Chapter Thirty Nine

631 17 3
                                    

"Gael! Ano na ba ang nangyayari sa'yo?! Look at this mess!" Galit na puna ni Patty sa kanya, nanlalaki ang mga mata nitong tinignan ang paligid.

Yes, his place was a huge mess. Halos isang linggo na siyang walang ibang hinahayaang makapasok sa unit niya upang maglinis man lamang. Nagkalat doon ang mga bote ng alak na walang laman.

Hindi niya pinansin ang babae, sa halip ay muling dinala sa labi ang hawak na bote ng scotch at tumungga roon.

Lumapit ito sa kanya at galit na namaywang, "ano?! Magkukulong ka na lang ba talaga rito?! Are you throwing your life away?!"

"Leave me alone Patty, pwede ba?" He said, hindi siya nagtaas ng tinig ngunit naroon ang warning sa kanyang boses.

"Alam mong may meeting tayo kay daddy ngayon!" Muling protesta nito, isa isang pinulot ang mga boteng walang laman.

"Hindi ako sumang ayon sa meeting na yan Patty, ikaw na lang ang makipag meeting. I'm sure you can handle the business well."

Laglag ang balikat na tiningnan siya nito, "is it because of that bitch kaya ka nagkakaganyan?! That bitch who only wanted your money and left you as soon as she was able to get what she needed from you?!" Halos lumuwa ang mata nito sa galit, "that bit-"

Marahas na ibinato ni Gael sa dingding ang hawak na bote, it smashed against the wall. Lumikha iyon ng malakas na ingay na nagpatili kay Patty.

"Stop calling her that!" bulyaw niya.

He rose from his seat at nilapitan ang babae, napaurong ito hanggang sa mapasandal sa dingding. Marahas niyang itinukod ang kamay sa dingding, nakita niya kung paanong nakiraan ang takot sa mga mata nito.

"Don't.call.her.that." He said nastily, gritting his teeth sa tinitimping galit.

It took Patty a few seconds bago nakabawi sa pagkabigla. Laking gulat ni Gael nang bigla siyang yakapin nito.

"Please, Gael... just forget about her...nandito naman ako..."

Inalis ni Gael ang pagkakatukod ng mga kamay sa dingding at hinawakan ang mga bisig ng babae upang alisin sa pagkakayakap sa kanya.

"You're asking for the impossible. I cannot forget her," malamig na tugon niya.

He was about to turn away when Patty suddenly grabbed his face and kissed him.

"Pat ano ba?!" Itinulak niya itong palayo, "sinabi ko na sa iyo na..." his voice trailed off nang si Louise ang makita niya sa kanyang harapan. Ipinilig niya ang ulo at marahas na ipinikit ang mga mata. He's imagining things. Wala si Louise dito at hindi ito darating, she left him again for the second time. Kanina lamang ay nalaman niya mula sa kanyang tiyahin ang pag alis nito mula sa bahay sa San Nicolas. Wow! wala itong inaksayang oras matapos makuha ang minimithing titulo ng hacienda! Pera lang ba talaga ang nais nito sa kanya?

You know I married you for money, so why are you surprised?

Marahang hinaplos ng dalaga ang leeg niya m, "kalimutan mo na siya Gael. Don't throw away everything you've worked hard for to achieve...everything you've built, dahil lang sa isang babae...she's not worthy..."

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari..." wala sa loob na sabi niya, "we were doing good, ang akala ko mahal pa niya ako... akala ko naramdaman ko na ulit ang pagmamahal niya..." ikinuyom niya ang kamao at malakas na sinuntok ang pader. Hindik na inabot ni Patty ang nagdugo niyang kamay.

"You'll get over her, Gael... I will help you get over her... trust me." determinadong saad nito.



Days went by at nilunod niya ang sarili sa trabaho, to distract himself. He misses her so bad that it hurts like hell. Ilang ulit siyang umuwi ng Sta. Martha at tinanaw lamang mula sa malayo ang malaking gate ng hacienda Saavedra. He had to restrain himself upang hindi ito puntahan ng tuluyan at mag makaawang bumalik ito sa kanya. Ilang ulit din niyang pinag isipan na suyuin ito, himuking bumalik sa kanya, pero hindi ba't malinaw nitong sinabi sa kanyang wala itong pagmamahal para sa kanya? Gusto niyang pagtawanan ang sarili sa twist at irony ng mga naganap, hindi ba siya ang may planong paghigantihan ito at ang ama nito kaya't inofferan niya ito ng kasal? sa bandang huli pala ay siya ang napahamak at naiwang talunan.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon