Chapter Thirty Five

676 18 1
                                    

"Oh natigilan ka?" Tudyo ni Patty, nasa mga labi pa rin ang mapang asar na ngiti.

Naapektuhan man sa sinabi ng babae ay hindi nagpahalata si Louise. She chuckled at bahagyang umiling, na para bang isang malaking kahibangan ang sinabi ng kausap, "paano kang pakakasalan ng isang taong may asawa na?"

"Don't play dumb Louise. Alam nating parehas ang kasunduan niyo ni Gael..."

Muli ay naikuyom niya ang mga kamao. It makes her blood boil knowing na alam nito ang isang sikretong dapat ay sila lamang ni Gael ang nakakaalam.

"Oh, don't be surprised that I know about it," nang-uuyam na sabi nito, "Gael doesn't keep any secrets from me."

"Kung ako sa'yo...hindi ako masyadong aasa na magiging malaya si Gael sa loob ng isang taon... after all, tunay at legal ang kasal namin, it doesn't say anywhere that it will be void in a year."

"You bit-"

"What's going on here, Patty?"

Sabay nilang nilinga ang pinanggalingan ng tinig. Si Gael ay nakatayo sa di kalayuan, seryoso ang ekspresyon sa mukha nito. Patty didn't seem to care na naabutan ni Gael ang pagtatalo nila ngunit hindi na ito kumibo pa at sa halip ay umalis na ng kusina.

Si Gael ay nilapitan siya at kagaya ng dati, ay malambing siyang niyakap mula sa kanyang likuran.

"Totoo ba ang narinig ko, Mrs. Aragon?"

"Huh? Ano ba ang narinig mo?"

"That you're not letting me go after a year," nasa boses nito ang kagalakan.

Yes Gael. If I can stay with you forever, I will... pero paano ako mananatili sa isang relasyong isa lang ang umiibig?

"Hindi ko alam kung saan mo narinig yan," inosenteng sagot niya.

He turned her around to face him and pressed himself against her, his arms were around her waist.

"Gael ano ba?" Lumingon siya sa entrance ng kitchen, "baka makita tayo ng mga katulong," saway niya rito kahit pa sa munting pagkakalapit na iyon ay tila may apoy na unti unting nabubuhay sa kanya, idagdag pa ang kiliti sa kanyang sikmura.

"So?" He sniffed her neck, "may masama ba doon? You're my wife."

Marahan niyang itinulak ito palayo pero nanatiling parang bakal ang mga bisig nito. Her eyes went wide ng maramdaman ang bagay na iyon malapit sa kanyang sikmura. Agad na gumana ang imahinasyon siya. Napatingin siya rito at napalunok. Nasa mga labi ng binata ang isang pilyong ngiti, na tila ba alam nito ang tinatakbo ng kanyang isip.

"Gael, pati ba naman sa kusina?" Saway ng isang tinig na nagpahinto sa akmang paghalik nito sa kanya.

Sinamantala ni Louise ang pagka distract ni Gael at agad lumayo mula rito. Inayos ang sarili at hindi malaman kung paano titignan si tiyang Amelia. Bahagyang nakakunot ang noo ng matanda at may warning na tinignan ang pamangkin. Pakiramdam niya ay nangamatis na yata sa pula ang mukha niya sa pagkapahiya.

"Sa kuwarto na kayo magharutan, nakakahiya sa mga kasambahay," wika nito at tinungo ang kalan upang tignan ang nakasalang na ulam.

"Si tiyang talaga napaka conservative pa rin," he boyishly smiled sabay kamot ng ulo.

"Naku eh sige na nga at pumaroon na kayo," pagtataboy nito sa kanilang dalaw.  "Ako na ang bahala rito."

"Pero tiyang.." protesta ni Louise

"Hala sige, sumama ka na sa asawa mo at hindi titigil sa pagka pilyo iyan," naiiling na sabi ni tiyang Amelia.

Napilitan silang umalis ng kusina. Hinampas ni Louise ang braso nito nang wala na sa paningin nila ang tiyahin.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon