"Hmm.. about a year and a half."

Tumaas ang kilay ni Louise. Medyo matagal din yun ah! "Bakit kayo naghiwalay?" Patuloy na tanong niya, pilit ikinukubli ang panibughong nararamdaman.

Tumawa ito, " sabi ko na nga ba hindi na matatapos ang inquiry sakin ng CIA eh!" Biro nito.

"CIA agad para nagtanong lang?" tuminghas ang gilid ng kanyang labi bilang pagprotesta. Lalo itong tumawa bago sagutin ang tanong niya.

"They migrated to the states," kibit balikat na sagot nito.

"Yun lang? I mean naghiwalay na kayo dahil lang dun?"

"Parehas pa kaming bata noon, we were both 16. Noong una ay nagtatawagan pa, hanggang sa nawalan na ng komunikasyon. But we keep in touch hanggang ngayon, we're great friends."

Muntik na siyang masamid sa narinig. They still keep in touch? Great friends? Pwede bang maging friends lang ang ex?

"Oh bakit nanahimik ka na riyan?"

"I just don't believe that exes can be just friends."

"Bakit naman hindi?" Takang tanong nito, "kahit naman hindi na kami, we still care for each other. As friends of course."

Louise frowned. Still care for each other as friends? You are not really helping yourself here, Mister! Naiinis siya! Hindi niya gustong may komunikasyon pa rin ang mga ito.

"Huwag kang mag selos, sweetheart," masuyong wika nito. Pinisil nito ang kanyang kamay na napakukubabawan ng kamay nito, "she knows about you. About us. At alam niya na ikaw lang ang kaisa isang babaeng iniibig ko," assurance in his voice.

She sighed. "Hindi lang talaga ako kumportable, Gael. I mean you two have a past. Buti nga kayo one and a half years, tayo nga ilang buwan pa lang. Mas may history pa kayong dalawa."

"Sweetheart, walang dahilan para magselos, we have a lifetime ahead of us to make memories," mapanukso itong ngumisi, "did you want me to seal that with a kiss?"

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon