Chapter Forty Three

692 20 1
                                    

Halos paliparin ni Gael ang sasakyan marating lamang agad ang address na itinuro ni Yaya Adela sa kanya sa San Martin. Pinindot niya ang built-in phone function ng dalang sports car at i-dinial ang number ni Kurt.

"Hello?" Sagot ng lalaki sa kabilang linya.

"Where the fuck is my wife?!" Galit na bungad niya rito. Nagtatagis ang mga ngipin na napahigpit lalo ang hawak niya sa manibela. This could be Kurt's neck, pag nagkataon, mapipilipit niya talaga ang leeg ng lalaki.

"Whoa man! What do you mean?"

"You son of a bitch! Don't you play dumb with me! You met with her earlier and now she's missing! I swear to God, if you ever lay a fucking finger on her-"

"Hold on... I didn't meet with Louise pare."

"Tang ina! talaga bang tatarantaduhin mo ako?!" Bulyaw niya. "Nasaan ka?!"

"Sandali lang pare, kumalma ka sandali. Totoong nakipag arrange ako ng meeting with Louise, but the truth is, it's actually for Patty."

Lalong pinanlamigan ng katawan si Gael sa narinig. Patty. Shit! Louise could be in real danger.

"Hello? Andiyan ka pa ba pare?"

"Are you out of your mind to do that?!"

"Well, Pat said she really wants to have a look at the property but Louise wasn't open to meeting her... galit pa raw yata sa kanya?" Narinig niyang bumuntong hininga ito, "bro, nag o-overreact ka lang siguro, ano naman ang mangyayaring masam-"

"Patty has a history of mental illness!" Bulalas niya. Fear gripped his being just thinking about what Patty could do kung sakaling bumalik na pala ang sakit sa pag iisip nito.

When they were 16, Patty was diagnosed with a psychological illness na naging dahilan upang dalhin ito ng mga magulang sa Amerika. What the illness was has never been discussed openly, ang alam lang niya ay nagkakaroon ito ng violent mood swings na noong una ay inakala niyang dala lamang talaga ng pagiging topakin ng babae. They remained good friends over the years through email and phone calls dala na rin ng matinding pakiusap ng mga magulang ni Patty. Makatutulong raw ito sa treatment ng dalaga, bagaman sinabi ng mga ito sa kanyang hindi na babalik pang muli si Patty sa Pilipinas. He never really cared to ask kung ano ba ang sakit ng dating nobya dahil para sa kanya, long distance friendship is harmless anyway.

Kaya naman 6 years ago ay hindi rin niya mapaniwalaan nang lumitaw muli ang babae sa kanyang harapan. Hindi man niya gustong tanggapin ang tulong nito ay wala rin siyang masyadong pagpilian pagkat hindi siya magawang ilabas sa piitan ng kanyang Tiya Amelia. His poor aunt tried everything she could to get him out of jail and even ended up selling the few properties they had in an attempt to clear his name. But Enrique Saavedra was a powerful man, lalo pa sa bayan ng Sta. Martha, nagawa nitong paikutin at baliktarin ang lahat dala ng salapi at impluwensya. And just when he thought he will rot in prison, Patty showed up, at sa loob lamang ng maikling panahon ay nailabas siya nito. Patty helped him rebuild his life and achieve success, malaki ang utang na loob niya rito.

Noong una ay may pag aalinlangan si Gael sa estado ng pag-iisip ni Patty, na unti-unting nawala dahil na rin sa assurance ng mga magulang nitong naging matagumpay ang treatment ng dalaga sa Amerika, at dahil na rin sa mga panahong magkasama sila bilang mag business partner ay wala siyang nakitang kakaibang kilos o ugali mula rito.

He should have been more careful. He should have been wiser, disin sana ay hindi napadawit si Louise kay Patty. Marahil ay masyado siyang nabulag ng kagustuhang makaganti sa mga Saavedra at muling maangkin si Louise, na hindi niya nabigyang pansin ang mga pagbabago kay Patty nitong huli.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon