Chapter Twenty Five

694 22 1
                                    

Ipinarada ni Gael ang sasakyan di kalayuan mula sa hacienda Saavedra at pinatay ang makina niyon. Tiningnan niya ang relo sa kaliwang bisig - he's 15 minutes early sa usapan nilang oras ng dalaga. Kinuha niya ang cellphone at itinext ito upang sabihing naririto na siya.

He impatiently tapped his fingers against the steering wheel, he couldn't wait to see her again. It's been 3 days since he attempted to give her an engagement ring na tinanggihan nito, ngunit pakiramdam niya ay tila ba ilang linggo na ang nakalipas. Nakatakda na ang kasal nila 2 weeks from now at kung maaari lamang na hilahin niya ang araw ay ginawa na niya.

Hindi nagtagal ay natanawan niya ang dalagang naglalakad palapit sa kinapaparadahan niya. She was wearing tight fitting jeans, plain white shirt and a pair of white sneakers. Ang mga mata nito ay natatakpan ng malaking shades. He hair was neatly tied in a pony tail. On her left shoulder was a large tote bag na sigurado niyang designer. Sa kabila ng kasimplehan ng gayak nito and even from afar, he still thinks she looks like a goddess at hindi niya maiwasan ang excitement na nararamdaman. Umibis siya ng sasakyan upang salubungin ito at ipagbukas ng pintuan. Isang mahinang "thank you" ang iniusal nito.

"Saan mo ba ako balak dalhin at nagpilit ka pang sunduin ako? Paano kung matanawan ka ni yaya Adela?" May halong iritasyon ang tinig nito. Ang katotohanan kasi ay kinailangan na naman niya itong gamitan ng "black mail" para mapapayag niyang sunduin.

"We're paying my aunt a visit, para ipaalam ang kasal natin."

Daglian itong napaharap sa kanya at hinubad ang suot na shades, shock in her eyes, "ano?! Bakit kailangan pa natin magpunta sa tiyahin mo? This is all just a marriage of convenience and I don't see the reason why- "

"Yeah. My aunt doesn't know that," putol niya sa sinasabi nito.

"What do you mean, Mr. Aragon?!" Her eyes were shooting arrows at him.

Idinantay niya ang isang kamay sa headrest ng upuan nito at nagmaniobra, ignoring her anger. "Hindi alam ng tiyahin ko ang tungkol sa deal natin, Louise. And I intend to keep it that way."

"You are unbelievable! Paano kung hindi ako pumayag at sabihin ko ang totoo sa kanya?" Naghahamon ang tinig nito.

He stepped on the break, dahilan upang bahagya itong mapatukod sa dashboard.

" 'Yan ang huwag na huwag mong gagawin, Louise," tiim bagang niyang wika. "Matanda na ang tiyahin ko, and I've already given her enough troubles and worries," may babala sa kanyang tinig.

Hindi ito sumagot sa halip ay umayos ng upo at humalukipkip. Muli nitong isinuot ang shades.

"Good," he said contently at muling pinaandar ang sasakyan. Ilang sandali pa ay tinatahak na nila ang daan patungong San Nicolas.

San Nicolas is a small town approximately 4 hours away from Sta. Martha. Matapos nilang umalis ng Sta. Martha 6 years ago ay sa Maynila muna sila nanirahan upang pagbuhusan ng atensyon ang kumpanyang kanyang sinimulan, but his aunt couldn't stand living in the city at dahil sa hindi rin nito gustong bumalik ng Sta. Martha ay naisipan niyang sa San Nicolas bumili ng bahay malapit sa tabing dagat. He thought the sea breeze at ang magandang tanawin doon ay maganda para sa kanyang tumatanda ng tiyahin.

"Do- doon pa din ba siya nakatira sa ancestral house niyo?" Maya maya ay tanong nito sa kanya.

"Hindi. As I've said medyo mahaba ang byahe," sinulyapan niya ito,  "sa San Nicolas nakatira si tiyang."

"May bahay pala kayo roon?"

"I've bought that property about 3 years ago, hindi kasi matagalan ni tiyang ang siyudad."

"S-sana man lang sinabihan mo ako para man lang may nabitbit naman ako para sa tiyahin mo."

Napangiti siya, "well, well, aren't you being a very sweet fiancée now?" He teased.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon