"Ms. Saavedra?" bati sa kanya ng unipormadong babae, "Mr. Gascon is ready for you," nakangiting sabi nito na ang tinutukoy ay ang manager ng Rural Bank of Sta. Martha.
Umusal siya ng isang "thank you" sa babae at sinudan ito sa opisina ng manager.
"Ah, Ms. Saavedra! pleasure meeting you!" iniabot nito ang kamay sa kanya, "please have a seat."
Tinanggap niya ang kamay nito. "Thank you for seeing me, Mr. Gascon."
"What can I help you with?" Umupo ito sa swivel chair nitong nakaharap sa desk.
"I just wanted to look at what my options are if..if I wanted to take out a loan."
Bumuntong hininga ang lalaki bago sumagot, "to be honest Ms. Saavedra, your father has been denied a loan from this bank a couple of months ago... I really don't see how your application would be any different..."
Parang gustong maiyak ni Louise sa narinig. So, sinubukan na rin pala ng ama na mangutang sa bangko.
"B-but I may have some assets na pwede kong i-offer, Mr. Gascon," she began pulling out some documents from the oversized Louis Vuitton bag she was carrying.
"I'm sorry Miss... I don't think we can help you. The bank is aware na nalugi ang mga negosyo ni Don Enrique, at na malapit na ring marimata pati hacienda, " he paused, naroon ang simpantya sa mga mata nito, "there's no way any bank would take that huge of a risk. I'm sorry." pinal na wika nito.
Laglag ang balikat na umalis ng bangko si Louise. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Kagabi ay tinawagan na niya ang kaibigan sa LA na si Rhea at pinakiusapang ilagay na for sale ang kanyang apartment. Whether or not babalik pa siya ng Amerika ay hindi pa niya alam sa ngayon, kung babalik man siya ay inaasahan na niyang medyo matatagalan pa. Mabuti na lamang at maunawain si Lloyd, at kahit pa gusto niyang mag resign ay pinilit siyang indefinite leave of absence na lang ang kanyang gawin.
Sa ospital siya nagtuloy matapos magtungo sa bangko, nagulat pa siya ng makasalubong palabas mula sa silid ng ama si Attorney Santos, ang abogado ng AG Group. Nginitian lamang siya nito at lumabas na ng silid. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin bago nagtuloy pumasok sa kwarto ng ama.
Dinatnan niya si Enrique na nakapaupo sa kama, ilang unan ang nasa likod nito upang kumportableng makasandal sa headboard.
Nagliwanag ang mukha ng Don ng makita siya. "Hija," nakangiti ito bagaman hindi maikakailang hirap pa rin itong huminga, naroon pa rin ang mga aparatong nakakabit sa dibdib nito at sa ilong. Sa isang kamay ay nakakabit ang swero.
Nilapitan niya ito at hinagkan sa noo. "Kumusta po ang pakiramdam niyo, Papa?"
"Mas mainam na, hija," ginagap nito ang palad niya, "salamat hija...maraming salamat."
"Para saan po?"
"Nasabi na sa akin ni Atty. Santos na..." bahagya nitong hinabol ang hininga.
"Enrique, sinabi na sa iyo ng doctor na huwag masyadong ma e-excite," paalala ni Adela rito.
"Ano ho ba iyon yaya?" pinaglipat niya ang tingin sa dalawang matanda.
Muling hinigit ng ama ang paghinga bago nagsalita. "Nasabi na ng abogado na...ibabalik ng AG ang hacienda. Dahil daw sa iyo, anak," ngumiti ito.
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa yaya Adela niya. Pasimpleng sinenyasan siya nito na huwag na munang kumontra sa sinasabi ng kanyang papa.
"Ako na ang magpapaliwanag kay, Louise, Enrique. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna ulit." Isang mahinang tango ang itinugon ng Don at muling ipinikit ang mga mata. Si Adela ay nag buzz sa nurse's station upang i-request na muling ihiga ang pasyente. Matapos masigurong kumportable na si Enrique sa higaan ay maingat siyang iginiya nito palabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso
RomanceRank #1 in #highschoolsweethearts - March 18,2020/ March 22,2020 ***This book will soon be edited*** Louise was 16 when she met Gael - ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepa...