Chapter Nine

659 22 2
                                    

"Okay class, it's time to select our representative for the upcoming Prom Night," deklara ni Mrs. Alvarez, ang homeroom teacher nila.

Next month na ang Junior & Seniors Prom nila, one of the biggest events in the campus that everyone is looking forward to.

"Anyone wants to nominate?" tanong ulit ng guro. Ilang mga kaklase nilang lalaki at mga kababaihan ang sabay sabay nagsipag taasan ng kamay.

"Yes, Mr. Santos?" the teacher pointed at one of the students.

"Ma'am, I nominate Ms. Louise Saavedra as our class representative for Ms. Prom!" Nagkaingay ang klase, everyone cheering and supporting the nomination.

Sa totoo lang, hindi naman siya mahilig magsasali sa mga ganitong contest, kahit pa nga mula elementarya ay ilang ulit na rin siyang napilitang sumali dahil lagi siyang nano-nomenate bilang muse ng klase.

"Okay", isinulat ng kanilang teacher ang pangalan niya sa black board. "Any other nominations?"

Leana, one of the girls in Marcie's "mean girls" squad stood up and nominated Marcie.

She almost wanted to roll her eyes. Marcie was acting as if hindi nito alam na ino-nomenate siya ng kaibigan. Whatever. Marcie can have it. Hindi naman siya interesado. There were still a few names nominated before the whole class voted. Out of the 4 names, it narrowed down sa kanilang dalawa ni Marcie. She almost wanted to tell her classmates not to vote for her, but that would make her look arrogant kaya't nanahimik na lamang siya. In the end, she won in the voting. Landslide. Siguradong lalong magpuputok ang butsi nitong malditang to sa kanya.

The class also voted for a male representative para maging "Prom King", and Arthur Atienza won. Well, he deserved it. Ito naman talaga ang pinaka may hitsura sa kanilang klase.

After class, ipinaiwan silang dalawa ni Mrs. Alvarez to debrief them kung anong kailangang gawing preparations. This is like a full-on beauty contest.

Iniisip pa lang ni Louise ay na e-exhaust na siya. There will be rehearsals after school and even on the weekends! Ipinaliwanag sa kanila ni Mrs. Alvarez na 50% ng score ay manggagaling sa talent portion, swimsuit and evening gown competition at question and answer, habang ang natitirang 50% ay galing sa boto ng buong eskwelahan.

"It looks like we're gonna be spending more time together from here on, Louise," nakangiting sabi sa kanya ni Art habang palabas sila ng silid matapos ang briefing, na ang tinutukoy ay magiging mga rehearsals nila. Bilang mga representative ng section nila ay sila ang magkapareha.

"Looks like it," nakangiting tugon niya.

Art has always been friendly and polite. Laking pasasalamat niya na hindi ang preskong si Justin Timoteo and nanalo, kung nagkataon ay hindi niya alam kung paano niya matatagalan ang makatrabaho ito. Justin courted her once, at ito na ang pinaka mayabang at feeling poging lalaking nakilala niya.

Like a routine, library ang punta niya kadalasan paglabas ng klase. Well, not to read books or study but to meet Gael. Gusto niyang mapahiya na ginagawa nilang "dating" place ang library pero sa ngayon ay hindi pa niya kayang maging public sila dahil hindi pa rin niya alam kung paano ipaliliwanag sa ama. Knowing how strict and conservative her dad is, natatakot siyang pagbawalan nito at maputol ang relasyon nila.

It seemed like only yesterday when Gael first kissed her, but it has been 4 months now. 4 months na pala silang mag nobyo. So far so good. It's been the happiest 4 months of her life.

Gael is a perfect gentleman, although may pagka seloso at possessive ito kung minsan.She discovered so many things about Gael, mga bagay na hindi mo aakalain from him kung hindi mo ito kilala ng lubusan. Kagaya na lamang na napaka thoughtful pala nitong tao despite the bad boy image. Bagaman sinabi na nito sa kanya na ikatutuwa nito kung hindi na nila kailangang itago ang namamagitan sa kanila, naging understanding ito sa kanyang sitwasyon at rason kung bakit hindi pa niya magawang ibunyag sa lahat ang relasyon nila.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon