Chapter Nineteen

665 26 1
                                    

Nagmulat ng mga mata si Louise. Puting kisame ang kanyang nasilayan. Her head is hurting, ganoon din ang buo niyang katawan. Nasaan siya? Ano'ng nangyari?

Dahan dahan siyang naupo sa kama. Nilinga niya ang kabuuan ng kwarto at napagtantong nasa ospital siya, sa kaliwang kamay niya ay nakakabit ang isang suwero.

Bumalik sa kanyang isip ang malakas na busina ng jeep bago nagdilim ang paligid. Kasunod niyon ay ang pagragasa ng ala-ala sa kanyang isip. Si Gael, at ang kaibigan...Magkasama sa kama...natatakpan lamang ng kumot.

Sunod sunod na paghikbi ang kumawala mula sa kanyang lalamunan. Naglandas ang mainit na luha sa magkabilang pisngi niya. Tinutop niya ang bibig upang pigilan ang pag-alpas ng malakas na palahaw, ngunit nakawala pa rin iyon. Hinayaan niya ang sariling umiyak, ilabas ang lahat ng sakit na naroroon sa kanyang kalooban, sobrang sakit na pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga.

Humahangos na dumating ang kanyang yaya Adela mula sa labas ng kanyang silid, kasunod ang dalawang nurse. Bakas sa mukha nito ang matinding pag aalala. Agad siyang nilapitan nito at niyakap.

"Sshh..tahan na, hija," alo nito sa kanya habang yakap siya.

Gustuhin man ni Louise ay hindi niya maihinto ang pagluha. Humagulgol siya sa balikat ng yaya, not caring kahit na ang dalawang nurse ay nakamata sa kanya. Niyakap niya ng mahigpit ang matandang babae na para bang maaamutan niya ito ng lakas. "Ano bang nangyari sa'yong bata ka?" puno ng pag aalalang tanong ni Adela.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang dumating ang kanyang papa. Akma itong lalapit sa kanya ngunit nanatiling nakatayo sa bukana ng pintuan. Hindi nagtagal ay tumalikod ito at umalis ng silid niya. Isa sa dalawang nurse ay umalis at maya-maya ay nagbalik dala ang isang botelya ng gamot.

"Miss, i-aadminister ko lang ito sa iyo ha...pampakalma lang ito," lumapit ito sa kanyang suwero upang ilagay ang gamot. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kahit ano pa ang ibigay ng nurse sa kanya, sa nararamdaman niya ngayon ay mabuti pang lason na lamang sana ang iturok nito.

A few minutes after ay nakaramdan na siya ng pagbigat ng mga mata. Inalalayan siya ng mga nurse na muling makahiga sa kama. Sa nanlalabo niyang isip ay sinalat niya ang kuwintas na suot sa kanyang leeg. Muli ang pagkawala ng kanyang mga luha. Bakit, Gael? how could you do this to me?

Ilang araw pa ang kanilang inilagi sa ospital bago siya na discharge. Araw araw din ay binibisita siya ng ama. Ni hindi ito nagtanong sa kanya kung ano ang nangyari, na kanya namang naipagpasalamat dahil hindi niya gustong pag usapan ang mga kaganapan at marinig dito ang salitang "I told you so".

Siguardo siyang nalaman na nito ang nangyari mula sa mga sources nito, wala namang nakakaligtas na impormasyon kay Enrique. Ang yaya niya ang naging katuwang niya sa mga sandaling iyon, her yaya Adela cried with her, kahit pa hindi pa niya sinasabi dito kung ano ang dahilan ng kanyang aksidente. Halos doon na ito tumira sa ospital habang naka confine siya, madalas ay puno ito nang pag-aalala dahil napakalaki na raw ng ihinulog ng kanyang katawan, simula kasi nang magkamalay siya ay wala siyang ganang kumain, kung hindi nga lamang siya pinipilit ng yaya ay hindi talaga siya nakakaramdam ng gutom. Habang naroon siya sa pagamutan ay hindi iilang beses siyang umasa na iluwa ng pintuan si Gael. Oo galit na galit siya dito, pero umasa siyang magpapakita ito upang humingi ng tawad o magpaliwanag man lang. Ngunit hanggang sa araw ng kanyang paglabas sa ospital ay hindi niya nakita ni anino nito.

Araw ng kanyang birthday, kagaya na nang palagi niyang ginagawa simula makauwi sila ng mansion ay nagpalipas siya ng hapon sa gazebo na nasa gitna ng kanilang malaking hardin. Napaplibutan ito ng iba't ibang klase ng mga rosas at iba pang bulaklak na pawang mga imported. Dahil sa mga nangyari at sa kanyang pagkaka aksidente ay kinansela ang kanyang birthday party, tumanggi rin siya sa isang simpleng selebrasyon. Ano ba ang dapat ipagdiwang, gayong pakiramdam naman niya ay isa na siyang patay?

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon